Kabanata 3: Pagkamuhi

Mulai dari awal
                                    

"E-Emilio? Kamusta ka? Nitong umaga lang ay nahulog ka sa puno. Nag-alala ako sa iyo," tinig na nagmula sa isang baritonong boses. Binigyang pansin ko ang lalaking nakatayo sa aking harapan at napakunot ang aking noo. Sino ba ang lalaking ito? Bakit tila nagaalala nga ito sa akin?

"Ayos lamang ang aking pakiramdam, maari ko bang malaman ang iyong ngalan? Nais ko ring malaman kung ikaw ba ay nagsisilbi sa asyenda ni ama?" Maingat kong tanong dahil ayoko namang maging bastos kung sakali mang hindi siya naninilbihan rito sa asyenda. Natigilan ito at tanging pagkadismaya ang nababasa ko sa kanyang mukha. Agad akong nataranta dahil hindi ko talaga siya kilala at maaring hindi siya magsasaka o manggagawa rito.

"H-Hindi ka ba nagsisilbi? H-Hindi ko ibig saktan ang iyong damdamin! Hindi naman sa mababa ang tingin ko sa mga naninilbihan kaya sana hindi mo ikagalit kung napagkamalan kitang isa sa kanila! Ngayon lang kasi kita nasilayan..." Napatigil ako sa aking litanya ng makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Nawala ba ang iyong alaala? Kung gayon ay napakasakit namang isipin na isa ako sa mga nakalimutan mo. Ang totoo niyan ay nagsisilbi ako kay Senyor Arturo, tama ka na isa ako sa mga nagsisilbi sa iyo kaya huwag kang mag-alala dahil kailan man ay hindi mo sinaktan ang aking damdamin," nagulat ako sa kanyang tinuran kaya hindi agad ako nakatugon dito.

"Ikaw ba ay malapit sa akin?" Wala sa sariling tanong ko dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga magawang maalala na kakilala ko siya.

"Ako si Rolando," mapait itong ngumiti sa akin.

"K-Kaibigan mo ako..." Hindi ko alam pero parang hindi siya nagsasabi ng totoo dahil tila nasaktan siya ng sambitin niyang kaibigan ko lamang siya. Pero hindi ko naman makukumpirma kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi dahil hindi ko talaga siya magawang maalala.

"Ganoon ba? Kagaya ng sabi ko ay ayos lang ako. Kung kaya't maari mo ba akong iwan? Gusto ko talagang mapag-isa. Mabuti pa'y tumungo ka na sa iyong paroroonan dahil tiyak akong meron kang pinunta rito," pagtaboy ko rito dahil sa totoo lang ay wala talaga ako sa matinong pag-iisip upang makipag-usap dahil hanggang ngayon ay naiinis parin ako.

"Ngunit ang pinunta ko rito ay ikaw?" Nagsalubong ang aking kilay.

"Gaya ng sabi ko ay ayos lang ang aking lagay. Batid mo namang nakalimot ako hindi ba? Hindi ko masasabing kaibigan talaga kita dahil wala akong matandaan. Sana'y maintindihan mo ang aking kalagayan," pagpapaliwanag ko.

"Naiintindihan ko kaya sige iiwan na kita," paalam nito at umalis na.

Agad akong huminga ng malalim at ibinuga ito. Masama ang loob ko kay Martina ng mga sandaling ito kaya sinusubukan kong ikalma ko ang aking sarili. Tahimik kong pinagmasdan ang mga tala sa kalangitan, kung gaano sila kaliwanag, kung gaano sila kuminang sa kalangitan.

"Napakatagal naman ata ng ginagawa mong pagpapahangin? Baka naman tangayin ka nito?" Isa ba iyong pang-iinsulto?

Hinarap kong muli si Lucas at nasilayan itong sinisindihan ang hawak niyang tabako. Bakit ba ganito ang pakikitungo niya sa akin? Hindi naman dapat nagkukrus ang aming landas dahil wala naman na akong pakialam kung makasal siya sa kapatid ko.

"Wala akong oras na dapat sayangin para isang katulad mo na walang kabuluhan ang sinasambit. Nais kong manatili rito sa labas dahil hindi ko kailanman nanaisin na lumanghap ng hangin sa iisang espasyo kasama ka. Kaya kung pwede ba? Lumayo ka dahil tila tumataas ang altapresyon ko sa presensya mo?" Bakas ang pagkainis sa tono ng aking pananalita.

"Ganoon ba? Bakit ba hanggang ngayon ay ganyan parin ang pakikitungo mo sa akin?" Nagtaka ako sa kanyang tinuran.

"Bakit kung sabihin mo ang mga katagang iyan ay tila matagal na tayong magkakilala? Paumanhin ngunit ito ang unang pagkakataon na nakilala kita. Kung maaari sana ay ito narin sana ang huli," tanging pagtawa lang ang naging tugon nito.

"Marahil ay hindi mo siguro maalala sapagkat bata ka pa ng mga panahong iyon. Kung galit ka sa akin dahil sa magaganap na kasal namin ng iyong kapatid ay gusto kong malaman mo na hindi mo na dapat ikabigla ito. Noon pa man ay magkasundo na ang pamilya ko at ng sayo kaya hindi malabong ipagkasundo nila ang kanilang mga anak," ngayon ko lamang nalaman ito.

Kung gayon ay nakatakda talaga silang ikasal? Masyadong maraming pamilya ang kasundo nila ama kaya hindi ko naisip na isa ang pamilya Hidalgo sa mga iyon.

"Kababata ko ang iyong ate Martina..." Kwento niya habang nilalanghap ang usok na nagmumula sa tabako. Nayukot ang aking mukha ng ibuga nito sa akin ang usok na kanyang nilanghap.

"Saksi ako kung paano siya pagkaitan ng atensyon magmula ng isilang kayo ng mga kapatid mo," ano bang sinasabi ng isang ito?

"Wala akong inaagaw kay Martina Ginoo, maari bang itikom mo ang marumi mong bibig? Huwag mong ibuga ang usok sa aking pagmumukha dahil baka hindi ako makapagtimpi at ipalamon ko sayo iyang tabako na iyong hawak," pagbabanta ko rito.

"Ititigil ko na! T-Teka iiwan mo akong magisa rito?" Natataranta nitong saad ng makita niya akong naglalakad palayo sa kanya.

"Hindi ba dapat? Bigyan mo ako ng isang magandang rason para manatili ako sa iyong tabi," tanong ko habang nagtataas ng kilay sa kanya.

"B-Bakit ba kung magsalita ka ay tila parang isang matandang dalaga na malaki ang galit sa mundo?! H-Huwag mo akong iwan! Baka may lobo rito o oso! May kunsensya ka naman siguro para hindi ako iwan magisa hindi ba?" Tila duwag nitong ani habang hinahabol ako sa paglalakad ko pabalik sa bahay.

"Tanga ka ba o hibang? Alin ka man sa dalawa ay hindi ako magbibigay ng pakialam. Bakit naman magkakaroon ng lobo o oso sa asyenda ng aking ama?" Tanong ko at hinarap siyang muli.

"Biro lang! Hindi naman ako duwag Emilio, umaarte lang ako kagaya ng ginawa mo kanina sa hapag bago lumabas," mapang-uyam nitong saad.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi magpigil nalang ng inis at iniwan siyang magisa sa labas ng bahay. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi pagkamuhi!

'Lubos kitang kinamumuhian, Lucas!'

[Itutuloy...]

Sinaunang pagkaimbyerna! Nosebleed ako sa mga maldita lines ni Emilio (T^T)
Wala na munang talasalitaan for now inaantok na ako goodnight!

Hanggang Sa Muli, Aking SintaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang