Ganitong-ganito sila noon tuwing nag-aaway sila. They would scream at each other, she won't talk to him, he would say sorry and they would cuddle. Ang pinagkaiba nga lang ay nagkapalit na sila ni Yohan. Ito na ang hindi mamamansin at siya na ang nagsasabi ng sorry. 

Somehow, she suspects that Yohan wanted her to feel what he felt before. To be in his shoes so she would learn how hard it is for him. Kung tama ang hinala niya ay willing siyang maramdaman ang lahat ng pinaramdam niya kay Yohan noon. She wanted him to see that she was indeed ready to be mature for their relationship. 

She slept peacefully that night, tucked safely in the arms of the man that she truly loves.





Hindi alam ni Apple Pie kung anong dahilan ng pagkagising niya. Basta na lamang niyang naramdaman ang nakakakiliting bagay sa kaniyang may leegan. She tried removing it by pushing it away but it was so damn heavy that she just gave up eventually. Napili na lamang niyang itagilid ang sarili upang kahit papaano ay matanggal ang bigat ng bagay na iyon sa kaniya. Makakatulog na sana siya ulit nang maramdaman na naman niya ang bagay na iyon na kumikiliti sa kaniya. Wala na tuloy siyang nagawa kundi imulat ang mga mata at tignan iyon.

Noong una ay akala niya na nananaginip lamang siya. She then rubbed her tired eyes and looked clearly, and realized that it was Yohan kissing her neck. Agad namang nagsipagbalikan sa kaniya ang alaala ng nangyari kagabi.

He was giving her a chance.

"Yohan . . ." she called him in her early-morning, hoarse voice.

Unti-unting tumingin sa kaniya si Yohan at ngumiti bago nag-ika, "Sorry to wake you up so early, pero kailangan ko ng umalis. Mawawala ako ng isang linggo kaya naman gusto kong umayos ka dito. Wala akong problema kung lalabas kayo ni Xav basta ay dito ka uuwi. Do you understand me?" Her mind was still a big, giant, messy puddle but she still nodded her head like an obedient child. Upon seeing her response, he smiled again (a strange occurrence, I know) and said, "Good. Gusto ko pag-uwi ko dito ay ikaw ang agad kong nakikita."

He quickly gave her lips a kiss before getting out of the bed and walking towards his wardrobe. Siya naman ay naiwang tulala doon habang iniisip kung gaano kalayo ng narating ng pagsasamahan nila ng lalake dahil lamang sa isang gabing pagsisigawan. 

After that, she remained in bed even when Yohan kissed her goodbye. Nakatulala lamang siya sa kisame habang iniisip ang lahat ng nangyari. Mukhang ilang oras rin siyang ganuon dahil kung kanina noong ginising siya ni Yohan ay madilim pa, ngayon naman ay unti-unti na niyang nasisilayan ang sinag ng araw na sumisilip sa likuran ng kurtina. Wala pa sana siyang planong bumangon dahil sa tuwa at kilig na nararamdaman, ngunit may bigla siyang narinig. 

Noong una ay akala niya na guni-guni lamang niya iyon ngunit pagkaraan ng ilang minuto ay natiyak niyang may naririnig siyang mahinang tunog. Nilibot niya ang mga mata sa loob ng kwarto ni Yohan para hanapin iyon ngunit wala naman siyang makita.

Litong-lito siya kung saan ba iyon nanggagaling hanggang sa mapagawi ang kaniyang mga mata sa may bintana. Halos mapatalon na siya sa kama nang bigla niyang nakita ang isang pebble na tumama sa may bintana. She squinted her eyes at the window and was suprised when another one hits it.

May tao ba sa labas?

Naguguluhan siyang tumayo sa kama at lumapit sa bintana. Laking gulat na lamang niya nang pagdungaw niya ay ang mala-Golden Retriever na mukha ni Heneral de Castro ang nakita niya. He was beaming widely while holding a basket. Bahagya pa nga nitong tinaas iyon upang ipakita sa kaniya.

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now