CHAPTER THIRTEEN: The Hardest Choice

Start from the beginning
                                    

            Habang naghaharutan kami dalawa ay nakarinig kami ng tatlong beses na pagkatok sa pinto. Bumukas iyon at iniluwa niyon si Tita Diella. Imbes na 'Good morning' ang bati sa amin ni Tita ay natawa na lang ito.

            "You know what, Jam, ang hirap-hirap sigurong makatabi si Percy sa gabi." iiling-iling na wika ni Tita.

            "Tita!" sigaw ko rito.

            Napahagikgik pa si Tita. "Be at the dining area in thirty minutes. Maaga akong aalis ngayon dahil magdya-judge ako sa isang ice sculpture contest sa Marikina. Kung gusto niyong sumabay sa kotse, kumilos na kayo at mamayang gabi na kayo maglandian."

            "Tita, okay lang ba kung sabay kaming maligo ni Jam para mas mabilis kaming matapos?" malokong tanong ni Pero na agad kong sinagot ng isang kaltok.

Napatili si Tita Diella. "That would be a wonderful idea, Percy. Pero I doubt kung matatapos agad kayo. Haaaay. Kinikilig ako sa inyong dalawa. I feel like a teenager right now."

            Sa buong isang linggong magkasama kami ni Pero ay hindi pa kami nagkasabay sa pagligo. We still had that privacy because I wasn't ready for anything like that. Siguro sa ngayon ay masaya na ako na nag-level up na kaming dalawa from best friends to more than best friends. (See, nao-awkward-an pa rin ako kapag sinabi kong boyfriend ko na ito.)

            "Tita, susunod na lang kami sa dining area." Tumalon ako mula sa likod ni Pero at mabilis na tumakbo patungo sa CR. Pero tried catching me but he was already late. Naisara ko na ang pinto. Na-double lock pa.

            When I got inside, napasandal na lang ako sa pinto at napadausdos pababa sa sobrang kakiligan. I even made that kilig sound softly. "Iiiiiiiiiih!"

            "Jam, huwag ka masyadong kinikilig d'yan sa loob. Buksan mo na ang pinto at sabay na tayong maligo." Dinabog pa ni Pero ang pinto mula sa labas.

"Mukha mo!" bulyaw ko.

"Guwapo! Isa sa mga dahilan kung bakit ka na-in love sa akin." pagtutuloy ni Pero.

Bago pa maubos ang thirty minutes ko ay naligo na ako. Kailangang palamigin ko ang pisngi kong kanina pa nag-iinit sa kilig. Pakiramdam ko ay puwede nang pakuluan ng tubig iyon sa sobrang init.

—-


"OH, LOVEBIRDS. Hanggang dito ko na lang kayo ihahatid, ah? Out of way na kasi kung liliko pa ako sa tapat ng gate ng DATU, eh."

            Tiningnan ko na lang nang masama si Tita Diella mula sa rearview mirror nito, pero hindi ko mapigilang hindi mapatawa. Dinilaan pa ako nito.

            Humawak naman ito sa balikat ni Pero. Katabi ito ni Tita sa driver's seat. "Percy, ingatan mo ang pinakamamahal kong pamangkin, ha?"

            "Tita," Lumingon pa talaga sa akin si Pero. "I promise you. Hangga't kasama ako ng pamangkin mong mahal na mahal ko, walang mangyayaring masama dito."

            What's so irritating was when I had no other choice but to bear Tita's screeching scream inside the car. "Tita, bababa na kami, ha. Pero, tara na."

            "Bye, Tita. See you later. Ipagluluto kita mamaya ng masarap na ulam. Ano ang gusto mo?" tanong ni Pero, pagkabukas ng pinto ng sasakyan.

            "Oh, gosh. Marunong kang magluto?" bulalas ni Tita Diella. "Sige, I want... Kare-kare."

            "Okay. Save your gustatory cravings for later. Bye, Tita!" Isinara na ni Pero ang pinto ng sasakyan.

Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]Where stories live. Discover now