CHAPTER FOURTEEN: Last Hope

Start from the beginning
                                    

Papa nodded twice and opened his eyes just to see me. Nakita ko pa ang dahan-dahang pagngiti ng mga labi nito.

"Thank you, 'Pa." Napayakap pa ako dito. Masayang-masaya ako na kahit paano ay

Then, something worse happened next. The apparatus went crazy as it beeped loud and fast. Papa was also twitching uneasily. Sobrang nataranta na ako sa nakita. Hindi ko na alam ang mga nangyayari.

Binuksan ko ang pinto at lumabas ako sa silid. "Tulong! Tumawag kayo ng doktor! Tulungan niyo si Papa!"

Nagulantang ang lahat ng mga naroroon. Maging ang mga tao na nasa loob ng silid ni Pero ay nawindang din: sina Mama, Tita Diella at Prof. Wong.

"Ano'ng ginawa mo?" Kinuwelyuhan ako ni Kuya Kat at si Ate Stil naman at nagtatakbo patungo sa loob ng kuwarto.

Sa ilang saglit ay rumesponde ang medical team na naka-assign kay Papa. Bumilis pala ang heartbeat nito at tila nahirapang huminga. Probably it was because something in him triggered his confusion towards my wish.

"Lumayas ka na rito! Alis!" pagtataboy ni Kuya. Hindi ko naman maigalaw ang aking katawan dahil nataranta na rin ako sa mga nangyayari. Napasandal na lang ako sa dingding hanggang sa mapaupo ako sa sahig.

After quite some time, na-stabilize naman ang kondisyon ni Papa. It was probably a rush of blood to the head. Kailangang hindi ma-stress si Papa sa mga susunod na araw para mapanatili ang ganitong kondisyon.

My mother was a very understanding person. She suggested that I should live with Tita Diella until Papa recovers. Pumayag naman ako dahil gusto ko ring maging maayos ang kalagayan ni Papa.

Kahit paano ay naging masaya naman ako dahil naramdaman ko sa pagtungo, pagngiti at pagluha ni Papa na tinatanggap ako nito bilang isang lalaking nagmamahal ng isang lalaki. Mga simpleng gesture lang ito na nagbigay sa akin ng malaking impact. And that impact was like a spark to my heart. It's just a spark but it's enough to keep me going.

Sa paghila ko sa aking maleta ay biglang tumunog ang aking cellphone. Mabilis kong kinuha iyon sa bulsa ng aking maleta at sinagot ang tawag. Si Mama pala iyon.

"Hello, Jambiya Mecca, anak. Nasaan na kayo ng Tita Diella mo?" tanong ni Mama.

Tumikhim ako. "Paalis pa lang ng bahay ni Tita, 'Ma. Bakit po?"

"Anak."

My heart skipped a beat. Ang ssang salitang iyon ay matagal ko nang nais madinig mula sa tinig na ito. "Papa?"

"Jambiya, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa iyo. Patawarin mo ako kung masyado ko kayong nasakal na magkakapatid. Patawarin mo ako, anak."

Nanghina ang mga tuhod ko. Napaluhod ako sa sahig. At nagsimula akong maluha. "Papa! I'm sorry... I'm sorry, 'Pa... Sana ay hindi na kayo galit sa akin."

"Sa totoo lang, hindi ko pa rin matanggap ang pinili mong landas, Jambiya. Pero matanda na ako. Hindi na rin maayos ang kalagayan ko, at lalong lumala ito dahil sa nangyari. Anumang oras ay maaari na akong mawala sa mundong ito. Kaya sinusubukan kong tanggapin ka, kahit mahirap ito sa loob ko. Lagi mong tatandaan, Jambiya. Hindi ako galit sa 'yo. Anak kita at ipinagmamalaki kita. Mag-iingat ka sa pag-alis mo."

Napahagulgol na rin ako nang wikain iyon ni Papa. It was really a heart-warming message from somebody who used to hurt you. "Thank you, 'Pa. Mahal na mahal ko kayo. I'm sorry sa lahat ng mga nasabi ko."

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Where stories live. Discover now