"I'm Kurt's." Sabi ko rito.
"For now, you are his. Just wait." Sagot pa nito.
Bumuntong hininga ako at tumingin kay Ina na pinanonood kami saka ako nagsalita ulit.
"Bago maka-uwi si Kurt, iyo ako panandalian. Once he's back, tumigil ka na." Sabi ko ng may pinalidad.
"I won't stop. Wala ka na ba talagang pakielam ni isa sa akin?" Aniya at pinatingin ako sa kanya.
"Gusto ko ng matapos ito. That what I want. I want you to move on pero ayaw mo hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo." Sagot ko rito.
"Irina, paano si Kurt?" Tanong ni Ina kaya tumingin ako sa kanya.
"Hindi niya malalaman hangga't walang nagsasabi, Ina. Hindi mo naman sasabihin, hindi ba? Alam kong gusto mo lang ang makakabuti sa akin pero pagkatiwalaan mo ko sa gusto kong gawin ngayon. Ayusin mo simula ngayon ang sa inyo ni Zane." Ani ko at tinalikuran sila.
Umakyat ako ng hagdan at pumasok sa kwarto ko. Lumapit ako sa kama ko at dumapa saka lang nasituluan ang mga luha kong natigil kanina. Pakiramdam ko ako ang may mali. Hindi si Chase, hindi rin si Ina kung hindi ako. Desisyon ko ang mali and because of that, nabibinyagan ng sigawan ang bahay.
Nanatili akong umiiyak dito sa kwarto. Pakiramdam ko namumugto na ang mata ko kaya tumayo na ko't dumiretso sa cr para maligo. Tumingin ako sa salamin pagkatapos. Tama ako, namumugto nga sila. Pero make-up lang siguro matatakpan iyan.
Nagbihis ako ng casual na damit. Pupunta ako sa SAH, yung dati naming school. Nacontact kasi ako ni Ms. Leonida. Aniya'y umalis na raw siya doon dahil wala na siyang masyadong tinuturuan. Pagkatapos raw niya umalis ay saka naman daw ang daming bata na gustong matutong tumugtog. She's recommending pero hindi arts ang kinuha kong course. Nag-business ako gawa ng kumpanya namin. Gusto ko kasing makatulong.
Matapos kong mag-ayos sa banyo ay lumabas na ko dito. Nakita ko sa sulok ng kwarto ko ang violin case ko. Kinuha ko yun doon at pinatong sa kama. Matagal nang huli kong buksan ito at tumugtog. Marunong pa rin naman ako pero bibihira ko na lang talaga gamitin. Simula nang tumapak ako sa kolehiyo ay hindi ko na siya hinawakan.
Pagbukas ko ng violin case ko ay may mga pictures doon galing sa isang polaroid na camera. Stolen pictures ni Chase noong baliw na baliw pa ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko para kay Chase ngayon. Basta ang alam ko, ayokong siyang nasasaktan sa tuwing nakikita ako.
Kinuha ko ang susi ng Civic sa may bedside table ko kasama ng cellphone ko. Sinara ko na rin ang violin case at binitbit ko na saka ako bumaba. Nagpaalam ako kay Ina na pupunta ako sa school para humingi ng impormasyon tungkol sa pwesto noon ni Ms. Leonida. Wala akong contacts ng school kaya kahit malayo, pupunta ako.
Sumakay ako sa kotse at mabilis na pinatakbo ang kotse para makabalik ako agad. Nakarating naman agad ako kaso medyo traffic ang daan papunta sa may highway. Ipinarada ko ang kotse ko sa may parking lot at nginitian ang guard.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 30
Start from the beginning
