Chapter 2

35 13 0
                                    

“Napapansin mo, ang sama ng tingin sa'yo ni Dynver enemy mo.”

Dahan-dahan akong napalingon sa mesang kinauukupahan ni Dyn at ng kan'yang mga kaibigan. Kasalukuyan kaming nandito sa cafeteria kasama ang dalawa kong kaibigan na sina Ema at Kriz. Talagang ang sama nga ng tingin sa akin ni Dyn, 'yong tingin na nakamamatay ika nga. Tinaasan ko lang ito ng kilay at saka muling ibinalik ang aking tingin kay Kris at Ema.

“H'wag n'yong pansinin ang mokong na'yon!” nakanguso kong saad.

“Hindi ka ba napapagod, all your life kabalian mo na ng sungay ang Dynver Ocampo na'yan?” natatawang tanong ni Ema sa akin. Nagbuga ako ng hangin at pasimpleng lumingon sa kinaroroonan ni Dynver.

“Napapagod naman, pero ano ang magagawa ko? Kahit anong iwas ko sa kan'ya, nandiyan s'ya. Idagdag pa ang dahilan na magkapit-bahay kami since then and now.”

“Pero 'di ba enemy rin ang both modras n'yo?” Ani Kriz.

“Yes,” tipid kong tugon.

“What do you think are the reasons ng palagi nilang pag-aaway?” Si Kriz.

Umiling-iling ako at uminom ng juice.

“Hindi ko alam. Siguro, mainit lang talaga ang dugo n'yon sa Mama ko kasi nga, palagi kaming nagpapang-abot ng Dyn na 'yan,”

“Baka nga,” magkapanabay pang saad ni Kriz at Ema.

Paglabas namin ng Cafeteria, dinaanan namin ang kinaroroonan ni Dyn at mga kaibigan n'ya, pero hindi na ako nagtapon ng tingin sa lalaki na'yon.

“Buti, hindi ka nai-inlove d'yan kay Dynver Ocampo?”

Napahinto ako sa paghakbang at inis na tinapunan ng tingin si Ema na ngayon ay may naglalarong pilyang mga ngiti.

“Ako mai-inlove sa hudas na'yon? No never! It will never happen. Mark my words, Ema!” gigil kong saad.

“Why not naman 'di ba? Aside from being intelligent and smart, he is so handsome and oozing with sex appeal,” gatong naman ni Kriz na mas lalo ko namang ikinainis. Kahit pa bayaran ako ng isang milyon, hindi ako maiinlab sa kaaway ko.

“Wala s'yang katangian na maaaring makapagpa-in love sa akin!” matigas kong saad.

“Seryoso?” natatawang tanong ni Kriz.

“Hindi mo ba alam na habulin s'ya ng mga babae sa university na'to? Ang daming nababaliw sa kan'ya! Ang daming babaeng gustong mapansin n'ya, tapos ikaw hindi?” hindi makapaniwalang saad naman ni Ema.

Dahil sa inis, nagpatiuna na akong humakbang. Bakit naman nila naisipan ang bagay na'yon? Hindi lingid sa kaalaman nila ang palagi naming pag-aaway.

“Hoy joke lang!” Si Kriz.

“Hayaan mo na, Kriz. Isa lang ang ibig-sabihin n'yan, affected s'ya sa sinabi natin,” natatawang pang-iinis ni Ema. Inis akong huminto sa paghakbang at pumihit paharap sa dalawang bruha kong kaibigan.

“FYI, hindi ako affected!”

“Eh ba't ka nang-iiwan?” pang-uuyam ni Ema.

“Nasusuka lang kasi ako sa mga pinagsasasabi n'yo!” inis kong kat'wiran.a

Halos magkasing-laki ng buwan ang mga mata ni Ema at Kriz dahil sa laki ng mga 'yon.

“What the...” bulalas nito ”How could you say those words?” hindi makapaniwalang tanong ni Ema.

“Samantalang kami ni Ema, nagkakagusto rin kami kay Dynver pogi!”

“Ah kayo naman pala ang isyu dito, kung gusto n'yo ang damuho na'yon, wala akong pakialam! Hindi ko ka'yo pipigilan basta, huwag n'yo lang din akong pakikialaman kung hate ko ang Dynver na'yon!” nakapamaywang kong saad at saka mabilis na tinalikuran ang dalawa.

A Kiss From My EnemyWhere stories live. Discover now