Napapikit ako at bumitaw kay Chase. Minulat ko naman agad ang mata ko saka ako nagsalita.
"That is enough, Chase! Nakakasakit ka na! You don't say that to my sister!" Sigaw ko rito.
Humarap sa akin bigla si Chase at binigyan ako ng malamig na tingin.
"It isn't enough Irina! For fucking 4 years napuno ng galit at hinanakit ang dibdib ko pero tangina patay na patay pa rin ako sa'yo! Ako ang nadedehado ng sobra dito kasi inosente ako pero napagbintangan akong iniwan kita! Gusto kong magpaliwanag pero ayaw ng kapatid mong kausapin kita! Gustong gusto ko pero ayaw mo kong kausapin!" Sigaw niya sakin.
"Dahil nasa nakaraan na lahat ng iyon! Matagal na yun, Chase! Ano ba!" Sagot ko rito.
Nanahimik si Chase. Hiningal ako sa pagsigaw sa kanya and he too is heavily breathing in front of me. Nakakunot ang noo ni Chase habang nakatingin sa akin. Akala ko tapos na pero nagsalita ulit si Ina na humahagulgol kanina.
"You know nothing tungkol sa amin ni Zane, Chase." Sabi pa ni Ina.
Nilingon ni Chase si Ina. Mabilis akong lumapit sa tabi ni Chase at pinigilan siya. Nakangisi siyang nakatingin kay Ina.
"I know nothing? That's what you thought. Alam ko ang ginawa ni Giana kay tita. That scar on your arm." Ani Chase at tinuro ang braso ni Ina. "That came from Giana." Dagdag ni Chase.
Napaupo ako sa kinatatayuan ko. Nabuksan na naman ito. Bumaha sa isip ko ang mga sigaw at iyak namin ni Ina sa mga ginawa ni Giana. Ako, tanggap ko ang dahilan niya kung ba't ayaw niya sa isang Garcia pero may punto si Chase ngayon.
Naramdaman ko ang tingin ni Ina at Chase sa biglang pag-upo ko. Hindi ko na namalayang napaiyak na ko nang maalala ko ang lahat. We moved on from that nightmare. Me and my family pero hindi pa rin pala maaalis nito ang sakit nang nakaraan.
Yumuko si Chase at niyakap ako. Humagulgol ako sa kinauupuan ko dito sa sahig. Nangapa ako ng salita. Kami kami lang ang nakakaalam noon. Paano niya nalaman yun? Hindi ko nga kinuwento sa iba yun at mas lalo na si Ina.
"P-paano mo nalaman ang tungkol doon?" Tanong ko rito.
"Bago umalis ang mga magulang niyo ay nakausap ko sila. Kinuwento nila lahat. Nagpaliwanag ako sa kanila at kagustuhan ko na rin na huwag nilang sabihin sa iyo. Gusto ko ako ang magsasabi." Aniya at humalik sa buhok ko.
Tumango ako at nabalik ko na ang sarili ko. Pinunasan ko ang pisngi ko saka ako tumayo. Kasabay kong tumayo si Chase dahil nakayakap siya sakin. Bumitaw rin naman siya matapos kong umiyak. Hinarap ko na lang si Chase. I want this over. Wala na kasi dapat talaga.
"Ano ba talaga ang gusto mo?" Tanong ko rito.
"Ikaw. Ikaw lang ang gusto ko. It will never change unless I have you back again." Aniya.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 30
Start from the beginning
