"What did you say about my dad?"

"Are you deaf? Do I have to say it again to me?" Masungit niyang sabi sakin. Agad namang kumulo ang dugo ko sa kanila at kahit na mas matanda sila sakin at may suot na heels since matangkad ako, nakatayo ko pa din'g pantayan yong mga height nila since nakasuot din naman ako ng heels.

"Take back what you said about my dad not being worth it! You have no idea how much effort he put in to get to where he is today!"

"Why would I do that if that's the truth! Why don't you conduct a survey among the people here to find out how bad your dad is!"

That's it! I had enough and I couldn't control my anger that's why I pushed her on her left shoulder.

Akala siguro nila dahil ang payat ko at mukhang laging inaalagaan ay hinid ko na kayang makipag physical-lan! Yon ang akala nila! Pero mukhang napalakas yong pagkakatulak ko sa kanya at mukhang hindi sanay mag suot ng high heels kasi nawalan siya ng balance, eh yong kinatatayuan pa naman nila is malapit sa chocolate fountain kaya ang ending napaupo siya doon sa chocolate fountain.

Gumawa ng malakas na ingay yong pagkabagsak niya sa fountain, nasira din yong set up ng table, isama mo pa yong pag sigaw ng mga kasama niya.

Agad naman akong kinabahan sa nangyari, tinulak ko lang naman siya para bigyan siya ng warning pero hindi ko naman inaasahan na ganito yong magiging ending.

Agad ko din'g napansin sa my peripheral vision ko ang pagkakuha ng atensyon ng mga tao sa function hall dahil sa nangyari, nakakarinig na ako ng malakas na bulung bulunggan. Yong iba nag tatanong kung ano yong nangyari, may iba din'g tatanong kung sino daw ako, yong iba naman mukhang namukhaan pa din ako kahit na blonde yong buhok ko ngayon kasi sinabi nilang,

"Yan ba yong anak ni Engineer Martinez?"

"Masama ng apala talaga ang ugali, akala ko chismis lang."

"Maganda pa naman sana pero aanuhin mo nga naman ang ganda kung masama naman ang ugali."

"Nandoon din si Chiffon baka nakikipag away na naman yan para kay Travis!"   

"Walang hiya ka!" Sigaw naman ng kaibigan ni Chiffon at saka siya tumayo sa pagkakaupo niya sa chocolate fountain, punong puno ng chocolates yong magkabilang kamay niya, yong buong lower part ng dress niya at akmang susugurin na ako, sunod sunod naman akong napaatras at akala ko mabubogbug na ako kaya napapikit nalang ako ng mariin at inantay yong susunod na mangyari pero parang two minutes na yong lumipas wala pa din akong nararamdaman na sakit sa katawan.

Ang paulit ulit ko lang na naririnig is yong malakas na singhap ng mga tao at yong iba naman is bulong bulungan. Dahan dahan ko namang binuksan yong mga mata ko, una kung nakita is kulay itim pag angat ko ng tingin ko, suit pala ng isang matangkad na lalake!

At likod palang niya kilalang kilala ko na agad kung sino siya.

"Travis." Napapaos kung sabi kasabay din ng pagtawag nung kaibigan ni Chiffon kay Travis sa kinakabahan boses nga lang.

Humarap naman sakin si Travis sakin at kahit na dark blue yong suot niyang suit halatang halata pa din yong pinahid na chocolate sa magkabilang harapan ng suit niya, kulang nalang mahulog na yong mga mata ko sa eye socket ko, sa gulat.

Everything is messed up!

"I'm sorry. I'm sorry." Paulit ulit na sabi ng kaibigan ni Chiffon habang umiiyak siya. Hindi naman siya pinansin ni Travis. Sakin lang nakafocus yong attention ni Travis.

"Travis –" But he cut me off.

"Are you okay?" Marahan niyang tanong sakin. 

Hindi ko alam pero bigla nalang nagtubig yong magkabilang gilid ng mga mata ko hanggang sa tuulyan na akong naiyak.

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now