GPVSCP: Chapter Three

Start from the beginning
                                    

"Good morning!"

Naabutan ko ang mga kaibigan ko na naghahanda na ng umagahan. Tinulungan ko na sila para mas mapabilis kami. Natatawa ako dahil kahit mukhang tamad na tamad si Andrea ay maaga pa rin siyang gumising para hindi kami ma-late.

Matapos naming kumain ay inayos namin ang pinagkaininan namin at sumakay sa kotseng naghihintay sa amin sa labas para ihatid kami sa aming bagong ekswelahan.

Nakakaramdam ako ng excitement pero may halo iyong kaba. Kung saan nanggagaling ang kaba ay hindi ko alam. Baka dahil alam namin na kung maliit ang mundo ay mas maliit ang university at maaring makasalubong namin ang mga taong hinahanap namin? Maybe that's the reason.

"Stick to our plan, guys. Kahit gaano niyo gustong makipaglandian sa mga kaklase nating lalaki o schoolmate, iwasan niyo. Hindi natin alam kung sinong kalaban sa hindi. Nangangapa pa tayo kaya iwasan nating maexpose agad tayo, and of course, wala dapat makaalam na Casanovas tayo." Paalala ni Andrea sa amin. Tumango nalang ako dahil alam ko na naman iyon.

Nang makarating kami sa university ay may ilan pa kaming mga estudyanteng nakakasalubong na mukhang papasok na rin. May ilan na nagtatawanan pa sa gilid at nagke-kwentuhan.

Bumaba na kami ng sasakyan at nagsimula na ring hanapin ang aming classroom.

Nakita kong tinititigan ni Lucille iyong registration form niya kaya't pinanood ko lang siyang gawin iyon.

"Guys, room natin TBA? Saan iyon?"

Halos humagalpak kami ni Andrea sa pagtawa dahil sa sinabi ni Lucille. Okay, sorry. Alam kong hindi dapat kami tumawa but I find it funny.

"To be announced, madam. Tara sa department natin nang matanong kung saan ang room natin." Natatawang sabi pa rin ni Andrea bago kami higitin papuntang college department namin.

Hindi na kami naligaw dahil alam na namin kung saan iyon. Agad naman kaming ipinagprint ng updated registration form ng secretary ng department kung saan nakalagay na ang bawat classroom namin.

"Block section kayo. May mga pagkakataon sa major niyo na doon lang sa room na iyon ang klase niyo." Nakangiting sabi ng aming secretary. Tumango nalang kami at kinuha na iyong bagong registration form namin. Tinanong na rin namin ang daan kung saan iyong unang klase namin at itinuro niya naman. Walang hirap naming nahanap iyon.

Nang makarating kami roon ay naandon na ang professor namin. Hindi pa naman kami late, sadyang maaga lang talaga siya.

"Dito kayo sa klase ko?" Tanong nito. Tumango kaming apat bilang sagot.

Itinuro niya ang apat na bakanteng upuan. Napanguso ako dahil inaasahan pa naman namin na magkakatabi kami kaya lang dahil ata block section at halos ito ring mga ito ang makakasama ko sa mga major subjects ay may seating arrangement na ginawa.

Huminga ako ng malalim bago sulyapan ang mga kaibigan ko at naglakad papunta sa isang bakanteng upuan na itinuro sa akin ng professor namin.

Napangiwi ako nang mapansing natutulog iyong katabi ko. Seriously, is this a classroom or his bedroom?

Napairap nalang ako at umupo na sa bakanteng upuan na katabi nito. Napapansin ko pang napapatingin sa amin ang ilan at nagbubulungan. Hindi ko alam kung bakit at wala rin akong pakealam.

Pinagmasdan ko ang buong klase, halos umulan ng gwapo rito. Doon palang ay kontento na ako.

Sinilip kong muli iyong katabi kong nakasubasob ang mukha sa mesa niya at natutulog. Gusto ko sana siyang gisingin dahil baka mapagalitan lang siya ng propesor namin pero mas pinili kong hayaan siya. Baka mamaya ay masamain niya pa ang pagmamagandang loob ko.

Gangster Princes VS. Casanova Princesses (AVAILABLE ON DREAME)Where stories live. Discover now