Nanlalaki ang mga mata ko nang lingunin ko ang batang tumawag sa akin. It was the same boy na kakilala ni Hanson na nilibre ko din ng footlong at hot choco.



"Ay sorry boy. Ginulat mo lang ako." Sinampal sampal ko ang dibdib ko before sitting up straight and smiling at him. "Ano palang kailangan mo?"



"Hindi niyo na po ba ako nakikilala?" Naningkit ang mga mata ko and tried my best to find him in my memory lane but I found none.



"Uhm sorry pero ang totoo niyan, hindi eh. Nagkita na ba tayo noon?" Humaba ang nguso niya at dinabog ang isa niyang paa habang nakayuko. "Fan ba kita?"



Sa muling pag-angat ng ulo niya, his expression totally changed. It was like he was trying to look cute, happy, and cheerful at the same time.




"Hello po Ate Ganda! Bili naman po kayo ng ice candy at turon ni Nanay! Mura lang at napakatamis, kasing tamis ng pag-ibig!" Napaawang ang labi ko habang nakapameywang siya at nakafinger heart.



Isa lang ang nakilala kong bata na may gantong linyahan.



Dahan-dahan tuloy akong napanganga, napaatras, at napatakip ng bibig ko habang ini-scan ko siya from head to toe at pabalik. Para akong maiiyak na ewan ng makita kong muli siyang ngumiti ng matamis at binuksan ang mga braso niya para sa isang yakap na para sa akin.



"Ohmygosh! Poli koooooo! Ikaw ngaaa!" Tumakbo ako kay Poli at niyakap siya ng mahigpit. He swinged me around while carrying me that made me laugh. "Ohemgee! Ohemgee! Dati ako lang ang kayang bumuhat sayo! Kumusta ka na?"



Poli held my hand at dinala ako pabalik sa loob ng convenience store. Umupo ako sa katabing table kung nasaan si Hanson and totally ignored him with our conversations.



Tawa ako ng tawa sa mga kwento ni Poli tungkol sa mga experiences niya. I was still amazed that the small boy that I met before is now already a teenager. Napakabilis nga naman talaga ng panahon at hindi ko na napapansin na patanda na rin ako ng patanda.



"Ate Sunshine! Pwedeng magtanong?"



"Ngayon ka pa nagtanong niyan eh puro tanong ka naman na sa akin?" Sinenyasan ko siya na magpatuloy at hindi ko alam kung bakit lumapad ang ngiti niya bago sandaling sumulyap kay Hanson.



"Meron ka po bang boyfriend ngayon?"



Nanlaki ang mata ko at napakurap-kurap ng ilang segundo. Wala akong boyfriend ngayon pero parang ang hirap sabihin na wala sa edad kong to. Atsaka, plus factor pa na nandito si Hanson. Baka isipin niya na hindi pa ako nakakamove on. Eeew.



"Uhm... Meron Poli pero complicated kami ngayon eh. Naiintindihan mo naman na siguro ang ibig sabihin nun diba?" I awkwardly laugh before taking a secret glance towards Hanson na nakatutok pa rin sa cellphone niya.



Ano ba kasing ginagawa niya? Dapat naririnig niya ang sinasabi ko ngayon!



"Talaga po? Meron na kayong boyfriend?" Dahan-dahang bumalik ang tingin ko kay Poli at tinaasan siya ng kilay.



Hindi ko alam kung dapat ba akong mahigh-blood, mainsulto dahil sa tono niya, o sumagot nalang ng tama at naangkop sa tanong niya.



"Ano bang gusto mong palabasin, Poli?"



"Ah-hahaha. Joke lang naman po Ate Sunshine. Hindi naman po ako nagtatakang hindi kayo nababakante kahit ni isang buwan lang! Ang ganda-ganda niyo tapos diba sikat na po kayo? Kaya marami pa sigurong nakapilang lalaki sa labas ng bahay mo." Nginiwian ko si Poli na awkward na pumapalakpak habang nakangiti sa akin.



A Little Bit of SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon