CHAPTER 01

58 53 0
                                    

Agad niyang hinawakan ang kamay ko. Naiilang man ay pinabayaan ko na lamang, ang mahalaga ngayon ay matutulungan niya ako. Habang naglalakad ay naalala ko ang nangyare sa'kin.

Naalala kong pinapunta ako ng Ninong Vincent ko sa hide out dahil may sasabihin siya sa'kin. Mula pagkabata ay siya ang tinuring kong ama, kapatid, kaibigan at kakampi ngunit gano'n din pala ang gagawin niya sa'kin.

Ibinaba ko ang tasa ng tyaa ng magsimula itong magsalita.

"Ash. Ang sabi ng pinakatataas ay kailangan mo ng manahimik." Seryoso nitong aniya na ikinakunot ng noo ko.

Isa lang ang ibig niyang sabihin. Kailangan kong mawala, pero bakit?

"May pumaltos ba?" Takang tanong ko.

Hindi ako natatakot na mamatay ngunit natatakot akong malaman na may nagawa akong kamalian sa misyon na binigay nila sa'kin kahapon.

"Wala. Ngunit dahil marami ka nang nalalaman ay gusto ka nilang mawala. Hindi ko man gusto iyon ngunit sumusunod lamang ako sa pinag-uutos." Nangunot ang noo ko dahil do'n at wala sa oras na napatayo.

Maraming nalalaman ha?!

"Hindi pwedeng iyong maging rason Ninong! You will kill me 'cause of their nonsense reason! Hindi ko matatanggap iyon." Saka siya tinalikuran.

"Pasensiya na."

Paglapit sa pintuan ng lumang silid ay hindi ko na naigalaw ang aking mga paa. Napasalampak ako sa sahig kasunod ng pagkaparalisa ng buong katawan ko na ikinahiga ko na sa sahig.

"Ang gawa kong tyaang ininom mo ay may lason. Unti unti ka nitong papatayin, hindi ka makakaramdam ng kahit na ano. Patawad ngunit katulad mo ay sumusunod lamang ako." Tanging narinig ko mula sa kaniya bago ako nimalaamon ng dilim.

"Nandirito na tayo Zero," Nakangiting turan niya.

Doon ko lang napagtantong dahil sa lalim ng iniisip ko ay nakarating kami ng wala sa oras.

"Napakalalim naman ng iniisip mo at ni hindi mo namalayan. Mabuti na lamang at nakaahon ka pa" Natatawang biro nito.

Naalala ko tuloy ang Mama ko, i use to laugh before nang hindi pa namatay ang Mama ko dahil sa kagagawang ng Tatay ko.

Inilibot ko ang paningin sa paligid at sikretong namangha.

Ang ganda!

"Itago mo man sa'kin ang iyong pagkamangha Zero ay makikita ko pa rin ito sa iyong mga mata. Tara na? Halika na sa bahay at nang makakain ka, alam kong gutom na gutom kana, hindi maitatago sa dungis ng iyong suot." Aniya saka muling naglakad.

Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod sa kaniya.

Hindi ako nagkamali na puriin siyang mabait sa unang tingin pa lamang dahil ngayon ay nakikita ko na ito gamit ang sariling mga mata.

Reincarnated as a Nobody in Another WorldWhere stories live. Discover now