Different Faces of Fangirls

134 6 0
                                    


      Fangirl. Isang salita pero napakadaming kahulugan. Isang babae lang, pero napakadami niyang kayang gawin para sa fandom niya. Hindi madali ang pagiging fangirl. Magastos. Tsaka kelangan updated ka para di ka naman magmukhang loser. Minsan din, nakakapagselos kapag nalaman mong may nali-link dun sa idol mo tapos di mo gusto. Kaso wala kang magawa kasi nga diba, hindi ka naman niya kilala. Madalas nga, pag-iimagine na lang ang ginagawa mo diba? Sa imagination kasi, pwede mo silang makasama ng walang limit. Pwede mong gawin sa kanila kahit na anong gusto mo. Kasi alam mong sa real world, hindi mo yun magagawa. Celebrities are like stars, so close yet so far. Kasi ang dali lang na makita sila, sa tv/comp/magazine/posters but you know on yourself na ang hirap nilang abutin. Na kahit anong iyak ang gawin mo, hindi mo sila makakasama. Pero kahit gaano kahirap at kasakit, worth it naman lalo na kapag napanuod or nakinig mo ng kumanta yung idol mo. Kapag nakasama mo na yung mga kafandom mo. Kapag may nalaman kang bagong update tungkol sa kanila. Yung mga idol kasi natin yung nagpapasaya sa atin lalo na kung walang lovelife. Sila yung nagpapakilig, nagpapangiti at nagbibigay excitement sa buhay natin.Ang sarap lang sa feeling. Yung tipong kahit alam mong hindi ka nila/niya kilala, willing ka pa ring suportahan sila/siya kahit sa maliit na paraan. Willing ka pa ring ipagtanggol sila sa mga haters at higit sa lahat, hindi mo sila iiwan kahit ano man ang sabihin ng ibang tao sa kanila.

Dito, makikita mo ang iba't-ibang uri ng fangirl. Alin ka kaya sa kanila?

Different faces of FANGIRLSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon