Nang matapos kaming kumain ni Ina ay nagtulungan kami sa pag-liligpit sa kusina. Nag-flats muna si Ina dahil magmamaneho siya. Hindi mabilis magdrive si Ina kaya halos mamatay ako sa kabagalan niya magpatakbo ng kotse.
"Shit, Ina. Dinaig mo pa pagong sa sobrang bagal mo magpatakbo." Reklamo ko.
Inip na napasandal ako inuupuan ko habang sapo ang noo ko. Tinawanan pa ko ng bruha.
"This is called safety driving." Sabi ni Ina.
"Manahimik ka! Malalate ka na sa opisina ganyan ka pa." Sagot ko sa kanya saka siya tumawa ulit.
Kung ako siguro ang nagmamaneho ngayon, wala pang 15 minutes, nandoon na kami sa Solenad. Pero dahil si Ina ang nagmamaneho. More than 15 minutes pa ang itinagal ng biyahe at halos makatulog na ko sa tagal ng biyahe. Hininto ni Ina ang kotse malayo pa sa pedestrian lane. Bumaba ako at sumilip kay Ina.
"Ingatan mo ang Civic kung ayaw mong mamatay pag-uwi mo sa bahay, ha?" Paalala ko rito.
Nag-thumbs up siya saka niya pinaandar ng medyo mabilis na ang kotse. Umiling ako at naglakad papunta sa pedestrian lane. Tumingin ako sa magkabila saka ako naglakad patawid nang may kotseng bumusina ng malakas dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at mapa-igtad sa gulat.
Huminto ang isang Captiva sa gilid ko at lumabas ang driver which is si Chase. Lumapit siya sa pwesto ko at humawak sa braso ko. Dinala niya ko sa pintuan ng passenger seat saka niya binuksan ito pero nanatili ang tingin ko sa kanya.
"Get inside." Utos niya sakin.
"Paano kung—-" naputol ang sasabihin ko nang hapitin ako bigla ni Chase at isinandal sa SUV niya.
Chase kissed me softly and slowly. Mapang-asar parang siya. May parang natunaw sa dibdib ko sa paghalik sa akin ni Chase. I found myself closing my eyes and responding to his kisses. Parang hindi ko hinalikan ang mga labi niya noon. Parang bago sa akin kahit na ilang beses kong hinalikan ito noon.
Dumiin ang pagkakapulupot ng isang kamay ni Chase sa baywang ko ng tugunan ko siya. Gusto ko nang lumayo pero nakukulong ako. Nauuntog ako sa bintana ng SUV sa tuwing nilalayo ko ang ulo ko. Maya-maya pa ay lumayo na si Chase. Nakahinga na ko ng maluwag pero hinihingal pa rin ako. Kahit si Chase ay naghahabol ng hininga at nagawa pang ngumisi sa akin.
"I miss kissing those sweet lips, Irina." Ani Chase at hinawakan ng kaliwang kamay niya ang ibabang labi ko.
Binitawan na ko ni Chase saka ko inayos ang sarili ko. The hell with Chase? At anong nangyari sa akin?
"Get inside my car, Irina." Utos ulit ni Chase pero inaayos ko pa ang sarili ko kaya binaliwala ko siya.
"Papasok ka ng sasakyan ko o maghahalikan tayong dalawa dito hanggang gabi?" Aniya pa ulit kaya napatayo ako ng diretso at sumakay na sa passenger seat.
CZYTASZ
Nothing But Strings
Dla nastolatkówBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 31
Zacznij od początku
