'TIM AND GIL WAAAHHH'


'EDWARD'


'NICLAS'


*insert <cool love>


Ang una naming kinanta ay ang cool love na mas lalong nag pa ingay sa EIS. Makikita mo naman ang iba na umiiyak habang nanonood samin meron ding mga bata.



Daze POV.


Nakikita ko dito sa puwesto ko ang iniidolo kong boy group masyadong magagaling sila sumayaw at kumanta. Kasama ko ngayon sina tita Kola at kelo kapitbahay lang namin sila at kaibigan ko naman si kelo kaya pumayag na din si nanay na uma-attend ako sa concert hindi ko sinabi kay nanay ang pangalan ng group na panonoorin namin dahil hindi naman siya ng tanong eh.


"Daze okay ka lang ba?" tanong sa'kin ni tita Kola na katabi ni kelo na ngayon ay naka-focus sa stage ang tingin dahil kumakanta ngayon ang main vocalist ng SEIE na si Tim Levert.


"Opo okay lang po ako" sagot ko dito bago tumingin sa stage.


"Mommy look...oh medyo hawig po talaga ni Daze si kuya Sage" rinig kong sabi ni kelo sa nanay n'ya. Wala ng bago sa mga nakikinig n'ya dito dahil simula ng mapanood nila ang video ng SEIE ay bukang bibig nito ay kamukha mo si Sage ng SEIE, puro gano'n ang mga nakikinig ko sa kanya kaya sanay na'ko.


"Oo nga Daze kamukha mo yung si Sage" sabi pa ni Tita Kola.


"Baka po nag ka-taon lang po ata" sabi ko na lang ditoz nagsalita pa ito pero hindi ko na nakinig dahil sa lakas ng tilian ng mga fans.



Nang matapos ang concert ay lumabas na kami ng MOA nila Tita at inaantay na lang namin is yung maghahatid samin pa uwi.


Sage POV


Nang matapos ang aming concert ay inantay muna namin maubos ang mga tao dito sa MOA bago lumabas baka daw kasi mag kagulo.


"Pwede na daw po kayo lumabas" sabi samin nung isang guard dito kaya sumunod na ang aming team at kami ang nahuhuli.


"Salamat po" sabay-sabay naming sabi sa mga nagtatrabaho dito sa MOA.


Nang makarating na kami sa labas ay wala ng masyadong tao kaya sumakay na kami sa van namin.


"Nakakapagod pero worth it naman" sabi ni Edward na nakasandal sa may bintana.


"Yeah worth it nga naman" sabi pa ni Dykel


"Nakita mo ba yung mga fans natin ang dami" kwento ni Gil na ngayon ay nagkukuwento na with reaction pa kaya natatawa naman kami dito.


Napatigil kami sa pagtawa ng tawagin ako ni Tim na nakatingin sa bintana ng aming van hindi pa kasi kami nakakaalis dahil inaantay pa namin yung ibang team na nasa loob pa.


"Sage tignan mo ito" sabi nito kaya tumayo ako para tignan kung ano ang tinititigan nito.


"Tignan mo yung bata" turo nito sa isang bata na nakatayo sa malapit sa gilid namin may kasamang babae at bata din.


"Kamukha mo!" sigaw nito kaya napatingin din yung ibang mga ka members namin at naki silip din sila.


"Oo nga Sage" sabay sabay na sabi nung lima.


"Hindi kaya anak mo yon?" tanong ni Davi na nag-iisip


"Paano naman n'ya yon magiging anak eh wala naman siyang girlfriend" pagtatanggol sa'kin ni Niclas 


"Hindi meron diba?" sabi pa ni Davi. 


Napaisip naman sila kung sino nga ba ang girlfriend ko, isa lang naman ang napasok sa utak ko na babae na naging girlfriend ko matagal na yon eh at imposibleng mangyari ang naiisip ko dahil isang beses lang namin yon ginawa dati kaya malabo talaga.


"Alam ko na" sigaw ni Edward.


"Syempre nag ka ex ka diba? baka nabuntis mo" kwento nito, hindi ko naman siya nasagot dahil wala akong alam at wala na naman akong connection don.


"Umalis na yung bata" sabi ni Tim na kina lingon namin sa bintana wala ng batang nakatayo don.


Napaisip ako na baka nga nag bunga ang nangyari samin nun. Kamukha din nung bata yung nakita kong bata sa seven eleven. Tinawagan ko naman ang taong makakatulong sa'kin.


"Hello, Kuya Rustia" tawag ko sa kabilang linya, si Rustia Regidor ang pinsan kong congressman dito sa Laguna.


"Yes?" kuya Rustia


"May gusto lang ako paimbestigahan, Meizea Velien" ako


"Noted. Hindi libre 'to my cousin, 10million ipapagawa ko kay Bill, alam mo naman yon mukhang pera" sabi nito, himala mahabang salita ang na sabi nito.


"Sige kuya forward ko na lang kay kuya Bill ang payment" sabi ko bago binaba ang tawag.


"Aalis na tayo" tumingin naman ako sa unahan ng van namin, dahil aalis na kami at pupunta pa kami sa dorm namin.....miss na namin ang dorm namin....ilang araw na kasi kami na laging nasa studio para sa practice namin....mabuti na lang at may vacation kami.



Nang makarating kami sa dorm namin ay agad kami nagsipuntahan sa aming mga kwarto...nahagip ng mata ko ang isang notebook na nakapatong sa lamesa....hindi pa pala tapos ang story na sinulat ko need ko na matapos 'to dahil ibibigay ko pa ito kay Chimaera.











MX Series 1: She's the One (Editing)Where stories live. Discover now