Chapter 5

5 0 0
                                        




“Trending sa twitter si Jae” Chantal said, kanina pa siya naka harap sa phone niya yun lang naman pala tinitignan niya.




“Nakita ko nga, may laban daw siya sa end of the month” sagot naman ni Steph



Kakatapos lang ng exam namin kaya nandito kami sa KFC naglulunch, I want lutong bahay sana kaso pagod din ako dahil sa exam kaya dito nalang kami kumain.



Kanina pa tawag ng tawag si mama about sa results sa exam pero hindi ko sinasagot dahil wala pa namang results bukas pa siguro yun malalaman. I already texted her that I’m busy studying, syempre I lied hindi nila alam na lumalabas ako ng condo para mag party at gumala kasi akala nila naka kulong lang ako doon.



I am completely a different person when I’m with them, para akong hayop na naghihintay ng utos mula sa mga amo ko. When I’m with ny friends I can express what I truly feel at kung sino ako.



“Nood tayo” Rinig kong sabi ni Chantal



“I can’t. Family dinner” putol-putol na sabi ni Steph tumango naman si Chantal habang nakasimangot “Oo nga pala, may lakad din kamj ng family ko kainis” Sabi niya at tinignan ako.



“Manonood ka?” tanong niya sakin, tinaasan ko naman siya ng kilay “For what?” I said but of course I will dahil naka promise na ako kay Jae na pupunta ako.



“Wala lang. entertainment?” Tanong niya pa kaya umiling ako at nagpatuloy sa pagkain. Jae said susunduin niya ako sa araw na yon para sabay kaming pupunta but I declined his offer kasi alam kong dapat mauna siya don.



“Maraming gustong mag interview kay Jae na mga tv shows” Sabi pa ni Chantal habang may binabasa sa phone niya. Syempre marami kasi sikat sa social media ang topic na yon ngayon


“Hindi pa naman siya nanalo” Sagot ko naman dahil totoo naman hindi pa siya nananalo hindi pa nga nagsisimula yung laban eh kaya bakit pinag aagawan siya para sa interview.


“Ilang beses nadin naman siyang nanalo” Sagot ni Chantal “Siguro dahil alam nilang mananalo parin si Jae, ang galing niya kaya” Dugtong niya pa.



“Nakapanood ka na ng laban niya?” Tanong Steph tumango naman si Chantal napatingin ako sakanya dahil ngayon ko lang alam to at alam kong si Steph din ay gulat dahil sa nalaman.



“Yup, mahilig si daddy sa boxing kaya one time dinala niya ako sa ilang laban” She said then sipped to her drink “Doon ko unang nakita si Jae, nakakatakot siya basta nasa ring. Ibang iba sa Jae na nakikita natin na nakikipagparty” Sabi naman niya na parang hanggang ngayon takot parin.


Now I’m interested because if Chantal is afraid of ‘that' Jae then maybe I am too?



“Naka pants ka Amara” Seryosong sabi ni Steph napatingin naman ako sa sout ko at ngumiti “Why?” I asked still smiling


“Makita ka ng mommy mo” Seryosong sabi niya pa kaya agad naman na napatingin sakin si Chantal nanlalaki ang mata “Amara! Ba’t ka ba kasi naka pants?” sabi niya at aligagang tumingin sa paligid niya napailing nalang ako.


“I want this” Mahinang sagot ko habang nakatingin pa sa pants ko, I can’t wear pants because ayaw ni mommy she want me to always wear dress or anything but pants “Ngayon lang naman” Dagdag ko pa kaya napangiti sila.



“Kung san ka masaya, pero alam mong ayaw ka naming nasasaktan” Ani Steph kaya tumingin ako sakanya at ngumiti


“Baka pag sinampal ka na naman ng mommy mo sa harapan namin ay sampalin ko rin siya” inis na sabi ni Chantal kaya tumawa ako at umiling “Wag naman mommy ko parin yon” sabi ko at malakas na tumawa, tawang hindi ko nagagawa pag kasama ko ang pamilya ko.

Soft touch Where stories live. Discover now