KABANATA 5

54 5 4
                                    


Hulyo 11, 1899

Tulala ako habang nakaupo sa harap ng salamin habang sinusuklay ang aking mahaba at maitim na buhok. Sinusuklay at tinali ko ito ng pataas at nilagyan ng kaunting pamada upang hindi bumuhaghag at gumulo ang aking buhok. Kanina pa nag hihintay sina Ama roon sa baba pagkat ipinatawag na niya raw si Koronel Del Pilar.

"Naku talaga! Paano ko ngayon ipapaliwanag ito kay Julian?" Sabi ko sa sarili ko at kinakausap ang sarili sa salamin.

Hay nako talaga Dolores!
Parang gusto ko na lamang magpalamon sa lupa upang hindi ko na siya harapin pa. Nakakahiya na pati rito'y naisangkot ko pa siya sa kabila ng pag susuplada ko.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng aking silid at iniluwa non si Rocio at Ate Remedios na kilig na kilig na pumasok sa loob ng aking silid.

"Dolores, hinihintay ka na ni Ama roon. Paparating na daw ang iyong prinsipe" lumapit sa akin sina Ate Remedios at Rocio.

Wala silang nakuhang tugon sa akin. Lutang ang aking isip at nakatulala lamang ako sa salamin.

"Ikaw ba'y may suliranin, Ate? Tanghaling tapat ay kumukunot ang noo mo" takang tanong ni Rocio. "Aking napupuna na tila hindi ka mapalagay, atsaka bakit patungo rito si Koronel Julian at nais kausapin ni Ama?"

"Oo nga Dolores, atsaka tila napaka seryoso ng kanilang pag u-usapan" segunda ni Ate Remedios.

Hindi ako sumagot kaagad, hindi ko ba alam kung sasabihin ko sa kanila. Baka kasi tuksuhin lang nila ako lalo kay Julian.

"Ate Dolores?" pagtawag muli sa akin ni Rocio dahil hindi ko pa tinutugon ang tanong nila ni Ate.

"Nais kausapin ni Ama si Julian ngayon upang mapag usapan ang tungkol sa amin" sagot ko.

Kumunot naman ang noo ng dalawa at nag katinginan pa " tungkol sa inyo ni Koronel Julian?"

"Noong nag usap kami ni Ama sa kanyang opisina kahapon, aksidente at wala sa sarili kong nabanggit kay Ama na may namamagitan sa amin ng Koronel" sagot kong muli.

"ANO?!" gitlang sigaw ng dalawa.

"Teka Teka! Ano ba kasi ang napag usapan nyo ni Ama kahapon?" pag uusisa ni Ate.

"Batid na ni Ama ang tungkol sa pagbabalik ni Timoteo rito sa Dagupan kung kaya't nais niya na ituloy nang muli ang naudlot na kasunduan ng pamilya natin at ng familia Carnasion"

"Hindi ko na nabawi pa yung nasabi ko kay Ama kaya ito ang nangyari"

"Anong plano mo ngayon?"

"Hindi pa ba nakakarating si Julian?" tanong ko rito.

"Wala pa Ate Remedios, bakit? Ano na ang iyong gagawin ngayon?" tanong ni Rocio. Ano na nga ba ang aking gagawin?

Dali Dali kong kinuha sa aparador ang pantalukbong. Kailangan kong puntahan si Julian, Hindi naman gaano kalayuan ang kanilang tinutuluyan kung kaya't natitiyak ko na maaabutan ko pa sya.

"Sandali Dolores, Saan ka tutungo?" habol ni Ate Remedios habang ako'y nag mamadaling tinungo ang hagdanan ngunit napatigil ako nang makita si Ama na nakaupo sa may Sofa na malapit lapit sa pasukan at labasan ng mansyon.

"Paano na ito?" tanong ko habang napapasapo na lang sa may noo dahil sa kaba.
Bumalik ako sa aking silid kasama sina Ate para mag isip ng ibang paraan.

"Mukhang hindi ka na makatatakas pa Ate Dolores"

"Hindi, may paraan pa" sambit ko atsaka tumingin sa bintana ng aking silid.

"Huwag mong sabihin na doon ka dadaan?" sabay turo ni Ate sa Bintana.

"Oo, Ate. Kayo na lamang ang bahalang mag dahilan kina Ama, saglit lamang ako"

Te amo, Mi CoronelWo Geschichten leben. Entdecke jetzt