" Talaga ba'ng napakatigas ng ulo mo, at hindi ka marunong sumunod?"

Anya habang nakatitig sa akin ng seryoso. Kaya binitawan ko yung buhok nang babae pero may dala iyong tulak para maalog yung utak niya!

" Wala naman po sigurong ulo na malambot ma'am."

Sarkastikong sagot ko sa kanya kaya mas lalo siyang nagalit sa akin.

" Detention office, now! Sumunod kayo'ng lahat sa akin. "

Nauna siyang naglakad bago yung apat na kampon ni satanas. Nasa dulo kami ni Irish habang pasimple niya akong kinakausap.

" Bakit ka ba si pumatol kay Tiffany eh, laking bitch 'yan at laging pasimuno ng gulo."

" Me? Siya kaya ang lumapit sa akin at bigla nalang nila akong sinabunutan!"

Inis na saad ko sa kanya ng pabulong. Agad naman kaming tumigil ng makarating kami sa harap ng pintuan ng Detention office.

" Get inside and wait for me. Subukan niyong mag away sa loob at hindi ako magdadalawang isip na ipa expelled kayong lahat."

Sabi nito bago umalis at iniwan kami sa loob at ni lock yung pinto galing sa labas. Nakita ko pa siyang naglalakad palayo sa may maliit na glass sa pinto. Napatingin ako sa pwet niyang kumikimbot habang naglalakad siya. Hinila ako ni Irish doon sa may dulo para lumayo kami sa apat na mga baliw. Masama ang tingin nila sa amin habang nasa kabilang dulo sila.

" Huwag mo na nga silang pansinin, mga baliw talaga 'yan. "

" We can hear you, you know!"

" Ay nakakarinig rin pala ang mga palaka beh, akala ko kasi eh wala silang kwenta at ang papangit pa ng mukha."

Pairinig ni Irish sa kanila kaya nagalit yung leader nila at akmang lalapit nang pigilan siya ng mga alipores niya at umiiling kaya wala siyang nagawa at nagsama nalang ng tingin sa aming dalawa ni Irish.

" Ayos ka lang ba? May sugat ka gilid ng pisngi mo beh, nakalmot ka ata ng pangit na palaka. Hayaan mo na gagamutin kita at baka mahawa ka sa kapangitan nila."

Natawa ako sa turan niya at tinuro yung mukha ko

" This face? Kahit punuin pa ito ng kalmot at sugat,maganda parin 'to."

Mayabang na sabi ko sa kanya kaya natawa rin siya at tinulak akong bahagya sa balikat.

" Ang hangin ah, sigi palakasin mo pa nang mailipad papalayo yung mga pangit na palaka."

Mahinang sambit niya habang kinukumpas pa sa itaas yung kamay niya, tumawa lang kami dito sa gilid. Ilang minuto pa ay bumukas ulit yung pintuan at pumasok si professor Vanessa. Seryoso niya kaming tiningnan sa magkabilang dulo bago nag salita.

" All of you, follow me."

Anya at agad nag lakad ulit kaya sumunod na kaming lahat. Nakarating kami sa may gym at walang ka tao-tao doon kundi kami lang. Agad lumapit si ma'am sa isang moving rack na puno ng bola ng volleyball at hinila iyon sa gilid niya. Agad siyang humarap sa amin at nag fold ng mga kamay.

" All of you, get one ball and make a line and face each other."

Nagkatinginan kami ni Irish bago kami sumunod at kumuha ng tig iisang bola. Agad kaming pumunta sa gitna ng court at tumayo bitbit yung bola. Nasa kabilang dulo namin namin yung apat. Agad namang nagsalita si ma'am Van sa gilid namin

" Now I want you to throw the ball on each other an-"

Hindi na siya natapos sa sasabihin niya ng pinauntog ko ng isang beses yung bola bago ko ito malakas na itinapon sa mukha nung leader ng mga palaka kaya ayun. Sapul siya sa mukha at agad nabulagta at nawalan ng malay!

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon