Tinanong ko siya kung sinong pwede kong kausapin tungkol sa posisyon ni Ms. Leonida noon. Tinuro niya ang opisina kaya tumango ako't nagpasalamat.
Kinausap ako ng Principal. Bago na kasi ang principal kaya hindi niya ko kilala. Tumango ako at nagpasalamat. Pwede raw ako magsimula kahit kailan ko gusto kaya sinabi ko kung pwede ngayon na. Wala akong gagawin sa bahay. Mambubulabog lang si Chase doon. Naglakad ako papunta sa auditorium. Binigay na rin sakin ang susi kaya nakapasok ako.
Tulad ng gawain ko noon ay nilapag ko ang case at kinuha ang violin. Pinatong ko ito sa balikat ko at ipinatong ko naman ang baba ko rito. Pumikit ako at kinapa ang strings ng violin saka ako tumugtog. Tinugtog ko ang River Flows In You ni Yiruma. I just feel like playing it.
Nang matapos akong tumugtog ay may narinig akong palakpakan at may mga nag-woah. Minulat ko ang mata ko at nakakita ng mga batang may hawak ng kanya-kanyang violin. Ngumiti ako sa kanila at nagbow. Nagsi-akyatan naman sila dito sa stage kaya kumuha ako ng mauupuan nila at tumulong ang mga estudyante kong lalaki na nasa hula ko ay teenagers na. Teens at kids ang tuturuan ko according na rin doon sa Principal.
Matapos kong magturo ay dumiretso ako sa bahay. Bumaba ako ng kotse at dinukot ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Pina-alarm ko ang kotse at saktong tumatawa na si Kurt.
"Hi, Kurt. I'm sorry." Ani ko at napakamot sa ulo.
"I've been trying to call you all day but it's fine. At least nakausap din kita." Sagot nito.
"Nagturo kasi ako sa SAH. Ang daming estudyante unlike the last time kaya hindi ko na nasagot yung tawag mo." Paliwanag ko kay Kurt.
Pumasok ako sa loob ng bahay at sumalubong sa akin si Ina na nanonood ng palabas sa tv. Lumingon siya sakin at tinaasan ako ng kilay. Nagmouth-word ako ng pangalan ni Kurt na tinanguan niya.
"How did it go, then?" Tanong ni Kurt.
"It went good. Excited silang lahat. How about you? How's your day?" My turn to ask.
Pumunta ako sa kusina at inipit ang cellphone ko sa tenga at balikat ko para makapagsaling ng tubig sa baso. Nilapag ko sa counter ang baso at binalik sa ref ang bote ng tubig saka ko hinawakan ulit ang cellphone.
"I'm getting tired from all the meetings. Right now, I'm off to meet the architect with the engineer." Reklamo ni Kurt. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga kaya natawa ako.
"Konting tiis, Kurt. Wala tayong magagawa. You're in charge of your family's company." Sagot ko rito.
"I just can't stop my excitment. Gustong gusto ko nang umuwi diyan." Sabi pa ni Kurt.
Napa-iling ako at napatawa kay Kurt. OA as ever.
"Makakauwi ka rin naman. Soon. Now, I gotta go and eat dinner with Ina. Hindi ko alam kung anong oras na diyan but please, kumain ka." Paalala ko rito.
Marami pang sinabi sa akin si Kurt hanggang sa siya na ang nagpatay ng tawag. Tinawag ko si Ina mula sa kusina para ayain nang kumain. Pumasok siya sa kusina at namumugto pa rin ang mata. Nagluto na si Ina pero hindi pa talaga siya kumain. Ayaw na ayaw talagang kumakain ng mag-isa.
Kasalukuyan na kaming kumakain nang magsalita si Ina.
"Hindi ka ba nagiguilty kay Kurt?" Tanong niya sakin with a bothered look.
Inubos ko muna ang nginunguya ko saka ako uminom para masagot si Ina.
"Why would I be guilty? Hindi naman ako nangangaliwa. I did that so Chase would stop." Sagot ko at kumain na ulit.
"You know he wouldn't stop, right?" Tanong ulit ni Ina.
Tumango ako at sumagot. "Bahala na siya sa buhay niya kung magmamatigas siya." Sagot ko ulit.
Nagkibit balikat na lang si Ina at nagpatuloy sa pagkain. Nang maubos siya at tatayo na sana para magligpit ng pinagkainan namin nang umupo ulit siya at nagsalita.
"I'm borrowing the Civic tomorrow. Bibisitahin ko ang kumpanya ni eomma at appa." Paalam ni Ina.
"Can you drop me off Solenad II?" Tanong ko rito.
"Paano ka uuwi?" Tanong niya pabalik. Ang galing. Sinagot yung tanong ko ng isa pang tanong.
"May service sila. Can you?" Tanong ko ulit.
Tumango siya at nagkaroon na kami ng kasunduan. Habang umiinom ay inabot ko ang cellphone ko sa tabi ko at binuksan. May message kaso from an unknown number. Nang mabasa ko pa lang ang text ay alam ko nang kay Chase ito. Karma ba na matatawag ito? Pakitigilan na!
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 30
Start from the beginning
