Perfect 21: Horror House

Start from the beginning
                                    

Kahit duwag ako, ewan ko ba bakit ako ang pinaka unang humakbang papasok. Shiat! Naririnig ko palang 'yung creepy sound sa loob parang gusto ko na manghampas.

Medyo malayo kami ni Hunter sa isa't isa habang naglalakad.

"Wooooooh~"

"Anak ka naman ng tatay mo!" nagulat ako sa sigaw nito.

May biglang bumagsak kasi na laruan gagamba sa ulonan nito. Napahinto ako. Ngayon ko lang narealized na puro lovebirds pala 'yung mga kasabay namin.

Ashley, matapang ka. You can do this! Ashley, go on! H'wag mo na si'yang hintayin.

Dahan-dahan akong naglakad habang inaabangan kung ano ang lalabas sa tabi ko.

Napatalon nanaman ako ng marinig ko si Hunter sa tabi ko at napahawak sa balikat ko.

"Ay, putsang ama talaga!" may lumalapit samin ni lalaki nakamaskara at may hawak na pekeng ulo. Pinangharang ni Hunter 'yung katawan ko dito. "H'wag kang lalapit, babarilin kita! FBI ako! Ipapakulong pa kita!"

"Ano ba, Hunter!" reklamo ko at napapikit ng mariin habang 'yung dalwang kamay ko na nasa magkabilang gilid ng tenga ko.

"Sipain mo nga, babae!"

"Baliw ka ba!"

"Sipain mo sabi para tigilan tayo!"

"Ayoko!" tinanggal ko 'yung kamay niya sa balikat ko. Nakita ko kasi na naiwan na kaming dalawa dito. "Hunter, wala na tayong kasama!"

Nagpapanic na sabi ko at tumingin ulit sa lalaki na may hawak na ulo, lumayo na si'ya ulit samin.

"Mauna ka." Utos ni Hunter sa'kin.

"Bakit ako?!"

"Basta mauna ka. I got your back." Sabi pa nito.

"Nasisiraan ka na ba?! I'm scared of ghost!"

"Babae, kaya nga nasa likod mo ko. Paano na lang kung may lumabas mula sa likuran natin? E di, nakuha ka na nila."

Natahimik ako. May point kasi si'ya.

"Dyan ka lang ha! H'wag kang bibitaw!" sabi ko.

Humawak naman ng madiin si Hunter sa balikat ko. Naglalakad na kami, pareho talaga kaming kinakabahan tapos sobrang higpit pa ng hawak ni Hunter sa likod ko. Feeling ko nagtatago lang talaga si'ya sa'kin!

"Aaah!" napatili kami pareho ng may sumulpot na nakaitim na babae samin. Mukha si'yang si Sadako!

"F.u! Layuan mo ko!" sigaw ni Hunter sa likuran ko at pilit ako pinangsasalag sa nakaitim sa harap namin. Panay padin naman ang tulak nito sa likod ko.

Nasasaktan na ako. "Hunter! Masakita na, ha!" sabi ko at pilit si'yang pinapauna dahil natatakot na din ako!

Ayoko na dito ang creepy ng itsura nila. Mamaya mapaginipan ko pa sila pagtulog ko mamayang gabi. Paano na lang pag may nanghila ng paa ko sa dulo ng kama habang natutulog!

Nanlaki ang mata ko at nakipaghilahan kay Hunter. Humawak ako sa damit niya at pilit tinatakip sa mukha ko.

"Ayoko na, ayoko na.. Please. Ayoko na dito!" pagmamakaawa ko.

"Babae, 'yung damit ko napupunit mo na!"

"Ayoko na dito, Hunter!"

"Ang hirap mo naman kasing ligawan!"

"Ako ba nagsabi sa'yo na ligawan mo ako!"

"Kahit na, dapat walang ganito! Nakakasira sa pagkalalaki ko 'to!"

May kumalabog naman sa gilid namin dahilan para mapatakbo ako. Agad naman napahawak si Hunter sa balikat ko pinanghaharang nanaman ako. Pilit ko na si'ya tinutulak para si'ya mauna.

Grabe lang! Kung hindi lang kami nagkasama ng two years. Mapagkakamalan ko na bakla si Hunter!

"Ano ba! Palabasin niyo na kami dito. Mamamatay na ata ako sa takot. Magkakaheart attack na ko. Please naman, people over there! I don't wanna do this anymore!" itinakip ko na 'yung kamay ko sa mata ko.

"Babae, paano tayo makakalakad niyan. Kung nakatakip 'yung kamay mo sa mata mo?!"

"You lead the way, Hunter!" sigaw ko.

Maya-maya may naramdaman akong ibang kamay na humahawak sa kabilang braso ko.

"Pusang gala naman talaga, oh! Sabi ko h'wag kayong lalapit sa'kin baka mabaril ko kayo ng 'di oras!" hinawakan ni Hunter 'yung kamay ko. "Takbo!"

"Aaaah!!" panay ang tili ko habang tumatakbo kami.

Hindi ko na alam kung saan kami pupunta. Bakit ang haba naman kasi nitong horror house na 'to! Sobrang dilim pa! Tapos sobrang lakas pa 'yung mga nakakatakot na ungol.

Napahinto kami ni Hunter ng may makita kaming nakasulat sa isang pader. Napapalunok na lang ako.

Isang hakbang na lang at makakalabas na kayo. Pero kailangan niyo muna malagpasan ang huling magpapatindig sa balahibo niyo. Handa ka na ba?

"Hunter!" yakap ko dito. "Hunter! Anong nangyayari nasa horror house pa ba tayo o may zombie apocalypse na nangyayari! Baka totoo 'to! Nangunguha talaga sila ng babaing maganda! Tapos ihahain nila sa pinaka leader nila!"

"Babae, tumahimik ka na lang. Kinakabahan din ako. Takte. Nung last na pumasok ako sa ganito. Nahataw ko 'yung lalaking nananakot, kailangan pa nila isugod sa hospital."

"Ano ba naman!" sabi ko sa kanya. "Pag hindi ako nakalabas ng buhay dito. Magkalimutan na tayo!"

"Pagnakalabas tayo dito iiwan mo na si Garreth." Seryosong sabi nito.

Napatingin ako sa kanya. "Bakit, ready ka na ba iwanan si Josa?"

Sasagot palang si Hunter ng biglang may nag-alarm, tapos puro ilaw na red na ang nakatutok samin. Nagpapatay sindi ito.

Emergency..

Emergency..

In 3...

Napayakap ako kay Hunter. "Anong nangyayari! Nasa horror house pa ba tayo?!!"

2...

Napalinga linga si Hunter sa paligid namin tila kami nasa gitna ng isang gera, na kami 'yung pain na samin nakatingin ang lahat isang Segundo na lang may susugod na samin.

1...

"Waaaaaaah!!!" sigaw ni Hunter.

"Aaaaah!!" nanlaki ang mata ko.

May babaing nakaluhod na sumulpot samin. Mukha si'yang sinasaniban tapos 'yung itsura ng mukha niya 'yung parang sa exorcist. Nakakaloka naman to! Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko.

"Tangina!" napamura na si Hunter sa tabi ko.

Ako naman pilit hinihila 'yung damit niya . Maya-maya narinig ko na medyo napupunit na ito sa kakahawak ko.

Mabagal na lumalapit samin 'yung babae, may pagalaw-galaw pa nung ulo. Habang nakatingin samin na parang kakainin kami.

Mas lalo kong hinigpitan ang kapit kay Hunter nang biglang tuluyan mapunit 'yung suot niya sa hawak ko.

Napahinto 'yung multo sa harap namin.

"Ay, shet, pak ng ABS ni boylet!" narinig namin sabi nito.

She's a He!

Alam kong naaakit na si'ya sa ABS ni Hunter, alam kong katulad ko gusto niya na din hawakan iyon. Kaya lumalapit na si'ya ng tuluyan samin. Pero ang creepy kasi ng mukha niya. Nakakatakot padin.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Hunter nang biglang bumukas 'yung isang pinto papuntang exit.

Hinila ni Hunter 'yung kamay ko, pero naramdaman ko 'yung hawak nung bakla sa paanan ko. Napatalon tuloy ako kay Hunter at napapasan sa likod nito habang tumatakbo si'ya palabas ng Horror House na ito.

Pagkalabas namin nakaabang sila Andeng at Joseng. Ang lakas agad ng tawa nito ng makita 'yung mga itsura namin.

Yeah, I know. We look wasted! Hindi na ako papasok sa Horror House ever again. I swear!

Wanted: Mr. Perfect (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now