Love Spells(ONE-SHOT)

744 57 37
                                    


"Changel."

Paano kaya ako mapapansin ni Tael (Ta-el) ? Aish! Eh hindi nga niya alam pangalan ko eh! Ako kaya unang magpakilala? Haysh. Nakakahiya yun!

"Hoy Changel!"

Hintayin ko nalang kaya na siya yung magpakilala? Naku! Baka maka-graduate na siya nun. Himala nalang talaga kung siya yung unang magpakilala.

"Charlyn Angel Flores!"

Nagbalik ako sa realidad ng biglang may sumigaw sa mismong tapat ng tenga ko. Aba! Ang ingay naman tong babaeng toh! Kainis!

"Ano Maria Nhikka!" Pabalik kong sigaw sa kaniya. Pinanliitan naman niya ako ng mata. Aish! Kung hindi ko lang talaga to besfriend kanina ko pa toh nasipa sa Uranus!

"Hoy Changel! (Cheyn-jel) May hindi ka ba sinasabi sa akin ha?"

Bakit Changel tawag nito sa akin? Charlyn + Angel daw tapos ayun, it's equal to Changel. Kainis nga eh! Ang corny.

"W-wala ah! Ikaw talaga Manika"

Nag-iwas ako ng tingin. Naku! Baka mabuko pa ako nitong Manikang toh! Bakit naman Manika? Maria + Nhikka. Eh di magiging Manika.

"Ahh~ So may hindi ka nga talaga sinasabi sa akin. Ano yun ha? May crush ka na noh? Aysauce! Lumalandi na si besty~"

Hinarap ko siya at nag 'huwag kang maingay' look. Aish. Kailangan ko na ring sabihin kay besty toh. Syempre! Besty ko toh eh. Hindi lang ako ready noong sabihin sa kaniya toh.

"Sino? Who's the unlucky guy?" Binatukan ko siya. Anong unlucky guy? Sipain ko siya papunta sa Jupiter eh!

"Si Tael."

"KYAHHH! SI TAEL!?" Tinakpan ko yung bibig niyang maingay. Itong babaeng toh talaga! Ang ingay.

"Huwag ka ngang maingay. Teka?! Saan tayo pupunta Manika?" Bigla kasi niya akong hinila palabas ng classroom namin. Anong trip nitong Manikang toh?

"Si Tael? Si Tael ang crush mo? Si Tael na hindi alam na nag-eexist ka? Besty, mahirap yan!"

Nanlumo ako sa sinabi niya. Alam ko na nga eh! Kailangan niya pang ipamukha. Nakakainis talaga tong babaeng--

"Huwag kang mag-alala besty, tutulungan naman kita." Napangiti ako. Sana nga matulungan niya ako.

~~~~~

"Besty~ Alam ko na! Ikaw! Ikaw yung unang magpakilala!"

"Ano?! Ako yung unang magpapakilala? Besty! Baliw ka ba? Oo alam kong baliw ka pero besty naman! Alam mo namang nahihiya ako!"

Aish! Wala na tong atrasan! Fighting! Aja! Hinahanap ko na si Tael ngayon. Nasaan na ba yung gwapong--Ayun! Ayun si Tael! Lumapit ako sa kaniya. Waah! Nangangatog na tong mga tubod ko! Parang gusto ko ng umatras pero ano ng magagawa ko? Nandito na ako sa harapan niya. Kyaah! Ang gwapo niya sa malapitan!

"May sasabihin ka ba Miss?" Waah! Anong sasabihin ko! I dont know why pero nablangko na talaga tong utak ko. I dont know what to say!

"Miss okay ka lang? You're shaking."

Waah! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Bakit ba kasi hindi ako nagpractice kanina ng mga sasabihin ko?! Kyaah! Nakakahiya.

"You're really shaking Miss." Lumapit siya sa akin na ikinagulat ko. Kyaah! Bahala na!

"N-nandito a-ako p-para s-sabihing.. U-uhm. P-para s-sabihing. U-uhm." Umayos ka Changel! Umayos ka! May pautal-utal ka pang nalalaman! Waah! Para akong tanga.

Love Spells (ONE-SHOT)Where stories live. Discover now