Or baka nga wala talaga siyang personal account sa mga social media, baka puro fun made account lang yon.

Hmm, ano kaya kung iask ko kay dad kung anong number ni Travis? Pero baka hindi ako masagot agad ni dad, since busy yon sa work. Araw araw nag oover time kasi alam niyo naman hands on yon sa pagiging engineer niya sa mga pinapagawang building ng mga Forgers.

Sa huli napabuntong hininga nalang ako. Mukha wala akong ibang choice kung hindi mano manong hanapin si Travis dito sa parking. Dibale matangkad naman siya at laging agaw atensyon kaya madali ko lang yon makikita.

"Grabe ang gwapo talaga niya!"

"Oo nga! Yong pictures niya sa magazine at online walang pinagkaiba sa personal."

"Bakit kaya siya nandito?"

"Naka eye to eye ko siya kanina, kahit seconds lang yon pero syet! Nasa langit na ba ako?"

"Bakit kaya siya nandito? Sino kayang sinundo niya?"

"Baka naman tungkol lang 'to sa business kaya siya nandito? Impossible naman na may susnduin siya dito eh engage na siya!"

Ang dami kung naririnig na bulong bulungan. For sure yan yong artista na dinudumog nila ngayon dito!

Lumingon lingon naman ako sa paligid pero wala akong makitang matangkad na lalake. Nasan ba yon si Travis?

Hanggang sa makarating na ako sa harapan. Mabuti nalang yong ibang nauuna sa linya is kakilala ko at nang sabihin ko sa kanila na nandito lang ako para pumunta sa parking space ng car namin, piangbigyan nila akong makadaan.

Pag tingin ko naman sa may parking space na nakalaan para sa car ko, halos mahulog na sa eye socket yong mga mata ko nang makita ko si Travis, naka cross yong arms niya sa may dibdib niya, naka suot ng shades at nakasandal sa hood ng kotse niya. Sobrang cool niya tignan. Suot pa din niya yong suot niya kaninang umaga. Nag trabaho ba talaga 'tong mokong na 'to? Fresh na fresh pa din tignan eh!

Urgh! So walang artist ana nag coconcert dito?

Si Travis lang pala yong pinagkakaguluhan ng mga kaschoolmates ko! Pagod naman akong napabuntong hininga at nasapo ko nalang yong noo ko.

Dapat pala nung sabihin niya sakin ng susunduin niya ako, sinabi ko nalang na hintayin niya ako sa labas ng school gate! Bakit ba nakalimutan ko na sikat pala si Travis?!

Nasapo ko nalang yong noo ko at hindi ko alam paano ko siya lalapitan nang hindi ako napapansin ng mga schoolmates ko kasi sure na sure ako na pag pumasok ako sa loob ng car niya, mas lalong magiging big deal yon, baka nga mag tampo pa nga sila P at Adisson kasi iba yong sinabi ko sa kanila sa nangyayari ngayon.

Well, di ko naman ineexpect na ganito pala ang magiging ending ng pag sundo sakin ni Travis.

"I've been waiting for you." Natigil naman ako sa pag oover think ng marinig ko yong baritong boses ni Travis malapit lang sakin. Slow motion naman yong pag taas ng ulo ko para makita yong taong nakatayo sa harapan ko.

"Travis..." Nabubulol kung tawag sa pangalan niya.

"Let's go and maybe it will rain."

"Ha?" Wala sa sariling sagot ko naman sa kanya at bago pa mag sink in sa isip ko yong mga nangyayari, hinawakan na ako sa bewang ni Travis at saka niya nag start na maglakad papalapit sa car niya syempre wala sa sariling napasama na din ako.

Tulad nang sa welcome party ni dad noon sa may hotel, yong crowd kanina na parang wala nang pag-asa na mahawi, ay nawala na. Nagkaron na nang daan para samin ni Travis, at the same time naririnig ko yong bulung bulungan ng mga tao sa paligid naming.

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now