Natatakot silang mahuli sila sa pagligtas dito. Hindi nila kakayanin kung mawawala ito sa kanila. Kung may mawawala na namang mahal nila sa buhay.

Hindi pa nga nila ito nakakasama nang matagal at nakakabawi dito ay ganito na ang nangyayare. Kinakabahan na talaga sila sa pwedeng mangyare at gusto ng patayin ang taong may gawa nito sa kanila, sa kapatid nila.

Gusto na rin nilang bigyang hustisya ang pagkamatay ng kuya Jazz nila. Gusto nilang matapos na ang lahat ng kaguluhang ito.

"Before we start, kumusta na ang pinsan niyo?" Alfred asked his sons.

"She's fine now, Dad. Hindi naman napuruhan ang ulo niya, nagkaroon lang ng sugat and nilagyan ng benda." Shawn answered and Alfred just nodded. Nakahinga nang maluwag.

Si Felix naman ay kanina pa tahimik. Hindi nagsasalita. Nag-aalala siya sa kapatid niya kaya hindi siya makapag focus.

Nang akmang magsasalita na si Alfred nang may narinig silang tumunog na cellphone. Nag vibrate, senyales na may nagmessage or nag notif.

Nalaman nilang cellphone 'yon ni Alfred kaya kinuha niya 'yon para tingnan at gano'n na lang ang pagkunot ng noo nila nang marinig nilang magmura ito nang malutong.

"What is it, Dad?" Vaxton asked.

"Someone send me a picture and video of your sister na puro sugat at pasa, nanghihina. Sinendan nila ako ng video na pinapahirapan nila si Dhianne." habang sinasabi 'yon ni Alfred ay halos madurog niya sa galit ang cellphone na hawak dahil sa nakikita.

Hindi na sila tinawagan ng lalaki tulad ng sabi nito kay Dhianne. Nagtext na lang ang lalaki sa kanila para mas maging mysterious siya sa mga ito.

Galit na galit din naman ang apat. Hindi na makapaghintay na makita ang taong 'yon para mapatay na nila. Sisiguraduhin nilang magsisisi itong pinanganak pa ito sa mundong 'to.

Sa kuryusidad ay hiningi nila ang cellphone ng Dad nila at tiningnan ang picture at pinanood ang video. Hindi nila kinaya ang nakita at pinanood.

Parang dinudurog ang mga puso nila dahil sa nakikita at pinapanood. Hindi na nila pinakita ang picture at pinanood ang video sa Mommy nila dahil sigurado silang hindi nito kakayanin at baka mahimatay pa.

Napakuyom na lang ng kamao ang apat. Hindi na rin nila napigilang mapaluha. Hindi nila matanggap ang nangyayare ngayon sa kapatid nila. Nasasaktan sila.

"Let me see, please?" umiiyak na namang sabi ng Mommy nila pero umiling lang sila.

"No, Mom." Shawn said and shook his head.

His mother just cried loudly again. Mas lalong nadudurog ang puso nila dahil sa nakikita nilang umiiyak ang Mommy nila.

Hindi na sila makapag focus sa ginagawa nila dahil sa nangyare. Hindi na sila makapag-isip nang maayos. Kinakain na sila ng kaba, takot at taranta.

"We need to locate them, locate their location, Shawn. Use that text." Alfred said seriously and Shawn just nodded.

Pagkatapos no'n ay nagsimula na silang magplano at nag-usap-usap na sila sa kanilang mga dapat gawin. Pinipilit na nilang mag focus.

After an hour of planning, ay natapos na rin sila. Alam na rin nila kung nasaan ang mga ito ngayon. Malayo ito pero pupuntahan nila dahil 'yun ang kailangan. Wala na silang pakealam kung wala man silang magiging tulog ngayon. Ang mahalaga sa kanila ngayon ay mahanap, makita at mailigtas na nila ang kapatid nila sa kapahamakan.

"Wait for us, princess. We are on our way to save you from that demon." Shawn whispered with no emotion on his face.

Their Long Lost Sister Where stories live. Discover now