Nasa may SB na kami ni Chase at naka-order na siya. Apparently, kilala na ng mga barista si Chase kaya pinadala na lang niya dito sa second floor ang inorder namin.


Now I'm currently sipping my frappucino nang magsalita si Chase habang hinahalo ang frappe niya.


"Have you ever thought of waiting for me to return before you left?" Tanong niya pero hindi siya nakatingin sa akin.


Binaba ko ang frappe at tinusok ng tinidor ang blueberry cheesecake ko. "No." Mahinang sagot ko saka ko sinubo ang cheesecake.


"Eris changed the story I guess. Kaya ka hindi naghintay." Sabi ni Chase.


Tinignan ko si Chase. Umiinom siya ng frappe niya habang nakasandal at nakatingin sa may labas ng bintana. May naramdaman na naman akong natunaw sa dibdib ko but whatever it is, it's annoying.


Binaba ni Chase ang frappe niya pero ako, kumakain lang ako dito sa harap niya. Kulang na lang mapapikit ako sa admiration ko sa cheesecake na ito. The best so far.


"Irina, I..." Simula ni Chase na ganon pa rin ang ginagawa. Napatigil ako nang tawagin niya ko kaya tinignan ko muna siya.


"I didn't leave you on purpose." Pagtutuloy niya.


Bumuntong hininga si Chase at sinulyapan ako saglit bago bumaling sa labas ng bintana.


"Nung August pa sana ako aalis. Mag-aaral sa New York at hahawakan ang kumpanya namin sa New York at sa Korea." Aniya pero biglang nangunot ang noo niya. "Wala sa usapan na kasama ko si Circe. Hindi ko alam ang tungkol doon hanggang sa kausapin ako ni mama na pagbigyan ko si Eris."


Tumingin sa akin si Chase ng seryoso. Uminom ako sa frappe ko saka ko naman binaba agad.


"Humindi ako sa kagustuhan ni Eris at ni mama. Sabi ni mama, para raw hindi na umalis si Eris pero humindi pa rin ako. Ayokong pumayag dahil ikaw ang iniisip ko. Yung takot mo ang iniisip ko at hindi pa tayo masyadong okay. Nanlalamig ka pa sakin ng kaunti pero natutunaw naman kita kahit papaano." Sabi pa niya at napangiti saglit.


Agad nangunot ang noo ni Chase nang may maalala. Inaalala niya siguro lahat kaya pa-iba iba ang mood niya.


"Dumating ang isang araw, papasok na ko sa school. Itetext kita na hindi kita masusundo noon. Nasa may sala sila mama, kasama si Circe at si Eris na nakangisi sa akin. Alam kong may mali. Pinag-usapan ulit namin. Wala na kong pakielam kung nababastos ko si mama o umiiyak na si Circe. Gusto ko na kasing puntahan ka."


"Nagwala ako hanggang sa dumating ang mga bodyguards ni mama. Hinihila ako papaalis kasama si Circe na prenteng naglalakad. Hindi nila kinaya ang pagwawala ko. Pinatulog nila ako. Tinurukan nila ako ng pampatulog kaya binuhat nila ako papasok sa van." Ani Chase at lumunok.


Umawang ang bibig ko sa mga naririnig ko mula kay Chase. I felt guilty kahit na wala akong ginawang masama. Unti-unting may pumapatak na tubig sa loob ng dibdib ko na napupunta sa may tiyan ko. Malamig at hindi ako mapakali pero binaliwala ko.


"Nagising na lang ako na nasa may bahay na ko, namin sa Korea. Yun pa rin ang suot ko. Ang uniform ng SAH. Wala sakin ang cellphone ko. Hawak ni Circe na umiiyak na naman sa mga nakikita niya sa may cellphone ko. Binigay niya sakin iyon at humingi siya ng tawad. Tinawagan ko muna si Jacob para humingi ng tulong saka ko binato sa harap ni Circe ang cellphone ko." Patuloy niya.


Natigilan ako nang may lumandas na luha mula sa mata ni Chase. Yumuko siya saka umiwas ng tingin sa akin. Nanginginig na inabot ko ang frappe ko at uminom.


"Irina, alam ko nung mga panahong papasakay na ko ng eroplano ulit. Pangatlong araw simula ng patulugin ako nila mama, saka lang ako nakasakay ng eroplano. Alam ko na, unti-unti kang nawawala sa hawak ko hanggang sa tuluyan kang nawala." Aniya at may lumandas ulit na luha.


"Pagbalik ko, wala ka na. Wala ni isa sa barkada natin ang may alam kung saan ka pumunta. Kahit sila Nathalie, hindi alam kung nasaan kayo ni Ina. Alam kong tinatago ka ni Ina sa amin. I emailed you but you ignored. I tried reaching out pero wala pa rin hanggang sa napuno na ng galit yung puso ko at pinabayaan na kita saglit." Patuloy ni Chase.


Tumahimik na si Chase at pinunasan ang pisngi niya gamit ang panyo niya. Binaba ko ulit ang frappe pero si Chase, ngayon lang uminom ulit at binalik sa labas ang tingin. Hindi niya ko magawang tingin. Do I still 'cause him pain? Kung ganoon bakit ayaw niya kong lubayan?


"Bakit ngayon mo sinasabi sa akin to?" Tanong ko.


Pinaglaruan niya ang straw gamit ang daliri niya. "Kasi alam kong makikinig ka na ngayon." Simpleng sagot niya saka siya tumingin sa akin.


"Irina, kung hindi ko mapipigilan ang kasal ninyo... Aalis ako at babalik sa Korea. Babagalan ko ang paglalakad kung sakaling magbago ang isip mo sa huli at maisipang habulin ako pero mukhang malabo na." Ani pa ulit ni Chase.


Ngumiti sa akin si Chase bago nagpatuloy.


"Susulitin ko na lang talaga ang mga araw na wala pa si Kurt. Kung maaari, pwede bang kunyari tayo ulit? Kung hindi ka papayag, ayos lang sakin. Iisipin ko na lang na tayo ulit." Dagdag pa nito.


Napa-awang ang bibig ko sa sinabi ni Chase. Tinikom ko ito at lumunok. Patuloy pa rin ang pagtunaw ng isang bagay sa loob ng dibdib ko. Wala na kong maisip na sasabihin pero isa lang ang lumabas sa bibig ko.


"Paano ka nakakasiguro na...babalik pa ako sa'yo?" Tanong ko sa kanya.

Mapait na ngumiti si Chase sa akin bago sumagot.


"Ex mo ko, Irina. Kilala na kita. Binabalikan mo ang ex mo. Hindi ako sigurado pero nagbabaka sakali ako na babalikan mo ko tulad ng pagbabalik mo lagi kay Kurt." Sagot ni Chase na nagpa-nga nga ulit sa akin.

Nothing But StringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora