Hanz's POV
Nandito kami ngayon sa court. Nagpapahinga. We decided to stay here. Di na kami magbabar. Pupunta nalang kami sa bahay nila Red at dun maginom. Its saturday tomorrow.
Incoming Call.... Fox
H: Hello? Hanz Speaking.
F: He-hello? *sobs*
H: Tricia?! Bat ka umiiyak?! May nangyari ba?!
Tanong ko sa kanya. Natahimik yung mga kasama ko ng marinig nila. Niloud speaker ko na yung phone ko. Kanina pa ko kinakabahan kaya wala akong shooting.
F: S-si Geo-george. *sobs*
"Tricia! A-anong b-balita?! *sobs* Anong nang-nangyari kay G?!" Boses ni Sandy. Umiiyak silang dalawa.
H: Hello?! Tricia?! Ba't kayo umiiyak ni Sandy?! Asan kayo?! Ano nangyari kay George?!
F: Na-nandito ka-kami s-a St. L-luke's *sobs* Ho-hospit-al. Na-nasagasaan yu-yung *sobs* di-dinadrive ni-yang k-kotse *sobs*
Hospital? Aksidente? Si George? Di ko na alam nangyari kasi sila Andrew na yung kausap nila Tricia.
"Pare! Tara na! Pupunta na tayong ospital!" Sigaw ni Dean sa akin. Lahat kami gulat na gulat sa nangyayari. Bakit ba nangyayari 'to?
Nandito na kami ngayon sa St. Luke's. Nakwento na din nila yung nangyari kay George. Iyak pa din ng iyak yung mga babae. Kami namang mga lalaki, tahimik lang. Naghihintay pa din ng update. We called her parents. Papunta na daw sila. Si Tito nasa bahay daw nila pero papunta na. Si Tita naman galing pa daw ng Batangas pero nung tumawag kami nasa Manila na daw siya at papunta na din.
Lord God, alam naming lahat loko loko kaming magbabarkada pero iligtas mo po si George. Bigyan mo siya ng lakas para mabuhay pa. Nagmamakaawa po ako. Iligtas mo po si George. Mahal ko po siya. Mahal na mahal.
Oo. Mahal ko siya. Pero di ko muna siya liligawan. Kailangan muna hinay hinay lang. Ngayon ko lang napagtanto na mahal ko siya. Kung di pa siya naakaidente, di ko aaminin sa sarili ko na mahal na mahal ko siya.
"Asan si Ina?" Sabi ni tita sa amin. Tita is crying. Si Tito naman di pa din makapaniwala.
Napatayo kaming lahat. Lumabas yung doctor galing Operation Room. "Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" The doctor asked. "Kami po. I'm her Mother and this is my Husband." Sabi ni tita. "Misis, didiretsohin ko na po kayo. Comatose po yung anak niyo. Matindi po ang nangyari sa anak niyo. Ang dapat nalang po nating gawin ay ang magdasal at hintayin na magising. Excuse me po." Sabi ng Doctor. Napaupo si tita. Kami naman napaupo din at napahilamos ng mukha. Yung dalawang babae iyak lang ng iyak. "Kasalanan 'to nung Ethan na yun eh! Kung hindi siya nagpakita kay George, hindi iiyak si George!" Biglang sabi ni Tricia habang galit na galit at iyak ng iyak. Si Sandy ganun din.
"Tita, Tito, bibili po kami ng makakain habang hinihintay po nating malipat sa private room si George. Ano pong gusto niyong ipabili?" Tanong ni Andrew. "Anything. Kayo na bahala mga Anak. Thank you for everything ha?" Sabi ni Tita. "You're welcome po Tita. Basta po sa Kapatid namin." Sagot ni Aries. "Sige po. Alis po muna kami." Paalam namin.
Andrew's POV
Nandito kami ngayon sa ospital. Nailipat na din si George sa isang private room. Awang-awa kaming lahat ngayon sa kanya. She's a jolly person. Mabait. Maintindihin. Maalaga. Matalino. Matapang. Kaya alam naming makakaya niya 'to at magigising siya. Nandito lang kami para sa kanya. Kapatid kaming lahat. Pero alam naman nating lahat na hindi maiiwasan mahulog sa kapwa kapatid di ba? Naaawa din kami sa parents niya. Naaawa din kami kay Hanz. Tulala lang siya. Di umaalis sa tabi ni George. Gusto niya daw paggising ni George siya agad makikita syempre kami din ganun. Hay. Lord, tulungan mo kami. Tulungan mo po yung kapatid namin. Salamat po.
Follow me on Instagram and Twitter:
@_anthoncanton
Thankyou!
YOU ARE READING
From The Beginning Until The End
RandomWalang bibitaw kahit anong mangyari. Walang iwanan kahit anong mangyari. Barkada tayo. Magkakapatid tayo kahit hindi sa dugo.
