" Oh shush! Sigi nga, Play one round with Ms. Romero. Come on girls, show me what you got!" Pumito pa siya bago iginiya sa harap namin yung dalawang badminton racket and yung bola nun.

Agad namang gumilid yung girls sa bleachers at nanonood. Wala na akong nagawa kundi tanggapin yung racket at pumwesto sa kabilang dulo ng court at yung net namin sa gitna, bago yung kalaban kong si Ms. Romero kuno, she's not bad kasi she's pretty din.

" Woo! Go Kaia! You got this!" Sigaw ni Irish sa gilid at pumalakpak pa. Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga pinapahamak ako nang babaeng 'to eh.

" Alright! I want you to make the serving first Ms. Romero, and ikaw ang taker Ms. Hendrix." Ani ni coach at agad pumito.

I positioned myself sa gitna at para handa ako kung saan man mapupunta yung bola.

Pumito si coach at agad namang nag serve yung opponent ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pumito si coach at agad namang nag serve yung opponent ko. Malakas yung palo niya sa shuttlecock at nakita kung sa kabilang side ko niya iyon tinira kaya agad akong nag dash doon at tinara pabalik sa kanya 'yung shuttlecock.

Nakuha niya ulit kaya nag handa ako sa susunod niyang tira. Pasalubong niyang tinira sa akin yung bola kaya pabor sa akin para gumawa nang malakas na smash,tinira ko yun dun sa may likod niya sa gilid. Hindi niya nakuha yun kaya score sa akin.

" Wow! That was a strong smash you got there Ms. Hendrix!" Ani ni coach bago siya pumito.

Agad namang lumapit sa akin si Irish at yumakap.

" Grabe ka beh! Hindi mo naman sinabi sa akin halimaw ka pala pagdating sa badminton?" Anya at lumingkis sa braso ko.

" Tss! Parang yun lang, wag ka ngang OA d'yan. Saka hindi naman talaga ako naglalaro nito sa personal, sa video game lang." Bored kong saad bago binalik kay coach yung racket.

" Buo na ang desisyon ko hija, ikaw ang kukunin kong player okay? Bibigyan kita nang time to think about it, and I really hope na sumali ka ha."

Anya at tinapik ako sa balikat. Wala akong choice kundi ang ngumiti at tumango nalang, ayoko rin mamang maging bastos dahil mabait naman yung pakikitungo niya sa akin.

" Sigi po coach, I'll think about it." Sabi ko at agad na kaming umalis nung kumumpas siya na pwede na kaming umalis.

" Pag sumali ka dun beh, matic magiging exempted kana sa lahat ng exams! Sana all!" Anya at sumabay sa tabi ko sa paglalakad.

" Paano mo naman nalaman? Professor ka ba ha? Ikaw kahit kailan desisyon ka eh no?" Sabi ko sa kanya at iningusan niya lang ako.

" Wala lang, ganun kasi pag member kana nang athletes diba?" Tanong niya akin.

" Aba ewan ko!Hindi pa nga ako nag d-desisyon at hindi pa ako athlete eh. " Balik kong saad sa kanya.

Naglalakad kami pabalik sa room at may klase kami ngayon kay Professor Gonzalez. Napangiti na naman ako sa isiping makikita ko na naman siya.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon