Chapter 7

61 1 0
                                    

Note: This is the last chapter na mayroong almost 3k words. Expect na sa susunod na chapters ay medyo maikli but don't worry because this time I will try to update daily. 

---

I tried my best to hide the pain.

Hindi ko alam kung matatawa ako. Hide? Hide the pain? Tried it? Damn you, Francheska Mauve! Yes, you should! Narinig ko ang pagsinghap ni Zoe sa sinabi ni Aze.

"Let's stop with this topic. Tara na Hanzel. Be my model na," Zoe uttered.

Hindi na ako umimik. Hinayaan ko na lang sila. I was eating my pizza while looking at them. I admit that Aze has a potential in terms of modeling. Ilang minutes ko rin sila na pinanood.

"Au..."

Agad ako napalingon. I smiled when I saw Jake. He is wearing his simple white t-shirt  partnered with jersey short and rubber shoes. Napatingin din ako sa duffel bag na bitbit niya. Mabilis akong tumayo at naglakad palapit sa kaniya.

"Alis na tayo?" nakangiti kong sabi.

He chuckled "Oo, kanina pa ako tumatawag kaso hindi ka naman nasagot. Kaya pinuntahan na lang kita rito,"

"Hindi ko napansin. Nakasilent kasi phone ko. Sorry ah,"

He nodded "Sige lang,"

I pouted "Tara pakilala muna kita sa kaibigan ko." sabi ko. "Zoe!" tawag ko kay Zoe.

Agad sila na pabaling sa amin. Nakita ko kung paano tumaas ang kilay ni Zoe nang makita na may kasama akong lalaki at hindi rin kami nakaligtas sa mapanuri at seryosong pagmumukha ni Aze.

"Aso kaba? Bakit palagi ka nakabuntot kay Cha?" inis na tanong ni Aze bago lumapit papunta sa amin.

"Aze!" saway ko.

Jake chuckled "Ikaw, pinaglihi ka ba sa sama ng loob? Bakit palagi ka galit?" balik niya.

"Jake," mahinang saway ko.

"Si Zoe nga pala, Jake. Kaibigan ko." pag-iiba ko.

Zoe raised her brows "Hello?" awkward na sabi niya.

"Hi, Jake nga pala. Nice meeting you,"

"Nice meeting you too. Ano ka ni Mauve? Boyfriend---"

"Hindi papatol d'yan si Cha." pagsingit ni Aze kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Chill," natatawang sabi ni Jake kay Aze sabay tinaas ang dalawang kamay na parang pagsuko. "Pumunta ako rito para sunduin si Au. Hindi para maghanap ng away," dagdag niya.

Napatingin sa akin si Aze na para bang may isa akong malaking kasalanan ang ginawa.

"Where are you going? Magdidilim na ta's aalis ka pa? Umuwi ka na mamaya. Ihahatid ka namin ni---"

"No need naman, Aze. May pupuntahan lang kami ni Jake."

"Saan nga kayo pupunta? Alam ba nina Tita na madalas mo nakakasama 'yang si Jake?"

Kunot-noo ko siyang tinitigan. Halos lahat kami ay nakatingin sa kaniya. Para siyang si Mama na nagrarap.

"Manonood ako ng laro niya sa Plaza. Ihahatid din naman ako ni Jake after ng game niya."

Aze chuckled, "Alam ba ni Tita na madalas mo nakakasama 'yang lalaki na---"

Jake sniffed "Kilala naman ako ni Tita. Alam din na madalas ko nakakasama si Au. I promised Tita na I'll take care of her daughter. So, don't worry,"

Nakita ko na napatahimik si Aze. He stare at me like he was waiting for me to say something but I didn't.

"Ayun naman pala! Go on, Mauve." Zoe happily said. "Ingatan mo kaibigan ko ah! H'wag kayo masyado magpadilim," paalala niya pa kay Jake.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Nov 23, 2022 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

LET ME IN PAINTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang