Prologue

20 0 0
                                    

Dead Kid. Serious. Introvert.

Ilan lang yan sa mga bansag sakin mula pa nung high school ako. Nung una hindi ko talaga gets kung bakit ganun tingin nila sakin. Okay naman ako kasama. Siguro medyo intimidating yung datingan ko pero kung wala kang lakas loob na kausapin ako, then sorry, wala akong plan na mag insist for a conversation. Naalala ko nga nung 3rd year high school ako, sipag mag aral. Yung tipong bahay aral lang yung everyday routine ko. That time uso yung may mga papasok na student teachers, yung mga nag o-OJT na mga college students. Yung minsan nagkakacrush pa teacher mo sa mga chix mong classmate or ano kaya mga classmate mo may crush kay teacher. Meron ako classmate nagka something sila ng isa naming student teacher pero that's about it, nothing serious naman. Anyways, balik tayo sa kwento. One time, yung isang student teacher namin nagpa-ice breaker between the lesson. Kahit sino naman gusto yung mga ganyan kasi pag puro lesson lang jusko nakakatuyo ng brain. Yung mga ice breaker na yan pampatay din ng oras at least enjoy pa. Yung mga classmates kong tamad siyempre push na push sa mga ganyan kasi usually games or kung ano man na walang kinalaman sa lesson yung ipapagawa. In reality, sobrang enjoy naman talaga. So ayun na nga, si Sir Student Teacher pinakuha kami lahat ng tig iisang papel. So nagkuhanan na nga lahat pero siyempre majority walang papel, ewan ko ba kung bakit ganun. Wala ba sila pambili ng papel? So ayun diyan na papasok yung mga richkid na palaging may isang pad na papel at hingian kapag kailangan sa klase. Isa ako dun sa palaging may isang pad, siguro yung isang pad ko mga isang linggo lang ubos na kasi palaging pinamimigay pero okay lang naman. So after magkaroon ng mga papel, nagsabi si Sir na sulatan ng pangalan namin kaya gora na rin kami para sulatan ng pangalan. Akala pa nga ng buong klase, may pasurprise quiz pero hindi naman so push lang kami. Then inexplain ni Sir yung instruction kung paano yung gagawin. Buong klase tutok na tutok, yung iba pa masyado excited napapasigaw pa. After niyang iexplain nagsimula nang ipaikot yung mga papel sa klase gaya nga ng instruction ni Sir. Ang main point is, once magsabi si Sir ng pass kailangan mong i-describe in few words at isulat para doon sa pangalan na nakasulat sa papel na mapupunta sayo. Any words na sa tingin mo yun yung trait ng taong yun. It will be random kasi any part of the paper pwede ka magsulat at mismong description lang makikita mo so technically, hindi mo malalaman kung sino nagdescribe sayo. Kailangang mapaikot yung mga papel sa buong klase hanggang sa makabalik sayo ulit yung papel mo. It was really fun. Ang saya lang kasi you can put anything to describe that person, nakakatuwa mabasa yung mga pinaglalalagay ng mga classmate ko. Until I saw my paper after 15 mins. Laking gulat ko nung puro dead kid, nerd at weird yung nilagay nila sa akin. I wasn't expecting anything like that. Akala ko pa nga puro positive lang yung ilalagay nila kasi I did wrote positive traits for them but no. I was wrong. That time I don't understand na ganun na pala yung tingin ng karamihan sakin. Since that day, pinanindigan ko na lang yung mga sinabi nila pero I get to the point that I realized na tama nga sila, I'm a dead kid who's always want to be alone. A weird girl from high school. A very serious person. Dumating sa point na I accepted that I'm introvert and honestly, I like it that way.

Noon pa man, hilig ko lang ay ang pagbabasa. There's one book I fell in love with, Love and Other Words by Christina Lauren. Sa sobrang pagkafall ko sa book na to halos ilang beses ko inulit ulit basahin, still, sobrang kinikilig pa rin ako. Sa totoo lang mas kinikilig pa ko sa libro kesa sa kung ano. Other than reading, hilig ko rin magcoffee. Ewan ko ba nasanay akong magkape since high school pa. May times pa na pupunta talaga ako ng starbucks para lang magcoffee at magbasa tapos dun lang ako for few hours or minsan sa maghapon pag walang klase. Bukod dun, pag aaral lang inaatupag ko.  I would tell, masyado akong masipag mag aral. Sa totoo lang halos wala na talaga akong social life. I have friends naman sa school pero I rather choose to be alone most of the time. Mas masaya akong pupunta ng library mag isa para magbasa pag school hours. Sobrang peaceful. i can do my own thing and happy about it. Nakakanood ako ng sine mag isa. Kaya kong magshopping ng ilang oras ng ako lang. I only have myself and kuntento na ako sa ganun.

College. I started to be more matured. Mas malalim mag isip. Mas malawak ang imagination sa mga bagay bagay. I started making my own decisions pagdating sa personal situations. Growing up, masyado akong naging baby ng dad ko. Yung tipong hatid sundo mula elementary hanggang high school. He is the sweetest. Pero siyempre hindi naman habang buhay kailangan niya ko i-spoil, I came to realize that I have to do my own thing and decide things. I told my dad that when I start college, I'll do my own thing na. He teared up nung sinabi ko yun sa kanya, parang ewan tatay ko. After that, I actually did my own thing. As I get matured, mas narealize ko na hindi na lang dapat sa sarili ko tatakbo yung buhay ko. In college, dumating na rin sa point na there's a lot of guys started hitting on me. Sa totoo lang wala naman akong pake. Hindi naman ako ganun ka conscious pagdating sa itsura ko. Some guys asked me out, how I reacted? Nothing. Dedma. Anong alam ko sa dating diba? Besides, I don't think I am ready when it comes to dating or anything. I don't think I am ready for a commitment. Takot ako. Hindi ko alam mga gagawin ko, ni hindi ko pa nga nararanasan magkacrush man lang. Tao ba ko? Masyado kong seryoso. Masyado kong nagfocus sa sarili ko.

It took months for some guys to ask me out. Hindi naman sa pagyayabang pero may itsura naman ako. I have medium-length hair medyo wavy tapos may curtain bangs. I have brown eyes that I got from my mom. Hindi naman katangusan yung ilong ko pero pwede na. A lot of people say I have kissable lips, hindi ko naman pansin kasi lagi ko nakikita sarili ko. I am 5'4 in height, with a morena skin. I also have an average type of body. Hindi slim, hindi chubby, yung sakto lang. A typical Filipina. Medyo intimidating man ako tingnan kasi sabi nila rich kid daw ako pero hindi naman yun sa ganun. I always tell people na they will never know until they actually get to know me. Takot lang sila lumapit kasi medyo masungit ako tingnan pero I am nice. Hindi lang talaga ako marunong mag initiate ng conversation. Malay ko ba kung ano gusto nila pag usapan so say hi to me, then I'll say hi back. But still, I know that I'm not open to dating pero I admit minsan naku-curious din naman ako. I told myself maybe one day, I'll meet someone. But before anything else, soon I have to figure out what's gonna happen.

I remember there was one night, I couldn't sleep. As in talagang 2 am in the morning sobrang gising na gising pa diwa ko. Ayoko naman magtake ng any sleeping pills kasi baka iba yung effect sakin. Maybe the reason kung bakit ako nagkaganun kasi I felt bad saying no sa mga guys na nagtatanong kung okay lang yayain nila ako lumabas. I wasn't ready. Hindi ko alam mga gagawin ko. With my 23 years existence, hindi ko naiisip na magka boyfriend. Ayoko kasi maging tanga. Ayoko masaktan. Ayoko makasakit. Ang dami kong nakikita na nag aaway sa public, masyadong madrama yung relationship. Ayoko ng drama. Gusto ko payapa lang yung isip ko. It is always my choice to put myself first before anyone else. So that night na hindi ako makatulog, out of curiosity, I googled some tips. Hindi ko rin alam kung bakit pero parang may sumapi sa akin at dinala na lang ako sa harap ng desktop ko. I saw an article about "Tips on getting ready for a date". I wasn't planning anything pero what if magbago isip ko. Like what if I try? Wala namang masama. Hindi ko naman malalaman kung hindi ko susubukan or hindi ko naman mararanasan yung feeling kung hindi ko naman papayagan yung sarili ko na subukan. So siyempre, basa basa lang ako. Medyo mahirap kasi medyo awkward talaga ako. Mas sanay ako na gumawa ng mga bagay na ako lang mag isa. So ayun, scroll scroll lang ako. Basa basa lang kung ano mga dapat gawin until I saw an advertisement below my computer screen. It says "Meet your soulmate..... Click here". Ayoko pa iopen nung una kasi natakot ako baka mamaya yun yung mga popups na bastos or baka mamaya mga virus pala pero in the end pinindot ko pa rin kasi nga curious ako. Pagkaopen ko it took me directly to a website and shortly I realized it was a live chat for strangers, a group live chat, pero specifically a dating website. An app wherein you can meet people around the world. Ang dami nakaonline. I saw people from different countries naka on pa video and there's alot of room. You can join it for free and you can chat and message people from there. You are allowed to share your camera and start talking. You can also click on that person's profile if you think he/she is attractive. To sum it up, it wasn't that bad. Ang ganda ng app. Mukhang decent naman kasi you can actually see people live. You can meet friends and maybe your soulmate, who knows. That moment, I had doubts. Inisip ko na lanv itry to make some friends. Di ko alam pano magwork yung website so I navigated it and tried chatting people. I was afraid to be honest. One more thing that I am scared of is, what if I end up falling in love with a stranger from there? Super nag overthink ako. Ang daming pumapasok sa isip ko, kung ano ano. Paano kung may makilala ako dito? Paano kung mainlove ako? Paano kung ganito ganiyan. I know I'm not ready for a commitment yet or anything kasi takot ako. Knowing myself, I rather be alone reading books than spending my time talking to a total stranger online. How silly that idea was? I don't know. Tinuloy ko pa rin. I tried it. Little did I know, eventually, kinain ko rin lahat ng sinabi ko that time. I wasn't aware, I wasn't ready. But I didn't know that my life will change forever that day.

That day, I met Eric and my world stopped.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Distance & UsWhere stories live. Discover now