"M-mommy." Felix cried on his mother's chest. His mother just combed his hair with a small smile on her lips.

"Shawn, what happened to your lips?" kunot noong tanong ni Alfred sa pangalawang anak na lalaki nang makitang may dugo ang gilid ng labi nito nang tumayo na ito sa pagkakaupo nito sa sahig.

"It's nothing, Dad. Don't mind it." Shawn just said and looked at Jazley who just looked away. Sumipol pa siya na ikinailing ni Shawn.

Hindi naman siya nagalit sa ginawa ni Jazley sa kaniya. Pabor pa nga siya do'n. Kasalanan niya rin naman kung bakit siya nasapak kaya tanggap niya.

"By the way, how's your sister? Okay na ba siya?" Their Mom asked after a while.

Hindi pa man nakakasagot ang isa sa kanila nang lumabas ng muli ang doctor at nilapitan sila.

"She's fine now. Pero hindi pa tayo makakasiguro kung kailan siya tuluyang magigising. She's lucky dahil muli siyang nabuhay matapos nang malalang nangyare sa kaniya. In her case, pwede talaga siyang bawian ng buhay, but hindi pa siguro niya oras. She's strong, lumalaban siya." The doctor said.

"But she's on comatose. And kung magising na siya, maaari siyang magka-amnesia. Malala ang naging tama niya sa ulo kaya posible talagang magkaroon siya ng amnesia. Asahan niyo na 'yon and mag-usap na lang po tayo ulit bukas para sa iba pang test na isinagawa at isasagawa pa lang namin sa kaniya. Thank you." dugtong muli ng doctor.

Si Jazley na ang kumausap dito dahil hindi naman ito makausap ng maayos ng pamilya niya. Nagpasalamat siya sa doctor bago ito tuluyang umalis.

Tinanong din ni Jazley kung pwede ba nilang mabisita ang kapatid at pwede naman daw sabi ng doctor pero paisa-isa lang daw dapat. Hindi pwede ang maramihan.

Sinabi pa ng doctor na malala talaga ang naging tama ng pagkakahulog nito mula sa bangin. May bali rin ang iba't ibang parte ng katawan nito. Talagang malala na hindi na nila kaya pang marinig.

"M-my daughter... My poor princess. She don't deserve this, love. Ang baby natin." umiiyak na sabi ni Dianna maya-maya. Niyakap lang naman siya ng asawa.

Nagpipigil rin na h'wag umiyak dahil kailangan niyang maging matatag para sa asawa't mga anak niya.

Galit na sinuntok ni Shawn ang pader na ikinasinghap nila Vaxton. Nakita pa nilang tumulo ang luha nito. Vaxton walked towards his brother and tinapik-tapik ang likod nito.

"K-kuya." Vaxton said and bit his lower lip when his voice broke when he spoke.

Durog na durog ang pamilyang Fernandez sa mga oras na 'yon. Hindi sila makausap ng maayos. Hindi matanggap ang nangyare sa kapatid.

Masaya silang buhay ito pero masakit pa rin sa kanila ang nangyare dito at ang pag-asang pwede itong magka-amnesia. Kapag nangyare nga 'yon ay hindi nila alam ang gagawin.

* * *

"Hello, princess? How are you?" Shawn asked with a smile on his lips. Pinupunasan niya ang mukha ng kapatid na mahimbing ang tulog.

Aakalain mong natutulog lang siya. Anim na buwan na rin ang lumipas simula ng nangyare ang nangyare dito. Anim na buwan na rin itong nakahiga lang sa kama.

Hindi naman sila nawawalan ng pag-asa na muli itong magigising. Okay na sa kanilang magkaroon ito ng amnesia basta ba ay buhay h'wag lang patay.

Sa anim na buwan na comatose ito ay lagi nila itong nililinisan. Lagi nilang pinupunasan ang mukha at katawan nito. Inaalagaan nila ang kapatid nila kahit na comatose ito.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now