"Sissss!"

"Besh!"

Sabay nilang tutol pero binigyan ko lang sila ng pait na ngiti. Umiiling sila ngunit di ko sila pinansin,tumayo ako at pumasok sa loob ng room ni ate. Kahit di pwedeng pumasok ay pumasok pa rin ako,di na din Nila ako pinigilan. Kakausapin ko ang ate ko kahit Alam Kong di pa Sya gising,malay ko baka maririnig Naman ako ni ate.

Umupo kaagad ako sa upuan katabi ng hinihigaan ni ate. "Ate,Mahal Kita. Kahit sa anong sitwasyon mamahalin pa rin Kita. Ayaw kong iwanan mo ako at si Kuya,ayaw ko ding mawalan na Naman ng pamangkin. Natatakot ako sa desisyong ginagawa ko pero,ano ang magagawa ng takot ko Kung mawawala ka Naman sa mundo-kayo. Nawalan na ako ng nanay at tatay at wala Akong nagawa para maisalba sila noon. Ikaw nalang ang pamilyang naiwan sa akin ate kAya gagawin ko ang lahat mailigtas ka lang,ngayon may magagawa na ako para isalba ang isa sa kapamiya ko,kAya kakapit ako doon. Wag kang magalit ate ha. Isipin mo nalang ate na nagpakasal na ang kapatid mo sa minamahal nya. Ililigtas kita-kayo ng magiging pamangkin ko. Mahal ko kayo."huling litanya ko at tumayo na habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi at mata ko. Tumingin ako Kay ate at ngumiti ng pait pagkatapos ay lumabas na.

Sumalubong kaagad sa'kin sina Kuya,Cassy at kyle sa mga matang may pag-aalala.

"Baka may iba pang paraan sis!"Sabi ni Kyle pero umiling lang ako. Alam Nila ang bagay na ito,dahil di ako nagsesekreto sa kanila.

"Wala na..."malungkot Kung Saad at pait na ngumiti sa kanila. "Tara na Kuya!"matapang Kong Sabi kahit malakas ang tibok ng puso ko sa nerbyos. Natatakot ako baka sendikato itong matandang pakakasalan ko.

Niyakap ako ni Kyle at Cassy kAya yumakap din ako pabalik. Nag-iyakan sila kAya natawa ako.

"Mga gaga! Di pa ako mamamatay! Advance nyo masyado oy!"birong Sabi ko kAya sinapak Nila ako sa braso. Nagtawanan muna kami habang may nga luha sa mata.

Matapos ang tagpong iyon sumakay kaagad kami sa taxi. Ginamit ni Kuya Yung nautang nyang pera pambayad sa taxi,dahil wala Naman Kaming sariling motor or kotse or trycicle.

Ng nasa tapat na kami Ng malaking gate na kulay itim at puti sa mga gilid nito ay bumaba na kami.
Mayamanin dahil halatang mamahalin ang gate. Baka gold to tas kinulayan.

"Dito na ba Kuya?"tumango si Kuya at nagdoorbell. Ngayon ko lang nakita Yung doorbell kulay ginto. Hala!ginto nga.

Bumukas agad ito kAya hinawakan ni Kuya ang braso ko at pumasok agad kami sa gate. Pagpasok namin bumungad agad sa akin ang sobrang daming guard at maid na nasa loob ng bahay,nakayuko. Nagbabow ba sila Kay Kuya?astig ni Kuya ah.

Ng makarating ako sa loob ng bahay-palasyo para Akong nahihilo dahil sa taas nito. Ngumiti ako sa maid pero ngumiti lang sila pabalik ng may alanganin. Problema Nila?

"Asan si boss?"bulong ni Kuya doon sa matandang maid,sa tingin ko ito ang mayordoma.

"Nasa loob ng kanyang opisina Brent,hinihintay nya kayo doon"bulong din nito pabalik kAya umalis na kami ni Kuya doon at pumunta sa elevator. Tsngina! elevator!bahay ba to o building? First time Kung makasakay ng elevator kAya natatakot ako.

Ng tumigil ito ay bumukas kaagad kAya nagpatuloy kami ni Kuya sa paglalakad hanggang sa kulay itim na pinto at kumatok.

"Come in!"Sabi Ng nasa loob kAya inikot ni Kuya ang doorknob. Akala ko bubukas kaagad ng biglang may lumabas na thumbprint. Nilagay ni Kuya Yung thumb nya doon at tumunog ito.

"Welcome Brent" Sabi Ng pinto at bumukas agad ito. Hinawakan agad ni Kuya ang braso ko at pumasok sa loob.

Naamoy ko agad ang panglalaking amoy. Mint w/ lemon Yung amoy. Ang bango.

Stanford Series 1: DAVID STANFORDWhere stories live. Discover now