D-did she just kissed me?

"Sleep tight, London. jmjlfzpv" Mayroon itong sinabi sa huli pero hindi ko naintindihan dahil sa sobrang hina.

Bumuntong hininga ito at tumayo na. Ipinagpatuloy nito ang pag-aayos niya ng mga gamit nila at maya-maya lang ay narinig kong bumukas at sumarado ang pinto. Baka bababa.

Muli kong naramdaman ang antok ko kaya pinagpatuloy ko na ito upang makapag enjoy mamaya. Hindi ko mag-eenjoy kung kulang ako sa tulog at masakit ang ulo ko.

Tangina, matutulog nanaman akong nakangiti.

--

"Mackenzie wake up."

"Come on. It's already 1pm, you need to eat your lunch."

I woke up when I felt Miss Harper tapping my shoulder and dahil malapit lang ito hinila ko siya pahiga at kinulong sa mga braso ko.

"M-Mackenzie, what are you doing. Let me go." Hiyaw nito at akmang aalis na ng higpitan ko ang pagkakayakap ko dito at nagsumiksik sa leeg niya. Ang bango niya.

"5 minutes." paos kong sabi.

"W-what? Are you i-insane? Let go!" Naramdaman ko pang kinurot ako nito pero tiniis ko ito.

"5 minutes lang, baby. Promise" muling saad ko at lalo pa siyang niyakap.

Bumuntong hininga ito at hindi na muling gumalaw pa kaya napangiti ako. Gusto din naman, pabebe pa.

Ang bango ng leeg niya. Hehe. "Stop sniffing my neck, you dimwit!" Bulyaw nito sa akin but I just giggled.

"Ang bango po mo kasi." I said at lalo pa akong nagsumiksik sa leeg niya.

"I said stop sniffing! It tickles me, Mackenzie!" Sigaw nito at tinulak pa ang noo ko kaya lalo akong natawa. Ang cute niya kasi.

Nang matapos na ang 5 minutes na hiningi ko ay dahan dahan ko na siyang pinakawalan pero sumampa ako sa taas nito na ikinalaki ng mata niya. Pero hindi ko siya dinaganan ha? Naka tukod ang dalawa kong kamay pang suporta sa katawan ko, ganon din ang mga paa ko sa sahig.

"W-what are you doing?" Hindi ko mapigilang mapangisi ng mautal ito.

"Nervous, baby?" Mahinang tanong ko.

"W-what? O-of course not!" Mataray na sagot nito at tinulak pa ako pero mahina lang naman.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya ng dahan dahan. Kasabay ng paglapit ko ang paglaki pa lalo ng kanyang mga mata. Kita din sa mukha niya na kinakabahan siya.

Hinawakan ko ang pisngi nito na nagpagitla sa kanya. "You're so gorgeous, baby." Parang bulong na na sabi ko.

I mentally smiled when I saw her blushed. Damn!

"I like you, baby. I like you. I like you." I said habang lalo pang binababa ang mukha ko sa mukha niya. I can't tell her yet that I love her.

Ibinuka nito ang bibig niya pero sinarado rin muli. Gusto niyang magsalita pero walang lumalabas. She's nervous too like me.

Duh! Of course I'm nervous!!! Who wouldn't? Ngayon pa nga lang, nagdadasal na ako na sana hindi muna sumapi sa kanya yung pagiging dragon niya.

I smiled at her at lalo pang inilapit ang mukha ko sa kanya. She closed her eyes. Damn. I want to kiss her kissable lips.... but no.... I won't do it. I can't do it.

So, I just kissed her forehead.

After kissing her, nilayo ko na ang mukha ko sa kanya pero nakapikit pa rin ito causing me to smile. Damn. Why is she so gorgeous?

Her Saviorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن