"Kambal, I got to got na." Ani Ina habang nakatingin sa cellphone niya at tumayo.


"Saan ka pupunta?" Tanong ko rito.


"Sa book store." Sagot niya. "Zion is asking for a new book. Ang bilis niya makatapos ng isang libro kabibili ko lang nung isang araw." Dagdag niya pa.


Natawa ako at tumango. Bumeso siya sakin at tinapik si Kurt sa balikat. Nang mawala si Ina ay humilig ako sa balikat ni Kurt. Humalik siya sa buhok ko at patuloy lang siya sa panonood. Pumikit ako and then these thoughts starts bothering me again. Makes me want to re-think my actions.


Tinapik ako sa braso ni Kurt maya-maya kaya napamulat ako. Nakahiga at nakatulog na pala ako sa sofa at si Kurt ay nakabihis. Nangunot ang noo ko dahil mukhang may pupuntahan siya.


"Saan ka pupunta?" Tanong ko.


"I'd like to take you out for dinner tonight." Ani Kurt.


"Anong okasyon?" Tanong ko ulit.


Pinagtaasan ako ng kilay ni Kurt pero busy ako sa pagkusot ng mata ko.


"Kapag ba kakain tayo sa labas laging may okasyon?" Sagot niya sa tanong ko. Ayos rin to si Kurt eh.


"Nakakagulat ka kasi." Sagot ko sa kanya at tumayo na.


"Magbihis ka na bago pa kita paulanan ng halik diyan." Aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Napakamanyak mo na Kurt!" Ani ko.


Ngumisi si Kurt sa sinabi ko saka siya sumagot.


"Mahal mo naman eh. Ayos lang." Aniya at may pahabol pang kindat.


Inirapan ko si Kurt kaya tumawa siya. Pumanhik ako ng hagdan at dumiretso sa kwarto namin ni Kurt. Binuksan ko ang walk-in closet niya at naglabas saglit ng mga dresses. Kapag ganitong kakain kami sa labas lagi akong nakadress. Kikay kunyari. Kahit beinte na ko marunong pa rin ako magpaka-kikay.


Simpleng free-flowing dress at flats na lang ang kinuha ko saka ko nilapag sa kama. Kumuha na rin ako ng blazer na babagay sa dress ko saka ako nagsimulang magbihis. Sinara ko muna ang sliding door na humaharang para kapag pumasok si Kurt ay mahaba ang time kong matapos sa pagbibihis. It's a good thing na hindi siya pumasok.


Bumaba ako ng hagdan at nakita si Kurt na nakatingin sa relo niya. Tinapik ko siya para ayain na kaya nauna na ko sa paglalakad. Iniwang bukas ni Kurt ang ilaw sa may hall namin kung nasaan ang hagdan saka niya sinara ang pinto at nilock ng maigi. Inalarm niya ang kotse niya saka kaya nakasakay agad ako sa passenger seat at sumunod siya sa driver's seat.


Kurt started driving. Nakatingin lang ako sa paligid habang tahimik na nagmamaneho si Kurt. He stopped his car in front of a restaurant. Bumaba siya at hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto dahil sumunod na ko sa pagbaba. Inilahad ni Kurt ang kamay niya sakin kaya hinawakan ko ito at sabay kaming pumasok.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now