So she's one of his three exes pala. I laughed. Tama ba naman kasing ipangalandakan na nag-ano sila ni Loki. My goodness gracious.

"Babe! Tulungan mo naman ako dito!" Sambit ni Loki habang yung babae ay sumampa na sa likod niya. Tawa lang ako ng tawa sa kanilang dalawa.

"Anong babe?! Lokimylabs! Pinagpalit mo na ba ako?!" She pouted.

"Girlfriend ko to, sis." Biglang utas ni Denver na nasa tabi ko na pala at umakbay pa. Aba matinde.

Nagtawanan naman si Binoy at Bugoy saka kumuha ng chicharon, "Pwede na tong pampopcorn, baho."

"Maatikabong agawan ang nagaganap, asim."

Tumawa lang ako saka tinanggal ang pagkaka-akbay ni Denver sa akin, baka kasi mamaya ay masapak siya ni Loki dahilsa sama ng tingin nung loko.

Humalakhak lang si Denver bago umalis sa pwesto namin kaya na-dismaya ang magpinsan.

"Jusmiyomarimar, sumuko agad yung karibal ni Lokike. Waley."-Bugoy

"Hayaan mo'r nandito pa ang karibal ni hot chix paglaki manok."-Binoy

"Girlfriend ka talaga ni Koya?!" Sambit noong babae. I was about to answer 'no' nang mapansin kong naka-poker face si Loki. Humalakhak ako bago ako tumayo para paalisin yung babaeng nakakapit sa kanya.

"Shoo. Shoo. Time's up. Akin na boyfriend ko." I laughingly said. Umismid naman yung babae. Hinatak si Loki at pinaupo. Umupo naman ako sa tabi niya samantalang yung babae ay nakapamewang sa gilid ng mesa namin.

"You already have a girl?!" She pouted.

"Oo, hija. Pinagpalit ka na niya."-Binoy

Hinapit ako ni Loki sa bewang at isinubsob muli ang mukha niya sa leeg ko. I don't know why I let him do that, it was quite comfortable din kasi.

"Maaari ka ng umalis rito't humanap ng ibang fafabels."-Bugoy

"Bakit hindi nalang ikaw ang maghanap since ikaw ang nag-suggest?" She stomped her feet before sitting next to Bugoy, she pouted before looking at me while lending her right hand, "I'm Alexie, you are?"

"Maxie." I smiled, grabbing her hand. Matapos noon ay umirap siya at nag-pout.

"You're prettier than me." She said frowning.

"Buti naman alam mo. Wala ka pa sa kalingkingan niyang si Maxie." Pang-aasar namin ni Bugoy, umirap naman si Alexie.

Maya-maya lang ay nakarinig kami ng sigaw mula kay Lola, "SUSMARYOSEP KANG BATA KA BAKIT NGAYON KA PA NAPILAY! MAMAYA NA ANG CONTEST MO HANO. BAKA NAKAKALIMUTAN MO."

Mas isiniksik lang ni Loki ang mukha niya sa leeg ko, I even heard him snore kaya natawa ko. Ayos lang siyang matulog sa ganitong posisyon? Haha.

"HAY NAKO KANG BATA KA. SINO NALANG IPAPALIT KO SAYO?!" Sigaw pa din ni Lola. Mukhang may pinapagalitan siyang isang pilay na binata.

"Sabi ko naman kasi kay Lola, ako nalang isali niya sa contest na yun eh. Ngiti ko palang, magtititili na ang mga fangirls."-Bugoy

"Ang sabihin mo, pagbuka palang ng labi mo, mahihimatay na sila."-Binoy

"Sa kilig?"-Bugoy

"Hindi. Sa baho ng hininga mo."-Binoy

I was laughing so hard kaya naman tinakpan ni Loki ang bibig ko, "Ssh, baby. I'm sleeping.", he whispered before taking off his hand and wrapping my waist again.

"No way na magiging partner kita sa contest no! Ayoko rin namang maging partner yung panget na yun so buti nalang napilay siya! I only want Loki to my partner."-Alexie

The Bad Girl's Bad BoyWhere stories live. Discover now