Chapter 1

0 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa alarm. 5:00am palang, wala akong choice kundi gumising kahit inaantok pa ako. 4hrs lang yung tulog ko amputcha!

Inaantok pa akong pumunta sa C.R para maghilamos. Nang matapos na ako, pumunta ako sa kwarto para gisingin si Tanya, at ayi sunod naman si maive.


Kung bakit ba naman kasi nagpakalasing sila e alam nilang may pasok ngayon. Mga tanga.

"Hoy mga bruha gumising na kayo at magsi-uwi! May pasok pa tayo!" Niyu-yugyog ko pa sila pero ayaw nilang gumising.


"Gumising na kayo kung ayaw niyong buhusan ko pa kayo ng malamig na tubig" Pagbabanta ko. Ayon gumising sila.

"Ano ba tala! Aga-aga ingay-ingay ng bunganga mo" Si Tanya. Aba! Siya pa may ganang manermon ha. Kinginang 'to mas maingay pa nga bunganga niya kesa sa'kin.

"My head hurts! Gusto ko pa matulog" Sabi ni ayi habang nakapikit pa rin ang mga mata.


"Bahala kayo kung ayaw niyong pumasok hindi naman ako 'yong mapapagalitan sa mga prof niyo" Tinalikuran ko na sila at pumunta sa kabilang kwarto.

Himbing pa rin ng tulog naknangputcha naman oh! Hindi na talaga ako sasama kapag pupunta sila na may klase sa umaga!

Hinampas ko siya sa pwet. "Hoy! gumising ka narin diyan bakla ka" pang-gigising ko sakanya.

"Mamaya na" Sagot nito ng inaantok ang boses.

"Anong mamaya na e malalate tayo tanga!"


"Oo na!" Sigaw nito ng may pagkainis pa sa boses niya. Lord ba't gantong mga kaibigang binigay mo sa'kin?puro pabigat.


"Sumunod kana sa sala ha"

Pumunta ako ulit sa kwarto ko. Aba tinuloy pa rin nila talaga ang tulog. Tignan natin kong hindi pa kayo magigising sa gagawin ko.

Pumunta ako sa kusina para kumaha ng boiler at kutsara. Pagkatapos bumalik na ako ulit.


Tinambol ko lang 'yong kutsara sa boiler para makagawa ng maingay na tunog. Ayaw niyo gumising ha!

"Kinginaaa talaaaa! Ingayyyyy!" sigaw ni tanya at bumangon.

"Fuck! Is too loud tala!stop it!" Reklamo rin ni ayi.

"Heh! Ako na nga tong nagmamalasakit sainyo!" Bulyaw ko rin sakanila.

Sa huli pumunta na silang tatlo sa lamesa para kumain. Nagluto lang ako ng itlog tska bacon para ipakain dito sa mga palamunin ko.

"Gara ng buhay niyo ha. Ako na nga naguwi sainyo, ako na ang gumising l, ako pa nagluto"

"Nyeta sakit ng ulo ko!" Reklamo ni maive. Paanong hindi sasakit ang ulo nila e andami nilang nilaklak na alak kagabi.

"Tanggalin mo" Sabi ko sakanya.

Hindi na sila nagsalita at kumain na. Nung matapos ay umuwi na rin sila. Tinanong ko muna kong kaya pa rin nila mag-drive, Umo-o naman sila kaya hindi na ako nag-worry.

Baka kasi maaksidente sila sa daan dahil may hangover pa sila. Konsensya ko pa sa huli noh!

Niligpit ko muna 'yong mga hinigaan nila at naghugas dahil mejo maaga pa naman.

Nung matapos na ako ay naligo na rin ako dahil pakiramdam ko ay ang lagkit-lagkit ng katawan ko kaya natagalan ako sa banyo.

I wear a brown fitted trouser and also a light brown tanktop at sinuot ko rin 'yong brown blazzer dahil hindi naman pwedeng pumasok ako ng naka-top lang, kinuha ko na 'yung bag ko at lumabas na rin sa condo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Eternal Love Of Tommorow (Adventure Series #1)Where stories live. Discover now