"Dapat pala sa'yo dinadaan sa halik para mapasunod eh." Sabi pa ni Chase.
Sinamaan ko siya ng tingin pero ang kumag ay kinindatan pa ako. Sinara niya ang pinto pagkatapos saka siya dumaan sa harap ng sasakyan niya para makasakay sa driver's seat. Pinaandar niya ang sasakyan papunta sa Solenad II at naghanap ng mapaparadahan. Nang makahanap ay pinarada niya ang Captiva niya at pinatay ang makina. Mabilis kong binuksan ang pintuan at lumabas. Tinawag ako ni Chase pero sinarado ko na ang pinto.
Naglakad ako patawid at mabilis na nilakbay ang mall makalayo lang kay Chase pero sa kasamaang palad ay naabutan niya ko. Dumausdos sa baywang ko ang kamay ni Chase at inilapit ako sa kanya para huminto.
"Gusto mo talaga ang panakot ko sa'yo, ano?" Sabi ni Chase sa akin.
"Tigilan mo nga ako, Chase." Sagot ko rito.
"No, sweetheart. Susulitin ko lang ang mga panahong wala dito si Kurt. Para naman pag-gising mo sa umaga, bumack-out ka sa engagement ninyo at ako na ang pakakasalan mo." Aniya na nagpakunot sa noo ko.
"You're impossible." Sabi ko at maglalakad na sana ako ulit nang hapitin niya ulit ako. Lumapit ang mukha ni Chase sa akin at binigyan ako ng ngiti.
"I am impossible pero kaya kong gawing posible ang imposible, Irina. Lalo na kung ang kagustuhan ko ang imposible." Aniya saka siya humalik sa pisngi ko. "Let's go and stroll around." Pag-aaya niya.
Nag-ikot ikot kami ni Chase dito sa mall. May mga binili rin kaming dalawa depende sa kung may nagustuhan. Medyo kakaunti ang shops dito kaya natigil ako sa paglalakad. Natigil din si Chase at tinignan ako. Tinanong pa ko kung anong problema ko. Puro kasi kainan dito. Nakakaloka.
"Ang kokonti ng shops. Pabalik-balik na lang tayo eh." Sagot ko sa kanya.
"Tara sa Paseo? Mas malaki doon." Aniya sakin.
Nag-isip muna ako. May sasakyan naman si Chase eh. Baka maibato ko kasi sa kanya yung wedge sneakers ko kung paglalakarin niya ako.
Tumango ako sa suhestiyon ni Chase. Bumalik kami sa sasakyan niya at pina-alarm niya naman ito. Kinuha niya sa kamay ko ang tatlong paper bags at nilagay sa may backseat. Sumakay na ko sa passenger seat at ganon rin si Chase sa may driver's seat.
Medyo traffic papunta sa may Paseo kaya kahit malapit lang, medyo natagalan pa rin kami sa pagpunta. Tumingin ako sa relo ko habang naghahanap ulit si Chase ng parking space. Alas tres na ng hapon pero hindi pa ko nakukuntento sa paglalakwatsa.
Sabay kaming bumaba ni Chase ng sasakyan nang makapagparada. Nauna siyang naglakad sa akin kaya nakasunod lang ako sa kanya. Nang mapansin niya ay dumausdos ulit sa baywang ko ang kamay niya nang makalapit ako sa kanya. Tama siya, mas malaki dito kesa doon. Kung saan saan kami nagpupunta ni Chase at matapos ang dalawang oras ay napagpasyahan naming bumalik sa Solenad. May nabili na naman ako. Hindi talaga mapirmi ang mata ko.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 31
Start from the beginning
