Chapter 1

4 0 0
                                    

First day of class ngayon at maaga akong pumasok, pagkaupo ko sa aking upuan ay tumingin-tingin ako sa loob. Bale dala-dalawa ang mga upuan, in-short may isa kang katabi per column ng mga upuan. Wala pa akong katabi ngayon tska malay ko kung wala akong katabi o ire-arrange kami ng magiging instructor namin.

Ilang sandali nalang ay nagsimula na ang klase namin, as usual hindi mawawala na kapag bago ang mukha sa klase ay kailangang magpakilala ka. So kailangan kong magpakilala since ako ay katra-transfer lang dito sa unibersidad. Tumayo na ako at nagsimula nang magsalita sa loob ng klase. Sa nakikita ko sa kanilang mukha ay interesado silang makilala ako, meron namang iba na wala lang paki-alam well it doesn't matter.

Habang nagsasalita ang aming guro ay merong biglang umupo sa aking tabi, actually mabagal ang kanyang kilos at mukhang hanggat maaari ay di siya mapansin ng aming guro. Napatingin ako sa kanya ng dahil sobra siyang kinakabahan sa kanyak itsura at ilang sandali ay napatingin din siya at medyo kinabisado ata ang mukha ko. Agad siyang siyang umiwas ng tingin ng makita niyang nakatingin ako sa kanya.

"Ako nga pala si John Rey" pagpapakilala ko sa kanya at inabot ko ang aking kamay para magshake hands. Tumingin siya sa akin at simpleng ngumiti at nakipagkamay. "Jake"

Pagkatapos ng klase ay agad ko siyang tinanong kung saan ang canteen ng college. " Jake asan pala canteen dito?" Matapos niyang maikarga ang mga gamit niya sa bag ay agad siyang sumagot. "Nasa dulo yung canteen ng college natin" sagot niya.

"Sige, salamat" tumango lang siya at madali siyang pumunta sa mga kasama niya ata. Lahat ng kasama niya ay mga babae tsaka ewan ko na kung straight yung isang lalaki nila. Sa nasaksihan ko, alam ko na akung ano si Jake.

Naglakad nalang ako papuntang dulo hanggang sa narating ko ang canteen, hindi naman kahabaan ang pila at walang gaanong estudyante. Pagkabili ko ay agad akong naupo sa gilid at nagsimula nang kumain. Heto talaga ang malupet, ang magadjust at masimula sa isang luagr na hindi kinalakiham.

Napatingin ako sa lalaki na agad pumasok sa loob ng canteen at dali-daling nagsuot ng apron papuntang kusina ata. I think working student ata yun pero nakakabilib kung ganun.

Pagkapasok ko sa susunod kong klase ay iba na namang kwarto pero ang bago ngayon ay kanya kanya na ang upuan kase meron na itong sariling lamesa. Nagsimula na nga ang aming klase at kahit papano ay nakikilala ko na ang mga kaklase ko pero ang kinatatawa ko ay lumabas na ang kulay ni Jake, yeah his gay. Dinare siya ng mga kasama niya na kausapin ako kaya heto kami ngayon naguusap na kasama ang mga kaibigan niya. Bale apat na babae at isang lalake na kung di ako nagkakamali ng narinig ay boyfriend ng isa sa mga kasama njya.

"So John bakit ka pala nagtransfer?" Tanong ng isang kasama nilang babae sa akin. Si Jane ang kasusap ko ngayon na nagtatanong. "Kailangan e, wala na kase akong kasama sa Ilocos kaya pinabalik na ako ng parents ko dito" sagot ko

"Sorry pala kanina John ha? Hindi kita maentertain ng maayos kanina kase naninibago ako haha. Tsaka nice meeting you pala" sabi ni Jake. Actually he's a gay pero nararamdaman ko na hindi siya cross dresser tsaka di gaano halata sa kanyang galaw na bakla siya pero mapalansin mo na nang kaunti sa pananalit niya at sa mga nagiging kasama niya.

