This restaurant is breathtaking. Sa lahat ng restaurant na nakainan namin ni Kurt, this restaurant is a bit modern-themed. May mga sumasayaw pa ng slow dance 'di kalayuan sa table namin ni Kurt. Pagkaupong pagkaupo namin ay nagserve na agad ng pagkain. By plates sila nagserve kaya hindi kami natagalan ni Kurt sa pagkain.


Akala ko uuwi na kami nang huminto ang kotse 'di kalayuan sa London Eye. Holding hands kaming lumakad papunta ni Kurt doon at dahil madilim na, puro couples na lang ang naririto. Sa tatlong taon kong pagtatangal dito ay ngayon lang ako makakasakay dito. Pumupunta lang naman kasi kami dito nila eomma pero di kami nasakay.


Sumakay kami ni Kurt sa isa sa mga carriage at pinanood ko kung paano magsara ang pinto. It's spacious actually. Maluwag para sa dalawang tao. Busy ako sa pagtingin ng view nang nasa itaas na kami habang dahan-dahang umiikot ang ferris wheel nang tawagin ako ni Kurt kasabay ng paghinto ng pag-ikot.


"Irina," Tawag ni Kurt kaya tumingin ako sa kanya na may ngiti.


Ngumiti sakin pabalik si Kurt kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Lumayo naman siya saglit at para akong natanga nang biglang lumuhod si Kurt sa harap ko. Isang tuhod niya lang ang nakaluhod. I'm panicking at the same time nervous. Ito na ba yun?


"I guess I'm taking an arrow to the knee, Irina." Aniya kaya natawa ako.


Ngumuso si Kurt at tinignan ako. "Huwag mo kong tawanan. Kinakabahan ako dito." Dagdag ni Kurt dahilan para matawa ulit ako.


"Palit tayo, gusto mo?" Pagbibiro ko.


"Trust me, wala ka pang tanong, yes agad sagot ko." Aniya at natawa ulit ako kahit na binabaha na ng luha ang mga mata ko. "Don't distract me, baka 'di ko na ituloy to." Dagdag ni Kurt at sinamaan ako ng tingin.


"I'm sorry." Ani ko, nagpipigil ng tawa.


"Irina, years have already passed. Hindi ko na nga rin alam kung ilang beses ako hindi makatulog kakaisip sa'yo. Kung okay ka ba o kung anong problema mo at inayaw mo ko. Tas ngayon naman hanap-hanap mo halik ko." Simula ni Kurt at natawa na naman ako.


Ayaw kasing magseryoso eh. Ang kapal pa ng mukha.


"Hindi ko na bilang yung mga babaeng pinalayas ko sa opisina ko dahil iniisip ko yung deal. Nung nalaman ko yung tungkol doon, nagsisi ako. Sana pala, hindi na kita pinabayaan sa kanya pero masaya naman ako dahil sa huli, sa akin pa rin naman padpad mo."


May kinuha si Kurt sa may coat niya at doon na nagsimulang magbagsakan ang luha ko. Ito na nga talaga yun!

Nilabas ni Kurt ang singsing mula sa box nito. Cartier ang tatak sa may box. It's band is white gold with a princess cut diamond in the center. Pinunasan ko ang pisngi ko pero shit bumagsak lang ulit luha ko sa tuwa. Ang drama, jusko.


"Now, Irina. Do you mind if I stay by your side 'till forever as your husband?" Tanong ni Kurt at kinindatan ako.


Natawa ako kay Kurt saka ako tumango. Tinaasan niya ko ng kilay kaya hinanap ko yung boses ko para makapagsalita.


"No, I don't mind. Pero kung tatanungin mo ko kung gusto kong pakasalan ka, yes na ako! Yes na Kurt! Shit ka! Napapamura ako sa tuwa dahil sa'yo!" Ani ko kaya tumawa si Kurt at yumakap sa akin.


I hugged him back at umiyak sa dibdib niya. Peste ka Kurt imbes na matutulog ako sa tabi mo ng maayos at hindi namamaga ang mata biglang may ganitong pasabog.


Lumayo si Kurt sa akin at isinuot ang singsing sa kanang kamay ko sa may ring finger. Yumakap ulit ako kay Kurt pagkatapos at humalik sa kanya ng matagal. Para akong tanga dito na hindi mapakali dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Kurt just took an arrow to the knee.


"Hi to the future Mrs. Ibanez." Ani Kurt at ngumisi sakin kaya hinampas ko siya sa dibdib at parehas kaming natawa. Is this my happiness already?

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now