I can't help but smile.

"Wow... You got so many stars, baby. Congratulations! I'm so proud of you!" Masaya kong hayag, bago halikan ang tungkil ng ilong nito dahilan para mapahagikgik siya.

"What gift do you want, baby? I'll give you anything you want!"

"Really?" Masayang tanong nito.

"Yes, baby."

"I want to learn how to swim na po, mommy pretty. It's saturday na po tomorrow, so... Can you teach me na po?" Malawak ang ngiting tanong nito sa akin.

Nilagay ko ang kamay ko sa baba ko at kunwari pang nag-iisip.

"Hmm..."

"Please! Please! Please, mommy pretty?~" pagmamakaawa nito kaya hindi ko na napigilan ang pagtawa ng mahina.

"Okay! Tomorrow, it is." Pagpayag ko dito dahilan para sumigaw siya sa tuwa.

"Yeheyyyy! I'm so excited na po!"

"Me too!" I said at kiniliti ito.

"Wahh-hahahaha. m-mommy-haha - pretty, stop! hahaha." 

--

"Let go, Mackenzie." Malamig na utos ni Miss sa akin ng yakapin ko ito. Katatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan habang kababalik lang ni Miss mula sa kwarto ni Brielle. Pinatulog na niya ito kahit maaga pa at buti nalang pumayag ang bata dahil excited daw siya para bukas.

"5 minutes." Bulong ko dito at isiniksik ang ulo sa leeg.

I have a bad feelings and I hate it to happen.

"Mackenzie, I said let go. We need to talk." Madiin na sambit nito.

"3 minutes?" Tawad ko pero tinutulak pa rin ako nito

"2 minutes... One?" Bumuntong hininga siya at hinayaan ako.

Tahimik lang kami... Nakakabinging katahimikan. Ayaw kong magsalita. Ayaw kong kumawala sa yakap... Ayaw ko siyang bitawan.

Pilit ko ding pinipigilan ang mga luhang gusto ng lumabas. Alam ko naman na ang sasabihin niya pero ayaw ko pa ring marinig. Natatakot ako. Hindi pa ako handa...

"Your one minute's done. Now, let go and let's talk." Seryosong saad nito bago ako itulak palayo sa kanya.

Tumingin muna ako sa taas upang hindi matuloy ang pagluha ko bago humarap muli sa kanya.

"M-may problema po b-ba?" Kinakabahan kong tanong kahit alam ko namang mayroon.

"I want to end our relationship now, Mackenzie." Deretso niyang sagot.

"B-but... Why? M-may nagawa po ba ako? M-may nasabi p-po ba ako na hindi niyo gusto?"

"Nothing! I just wanted to break up with you. I don't love you. You just tricked me to become your girlfriend and I want to end it now!"

Hindi ko napigilan pa ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Expected ko na yan kanina ha? Pero bakit ang sakit? Ang sakit pa rin na narinig mula sa kanya?

"A-ayaw niyo po b-ba ng ganon? D-dapat po ba yung m-mas maayos? I-I can court you po ulit. I c-can start to the b-beginning, baby." Lumapit ako sa kanya upang hawakan ang kamay nito pero umiwas lang siya at tumayo.

Tang ina, wala naman akong sakit, bakit pilit kang umiiwas?

"You don't need to court me again. I want you out in my life. In Brielle's life." Seryosong saad nito.

Mabilis naman akong umiling at tumayo din.

"N-no. No. I don't want that. I can't j-just go out and p-pretend that I don't k-know you. I love you, baby. I love you. Please give me a second chance." Pakiusap ko dito pero umiling lang siya.

"My decision is final. Don't come back here anymore. Don't go near to Brielle--"

"What? Bakit pati kay Brielle?" Hindi ko mapigilang maitanong... Bakit pati sa bata?

"Just do what I say--"

"How can I do that when you are not giving me a damm valid reason!" Hindi ko na mapigilang pagtaasan siya ng boses dahil sa inis! Oh gosh!

"Don't raise your voice at me, young lady!" Inis din na tugon nito.

Napahilamos ako ng mukha bago humarap muli sa kanya. I sighed. I cupped her face.

"Come on, baby. Tell me that it's just a prank.. na joke lang to..." Pagsusumamo ko pero patuloy lang ito sa pag-iling.

"P-please? I-I love you, baby. I c-can't break up with you... H-hindi ko na kayang l-lumayo--"

"Mackenzie, don't make this hard for me. Please... Let me go." Mahinang pakiusap sa akin ni Miss kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mata na mabilis kong pinunasan.

"Miss naman!" Padabog kong turan.

"I'm begging you, Mackenzie. L-layuan mo na ako. Kami. Para sayo naman to e."

"Para sa akin? Huh! Paano? Sabihin mo, Harper, kung paano ko kayo lalayuan kung nasanay na akong araw araw kasama ko kayo?" Umiiyak ko pa ring tanong.

"I don't know! Just leave us, Mackenzie-"

"Give me a valid reason first. before. I'll. do. that." Gigil kong putol sa kanya...

"I don't love you, Mackenzie and I can't love you!" Mariin nitong sabi.

"H-hindi pa po ba sapat y-yung mga ginawa ko? D-dahil po ba sa special someone niyo--"

"No! Wala siyang kinalaman dito. She never be the reason!" Putol niya sa tanong ko.

Arghh! Hindi ko na alam kung anong gagawin... Kung anong sasabihin.

"C-can you give me a-another chance, baby? I promise, I-I'll do anything y-you want, hmm?" Pero umiiling lang ito.

"Fine! Fine! I'll give you what you w-want... but i-in one condition!" I said to her habang patuloy paring umiiyak.

"J-just one condition... Please..." Hindi ko na napigilang mapaluhod sa harap niya dahil sa pagod.

"What?" Malamig na tanong nito.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingala sa kanya.

"P-pwede bang bukas nalang ng g-gabi? Bukas nalang po tayo m-maghiwalay. I-I just wanted t-to spend m-my day tomorrow with y-you and Brielle--"

"No, Mackenzie." Pagputol nito sa akin.

Tumayo ako at muling humarap sa kanya. Kinuha ko ang mga kamay nito at kinulong sa mga kamay ko.

"Please? Please? I-I promised Brielle that I-I'll teach her h-how to swim tomorrow. I-I can't break my promise to her. K-kahit yon lang... Please?" Pakiusap ko dito pero hindi siya sumagot at umiwas lang ng tingin.

"Just pretend na mahal mo ako bukas... Yun lang... Pagkatapos ay ako na ang kusang lalayo. hmm?" Hinuhuli ko ang tingin nito...

"Please?" Umiiyak ko pa ring tanong.

"Fine." Pagsuko nito bago bawiin ang kamay sa akin. "I'll go to sleep na. Lock the door when you go out." She simply said before walking out to her room.

Pagsarado ng pinto ng kwarto niya, kusang bumagsak ang katawan ko sa sahig. Napaluhod ako sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Pwedi bang pabagalin muna ang oras? Pwedi bang kahit bukas lang, pahintoin muna yung oras...

Tama ba yung desisyon ko?

Tama bang pumayag ako?

Mahal ko siya...

Akala ko... Mahal na rin niya ako...

Akala ko... Kahit katiting, may nararamdaman na rin siya sa akin...

Akala ko... Pasado na ako...

Akala ko... Masaya na siya sa akin...

Akala ko... Enough na yung mga nagawa ko...

Akala ko lang pala...

Ang hirap naman umasa.

Parang feeling ko, mas masakit pa ito sa past ko.

~~~~~

Short update po muna... Thank youu 🥰🥰

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon