Chapter 6 - Tampuhan

Start from the beginning
                                    

"Umalis ka muna tayo dito Ly." Malumanay na sabi sakin ni Lance.

"Tang Ina! Magsama kayo! Bagay na bagay kayo! Tang Ina!" sigaw ni Trisha.

Tinanggal ko ang pagkakahawak sakin ni Lance. Sal-itan ko silang tiningnang dalawa.

"Kung may problema kayong dalawa, huwag niyo akong idamay! Tinanong ko lang kayo kung bakit hindi kayo nagpapansinan, anong masama don? Ang sakin naiipit ako sainyong dalawa kasi hindi ko alam kung sino sainyo ang palagi kong sasamahan. ALam niyo naman na sainyo ako close na close!" mahabang litany ko sakanilang dalwa.

Wala ako pakialam kung marinig ng mga kaklase namin. Nakakainis kasi, sila itong nagkaaway pero parang kasalanan ko pa kung bakit.

Trisha smirked, "kunwari ka pa!"

"Ano bang pinagsasabi mo Bhe?"

"Wag mo ko ma bhe bhe dyan! Wala akong kaibigang traydor!" galit nag alit na sabi sakin ni Trisha.

"Tang ina Trisha! Tumigil ka nga!" sigaw muli ni Lance.

"Guys! Kalma lang kayo." Mahinahon na sabi ni Kuya Allan.

"Kaya nga, pedeng pagusapan ng maayus at malumanay yan." – Carl

"Magpalamig muna kayo."- Jaime, at biglang lumapit sa likod ko at tinapik tapik ang balikat ko. Suddenly I feel at ease sa ginawa niyang yun.

"Masyado kasing pretender! Malandi naman! May pag iyak pa! Kakasawa!" sigaw muli ni Trisha.

Okay! That's enough!

"Anong sabi mo?" hindi ko na napigilan sarili ko at tumayo na ko sa harap niya. Naramadaman ko naman ang pagpigil sakin ni Lance at Jaime.

Hindi sya sumagot at hindi rin niya ako tiningnan.

"Ano bang ginawa ko sayo? O sainyong dalwa? Gusto ko lang naman maging okay tayong tatlo ah!" nangingiyak ko ng imik sa kanya.

"Girls, tama na yan."mahinahon na sabi ni ate Kaye.

Tiningnan ako ni Trisha sa mata. May galit yun ramdam ko.

"Wala ka talaga alam o nagpapanggap ka lang na walang alam. Ang galing mo umarte eh. Kunwari ka pa eh," – Trisha.

Ano ba talaga problema nito sakin? Wala talaga akong ideya sa mga binibintang niya sakin.

Hinila naman ako ni Lance patalikod muntik na ko maout of balance pero buti maagap na inalalayan ako ni Jaime. Kaya ngayon nasa likod ako ni Lance at sya ang nakaharap kay Trisha.

Ramdam ko ang galit sa pagkakatayo ni Lance, napansin ko din ang mga kamay niya na nakatiklop.

"Trisha, mas lalo mo lang sakin pinatutunayan na ibang iba ka kaysa kay Ly. Kaibigan ang turing sayo nung tao pero ikaw anong klaseng kaibigan ka para akusahan ng ganyan si Ly? Kahit kailan ba itinuring mong kaibigan si Ly kagaya ng pagturing niya sayo huh? Sa inaakto mo ngayon at sa mga sinasabi mo sakanya eh mukhang hindi!"

Bigla naman lumambot ang mukha ni Trisha at sinulyapan ako. Pero muli din ibinalik kay Lance. Nakita ko ang pangingilid ng luha niya. Akma akong lalapit sana pero pinigilan ni Jaime ang braso ko. Tumingin ako sakanya.

"Huwag muna ngayon Ly. Hayaan mo muna sila, problema nila yan." Mahinahon at may pagaalalang sabi sakin ni Jaime. Tumango naman ako.

"Talaga ba Lance? Anong pinagkaiba namin? Anong meron si Ly na wala ako? Bakit parang mas matimbang sya kesa sakin? Bakit ng umamin ako sayo na may gusto ako sayo big deal na sayo? Bakit nung si Ly kahit na first day lang yun, wala lang sayo? Bakit? May gusto ka ba sakanya? Kaya nung sya wala lang sayo pero nung ako big deal na agad!" umiiyak ng sabi ni Trisha.

I Got The BoyWhere stories live. Discover now