"Bakit pa kasi magkaiba kayo ng kwarto Cain? Pwede naman iisang kwarto na lang kayo ni Monique eh para makatipid," wika ni Calli.

"Ayoko na may kasamang iba sa kwarto ko Calli," sagot naman ni Cain.

"Oh siya bilisan na natin na mailagay ang mga gamit natin para makakain na rin tayo," anas ni Jewel.

"Oy magbuburn fire tayo mamaya diba?" tanong ni Calli.

"Oo kaya bilis bilisan na ang kilos," aniya ni Jewel at naglakad na, mabilis naman nagsinuran ang lahat.

Saktong alas siyete ng gabi ng sabay sabay silang lumabas sa kanilang kwarto. Napag usapan nila na doon sila kakain ng dinner sa isang sea food restaurant sa baba ng hotel na kanilang tinutuluyan.

Hindi naman sila nahirapan dahil hindi naman ganun karami ang mga tao na nandoon kaya madali sila nakakuha ng bakante at makaorder.

"Anong ngini-ngiti mo diyan Jew?" biglang tanong ni Cain,

Tapos na silang makaorder at hinihintay na lamang nila itong dumating.

"I'm just happy, nagkaroon tayo ulit ng oras na makapagbonding. Ang tagal na kaya noong huli," aniya

"Oo nga noh, 'yong huling bakasyon natin hindi pa kayo kasal nitong si Thunder at hindi pa kami ni Cali eh," segunda naman ni Dark.

Marami pa silang napagkwentuhan at maya maya pa ay dumating na ang kanilang order kaya nagsimula na silang kumain, nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng biglang may isang babae na lumapit kay Cain.

"Beyb!" untag ng babae sabay halik sa pisngi ng binata na ikinagulat ni Monique.

"Phia," biglang anas ni Cain at niyakap pa ang babae.

Nang matapos sila sa pagyayakapan ay tumingi ang babae sa iba pa nilang kasama. "Hi kuya Thunder and ate Jewel," nakangiting bati nito sa mag asawa at nakipabeso din sa mga ito. "Oh hi kuya Dark, is this your girlfriend?" bakeng nito kay Calli.

"Long time no see Phy! Yes, this is Calleigh," pakilala naman ni Dark.

"Hi ate, nice to meet you." bati din nito kay Calli at ngumiti naman ang dalaga.

"Ang laki ng pinagbago mo Phia, mas lalo kang gumanda," wika ni Jewel.

"Sayo lang ako magmamana ate," sagot naman nito.

"Anong ginagawa mo dito? Sino ang kasama mo?" tanong ng pinsan nitong si Thunder.

"Kasama ko si kuya, nagyaya kasi mga friends niya dito. Pero uuwi na din kami bukas kasi may kailangan din kaming asikasuhin ni kuya eh. Noong isang araw pa kasi kami nandito at nabanggit nga ni Cain na pupunta din daw kayo rito," mahabang sagot nito.

"Kaya pala, nagkita kami nakaraan ng kuya mo sa isang meeting," saad ni Thunder.

Maya maya pa ay napatingin si Sophia kay Monique. "Sino siya? Is she Cain's ----"

"She's Monique, Jewel's friend Phy," agap na sagot ni Cain.

Mabilis naman na napatingin si Jewel kay Monique na animo'y nag aalala.

"Hello Monique, you're pretty,"

Ngumiti naman ng pilit si Monique. "Thank you Sophia, you're gorgeous too."

"May gagawin ka ba mamaya? Mag buburn fire kami after dinner, naayos na din ng staft lahat ng kailangan. Wanna come with us?" tanong ni Dark.

"Sure, but I need to go back first, magpapaalam muna ako ka kuya," sagot nito.

"Ako na tatawag sa kanya," saad ni Thunder.

Maya maya pa ay biglang namataan nila ang kuya ni Sophia, "Hey guys, It's nice to meet you all again here," nakangiting bati nito.

"Kuya Dane!!" impit na sigaw ni Jewel at mabilis na yumakap sa binata.

"Isip bata kapa rin hanggang ngayon Mercyl, may anak na kayo ni Thunder eh," natatawang saad nito

Agad naman na ngumuso ang dalaga dahil dito. "Kamusta na bro? Mabuti at nabawi mo na ang mag ina mo," anas nito kay Thunder.

"Gwapo pa din naman ako bro, gano'n talaga nakadestiny na kami kaya magkakaayos kami."

Binati din nito sina Cain at Dark, kilala ng mga ito si Dane dahil maliban sa pinsan ito ni Thunder ay nakakasama din ng mga ito ang binata sa business gatherings. Habang nakilala niya naman si Calli na kasintahan ni Dark noong huling umuwi ito sa Pilipinas.

"Is this your girlfriend Monique, right Cain?" baleng nito sa dalaga.

"No kuya, Monique is Jewel's friend," sagot naman ni Sophia.

Tumingin naman si Dane sa mga lalaki wari'y nagtatanong pero nagkibit balikat lang ang mga ito at agad naman na tumango, alam niya ang totoo na kasintahan ito ni Cain, pero hindi na siya nagtanong pa dahil ayaw niyang makigulo pa.

Bago nagpaalam na umalis si Dane at bumalik sa mga kaibigan nito ay ipinagpaalam muna nila si Sophia at agad naman itong pumayag para hindi daw mabored ang kapatid dahil puro lalaki silang mga kasama nito atlis sa kanila may mga babaeng kasama.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon