TPS 30: coming soon

Start from the beginning
                                    

"Talaga? She's a good catch then, diba anak yun ng business tycoon na Romualdez? Magaling!" tuwang tuwa ang kanyang ama sa nalaman, ibig sabihin kasi noon, makakatulong ito sa kanilang mga negosyo, pero wala naman sa isip niya yun, mahal niya si Ran kahit noong walang wala pa ito. Kahit maging pulubi pa ito, mahal niya yun! Period! May dugo silang Chinese, pero hindi naman big deal sa kanilang pamilya ang  arrange marriage, di gaya ng ginagawa ng karamihan na Chinese.

Mataray naman na sumagot ang kanyang ina.

"Aba! Wala akong pakealam sa pera, pwede yang kitain at pagsumikapan, dapat lamang na mahal noon ang anak ko, kung hindi, hindi ako makakapayag!" napatahimik ang ama sa sinabi ng ina, kilala ng kanyang mommy si Ran bilang tahimik na bata noon," Mabait naman siya siguro sayo no anak?" Bumaling sa kanya ang ina, hindi siya makasagot, nag ubuhan na naman ang tatlo sa kanyang tabi, palihim niya itong pinagtitinignan ng masama, H'wag kayong magkakamali!

"Ang sarap talaga nito!" tukoy ni Bono sa pagkain, kung ano ano pa ang dinahilan ng tatlo hanggang sa nawala ang usapan.

..................

"Hello," bati ni Ran sa kabilang linya, tapos na siya sa kanyang assignment at naghahanda ng matulog.

"Naabala kita?"  gabi na kasi ng matapos ang party ng kanyang mommy, mahirap din mag-alaga ng makukulit na pamangkin, mahirap talaga minsan kapag bunso.

"I was about to sleep," Ran yawned, inaantok naman talaga siya.

"Sorry, bukas na lang ulit," paalam ni Yuan kahit mabigat sa kanyang loob na tapusin ang tawag, ayaw naman niya na puyatin ito dahil lang sa kanyang kagustuhan.

"Kay,"

"Okay good night, dream of me." Sabi niya dito, he heard her chuckle , natutukso tuloy siya na wag muna itong ibaba...buti na lang at nagtanong pa ito.

"Why would I dream of you?"

"Kasi, ikaw gabi gabi kang best actress sa paniginip ko, unfair lang diba? Dapat kahit hindi ako best actor sa paniginip mo, kahit isang o dalawang eksena lang pwede na." hindi niya alam kung saan niya kinukuhang baul ng kabaduyan ang mga sinasabi niya kay Ran, basta na lang lumalabas yun sa kanyang dila."Dapat patas diba?"

"You love that word so much, patas, equality," obserbasyon nito, napatawa naman siya sa narinig, masarap pa lang ka phonepal si Ran, nagiging madaldal ito sa kanya. Pero syempre iba rin kapag live niya itong kasama. Iba pa rin  habang nakatitig siya sa maganda nitong mukha, mas nakakaihi yun sa kilig.

"Yes, I love it so much,"  malambing niyang sabi dito," Pero kung  sa feelings nating dalawa iaapply yun, okey lang sa akin yung 98% na ako ang nagmamahal kahit 2% lang yung sayo...it doesn't matter kung gaano yun kababa, ang importante meron..." Ran was so speechless to even replied, nakinig na lamang siya,

"Tulog na? Bye Beauty, My Sleeping Beauty," paalam nito bago patayin ang phone. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Ran, niyakap niya ang teddy bear na bigay ni Yuan...

"Higher, higher," tukoy niya sa percent ng feeling niya kay Yuan, tiyak niya kasi na lampas ito doon...

..................................

"Hi dad!" bati ni Ran sa ama bago ito hinalikan sa pisngi. Nabigla naman ang ama sa extra sweetness ng anak.

"You're not grumpy today, anong meron?" hindi niya mapigilan na tanong, masaya kasi itong naupo, ito pa ang naglagay ng hotdog sa plato ng bunsong kapatid.

"Had a good sleep." Ngiti niya pa dito, napailing na lang si Jett na tinaguan lamang ng asawa.  She will never tell him their secret, at least hindi muna siya ngayon. Masaya siya na makita na ganito kasaya ang kanyang anak.

Nauna pa siyang bumaba kay Ren na kagigising lang, mukhang kulang ng tulog nito.

"You came home late." Matigas na sabi ng kanilang ama.

"Sorry dad, nagkayayaan lang po," sagot nito, hindi naman ito tumingin sa ama.

"You better be good sa mga nagkayayaan na yan," sermon ng kanyang ama, buti  na lang at nandoon ang kanilang mommy para kontrolin ang galit  nito.

"Let's just eat okey?"

 Napatingin si Ran sa mukhang pagod na kakambal, hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na usisaain ito.

"You will take your own car?" tanong ni Ran dito.

"Yes, I don't want another interrogation," masungit na sabi nito.

"Why so grumpy brother?"

"Bakit? Hindi lang ba pwede na ikaw ang may bad days?" nakataas ang kilay nito sa kanya,

"is it about the girl from yesterday, short haired, simple and pretty, that goes with the name of Candice?" hinuhuli niya lang sana ito, pero bigla itong natahimik sa kanyang harapan at parang natuklaw ng ahas.

"So siya nga,"

"Paano mo nalaman?"  usisa nito. Nagkibit lang siya ng balikat, "Daldal talaga ni Ali-baba," simangot nito.

"So what's the score with her?" very intriguing pala ang lovelife ng kanyang kakambal, akala niya Eunice lang ang kinababaliwan nito, hindi niya alam na may Candice pala, kung paano at hindi niya agad nalaman.

"What score? Walang score, galit na galit sa akin si Darnang Flat," napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito, may endearmeant pa.

My Sleeping Beauty.

 

Napailing siya dahil sa usapan nila ni Yuan , at sa tinawag nito sa kanya kagabi bago nito pinatay ang phone.

"What did you do?" may ginawang masama ang kanyang kakambal kaya siguro ganoon.

"Long story, una na ako," malungkot itong pumasok sa kotse nito. Siya naman ay sumakay na sa kanyang sasakyan, may sakit daw ang kanyang driver kaya iba ang maghahatid sa kanya ngayon.

.............

"Pahaba ng pahaba ang leeg natin," inakbayan ni Topher si Yuan, agad naman nitong tinanggal ang kamay nito. Nauna siyang pumasok para hintayin si Ran." saka ang laki yata ng bag natin ngayon?" puna rin nito sa kanyang backpack.

"Mauna na nga kayo!" tulak niya sa mga ito na tatawa tawang umalis, ilang sandali pa, nasilip niya na na parating ang kotse ni Ran, siya na ang nagbukas ng backseat para makalabas ito.

"Good morning!" masayang bati niya dito na ginantihan naman nito ng ngiti. Improving!

Sabay silang pumasok sa kanilang subject, kinukulit niya ito habang naglalakad. Nakatingin si Ran sa bag nito, malaki kasi iyon ng kaunti kumapara sa regular nitong dala.

"Ano yun beauty?" tanong nito na nagpataas sa kanyang kilay.

"Stop calling me beauty, I have my name," nakakapagpadala ng ngiti sa kanyang labi ang pagtawag nito, kaya lang nakakahiya.

"Maganda ang Ran. Kapag pinagdugtang ang pangalan natin magiging YuRan, kitam may couple name na tayo," pinakita na naman nito ang dimple sa kanya na gusto niyang tusukin ng ballpen.

"What's with the couple name?" maarte nyang tanong, hindi niya masakyan ang pagdudugtong o pagdidikit ng mga pangalan.

"Names that lovers create, para hindi sila mapaghiwalay," nakangiting sagot nito.

"Why ? Are we lovers?" masungit na tanong ni Ran, pero wala naman itong paki, kasi kahit kasing taas na ng MT. Everest ang kanyang kilay dulot ng pagsusungit, kayang kaya nitong pababain ni Yuan sa simpleng salita nito at samahan mo pa ng pagngiti.

"Hindi pa tayo lovers sa ngayon, pero alam ko coming soon." Makahulugang sabi nito sa kanya, kasabay ng paglitaw ng isang kulay purple na rose sa kaniyang harapan.

Her favorite color coming from her...sige na nga medyo favorite guy na rin.

The Princess's  Stalker (completed)Where stories live. Discover now