Page 1: The Beginning

10 0 0
                                    

This story happened in the Summer of 2017..

Gamit ang bisekleta na regalo mo sakin noong huli mong uwi dito sa probinsiya natin ay masaya kong nilalakbay ang bundok na kung saan saksi ang kaulapan at mga ibon sa pagbuo at pagpatibay ng relasyon natin bilang magkaibigan.

Agad ako'y binati ng malamig na hangin na galing sa karagatan. Tulak-tulak ang bisekleta natin patungo sa sikretong lugar nating dalawa.

"Kumusta ang araw mo tsong?" tanong ko sa bato na ginuhitan ko ng hitsura mo noong huling tatlong taon. Medyo nawawala na nga yung pinta na ginamit natin rito dahil siguro sa ulan at init na tumatama rito. Wala paring bago, magkatabi parin yung dalawa nating bato.

"Last day nga pala ngayon ng eskwela. Summer na uli. Sa inyo ba?" tanong ko sa bato na wala akong balak na sagutin. Tumabi ako rito para pagmasdan lumubog ang araw. Dito na ako dumiretso matapos kong umuwi galing sa eskwelahan.

"Tatlong taon na rin pala tsong noong huli tayong nagkita 'no? Kumusta na kaya ang buhay mo diyan?" sambit ko habang nakatingin sa repleksyon ng araw sa asul na karagatan.

"Ako? ayos lang." sagot ko na kunwari'y tinanong pabalik ng bato na may guhit ng mukha mo.

"With Honors nga pala ako this year, galing ko diba?" proud ko pang kausap sa'yo.

"Ginagalingan ko para makakuha ako ng scholarship sa University diyan sa Maynila para iisang eskwelahan nalang uli tayo. Hindi na natin mamimiss ang isa't-isa kung sakaling magtuloy-tuloy ang pagfofocus ko sa pag-aaral." dagdag ko pa rito.

Sumimoy ang hangin na ikinagawa ng tunog ng mga nagtataasang ligaw na damo rito sa taas ng bundok. Araw-araw kong nililinis ang pwesto natin rito sa tuktok at ginawan ko ng maliit na pathway patungo rito tutal private land rin naman ito ng pamilya mo kaya walang nakakaakyat rito dahil sakin pinamana ng Ama mo yung susi sa gate papasok sa lupain niyo.

Tanging yung malaking gate lang sa baba ang tanging pasukan rito dahil bangin na sa kabila ng bundok kung saan ang lokasyon ng hideout nating dalawa.

"Marami ka na kayang kaibigan diyan sa Maynila? Kaya siguro'y wala ka nang balak pang magbakasyon rito 'no?" natatawa kong biro sa bato mo.

Ni isang beses ay hindi ko chineck ang social media accounts mo dahil ayokong matalo sa sinabi mo rati.

"Ang unang makamiss, may pitik sa itlog." sabi mo pa bago ka sumakay sa puting van na nagdala sa'yo diyan sa Maynila.

"May mga bago na rin akong kaibigan rito, alangan ikaw lang may bago." natatawa ko pang sambit.

Nilibang ko muna ang aking sarili ng ilang minuto bago ko naisipang bumaba ng bundok at umuwi sa bahay.

Naabutan kong nag-aayos si Papa ng makina ng kanyang pinapasadang jeep sa labas ng bahay namin. Agad akong nagmano noong ako'y nakalapit sa kanya.

"Ginabi na ata ang aking binata ah. Sabihin mo nga sa akin, ikaw ba'y may girlfriend na?" tanong niya sa akin saka niya inabot ang screw driver sa akin upang matulungan ko siya higpitan ang mga screw para masarado ang takip ng makina.

"Wala ho Pa, focus muna ako sa pag-aaral ko para madali akong makahanap ng trabaho sa Maynila." sagot ko kay Papa.

"Nak, wala namang masamang pagsabayin ang pag-ibig at pag-aaral."

"Kita mo yung Tito Raffy at Tita Gayle mo, high school palang kami magsyota na yung dalawang yun. Ngayon, nasa Maynila na kasama ang Anak nilang si Jethro." sabi ni Papa

"Huwag kang makinig diyan sa Ama mong bulakbol, Wilfred." Saad ni Mama habang nakapameywangan sa may pintuan ng aming bahay. Agad naman akong nagmano sa kanya na mamasa-masa pa ang kamay dahil kakatapos niya lang atang maghugas ng pinggan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I toLd sunset about YouWhere stories live. Discover now