"Nice meeting you din" tsaka ko pinakawala ang isang ngiti na sahi para mejo mamula ng kaunti ang kanyang mukha. Medyo may kaputian kase si Jake. Nakita ng mga kasama niya ang pamumula niya kaya si Rose ay bigla niyang tinusok ang kanyang tagiliran. "Nako Jake for the first time na naman in the history haha, nagblush ka na ulit haha"

Tuloy-tuloy ang panunukso nila kay Jake at ako naman ay nakikisabay na din. "Oy John feel free ka lang sa amin ha?, tsaka willing naman kami na makipagclose sayo hehe, lalo na tong si Jake haha" Namula ulit siya kaya mas natawa ang mga kasama niya.

Kalaunan ay dumating na ang oras ng uwian. Sabay kami ni Shila kase base sa kanya ay magkalapit lang daw ang dorm niya at apartment ko kaya isa ang tatahakin naming daan. Nga pala yung apat na babae na barkada ni Jake ay sina Rose, Shila, Jane at Tiff, yung may boyfriend ay si Tiff at masasabi ko na siya ang hindi gaanong nagsasalita. I wonder kung paano sila nag-on ng kanyang BF.

"Ui John, may lahi ka ba?" Out of the blue na tanong ni Shila sa akin. "Haha hindi, bakit mo naman natanong?" Sagot ko.

" Biglang tingin kase, para kang may lahing out of Asia haha, mata mo kase is as in light brown tsaka yung shape ng face. Showee kase yang panga mo kaya nacurious tuloy ako" Haha ayan dinescribe na ako ni Shila sa inyo.

"Haha hindi, biyaya lang siguro" patawa kong sagot sa kanya.

Hindi kalaunan ay narating na namin ang dorm ni Shila, sabi niya sa akin ay sa tita niya daw ito. Wala siyang binabayad pero inaalagaan niya ang anak ng tita niya.

Pagkarating ko ng appartment ay agad akong nahiga sa kama at pinikit ang aking mga mata. For now I can na sobrang boring ang magiging buhay ko ngayon dito lalo nat magisa pa ako. Pagmulat ng mata ko ay agad nitong hinanap ang orasan, 7:10 pm na. Agad akong bumangonat dali-daling nagpalit ng damit. Lalabas muna ako para magkape, nagtanong ako kina Jake kanina kung merong malapit na kapehan malapit dito sa unibersidad. Buti nalang hanggang 9 tong mga tricycle dito, nasa siyudad lang kase itong paaralan namin kaya maraming establishments.

Love ko ang coffee at hindi ko ito matatanggal sa routine ko haha, tska mahilig akong magpuyat minsan lalo na kung maraming tatapusin. Pagkarating ko agad akong nagorder ng americano coffee, laking gulat ko ng makita ko ang nagentertain sa akin. Siya yung lalaking nakita ko kanina sa pumasok sa kusina ng canteen. Ewan ko pero nakakamangha lang talaga and, he's cute. Diko lang lang alam pero parang mas matangkad siya sa akin. Nagdagdag na rin ako ng sandwich.

"Yun lang po ba sir?" Ngayon ay hindi na siya nakatingin sa akin kundi sa baba na. Napansin ko na matagal na pala akong natitig sa kanya.

"Ahh ahmm oo, sorry" sabi ko nalang sa kanya. Bahagya siya napangiti ay ginawa na ang order ko at humanap na ako ng magandang uupuan.

Nauna niyang sinerve sa akin ang cookies ko at sinunod niya ang americano coffee. I can feel that he's not straight too, galaw palang kase ng mata niya kanina at pagentertain niya sa akin alam ko na. Maybe for other people hindi nila yun mahahalata but for me, malalaman ko kaagad. Even though he is, nakakabilib siya talaga knowing that he has looks also.

Sa aking mahaba-habang pagi-isip ay nakita ko na siyang nakapalit na ng damit at dala ang kanyang bag. Sa kanyang paglabas ay nagkatinginan kami sa labas kaya agad na akong umiwas.

Binilisan ko nalang ubusin ang mga binili ko at dali-dali akong pumunta sa 7/11 para bumili pa ng ibang makakain kung gutumin ako.

A stranger that I met onlineWhere stories live. Discover now