"Magluluto na ko. Anong gusto niyo?" Tanong ni Kurt at nameywang.
Umupo naman ako mula sa pagkakahiga at nagkatinginan kami ni Kurt. He cooks the best dishes and I love him for that. His special recipe?
"Chicken parmigiana!" Sagot naming sabay ni Ina.
Tumango siya at dumiretso na sa kusina. Bumalik naman si Ina sa bay window at nakipagtitigan sa akin. Minsan, malakas lang talaga topakin si Ina. Malakas trip niya kumpara sa akin na simple simple lang kung mantrip ng tao. Ngumisi pa siya sakin kaya nangunot ang noo ko sa kanya. Wala siyang sinasabi pero parang may gusto siyang iparating.
Natatawa ako kay Ina lalo na nang umiling siya at tumingin na sa may bintana. Naaawa rin ako kay Ina. She's falling in love with someone who's hiding his own identity.
"Irina," tawag sakin ng kambal ko.
Nilingon ko si Ina na nakatingin pa rin sa labas ng bintana. "Oh?" Sagot ko.
"Naaalala mo pa ba? Sa susunod na araw na yung araw na lumipat tayo dito sa London. Maga-apat na taon na tayo dito sa susunod na araw pero aalis rin agad tayo. Ang bilis ng oras. Hindi ko masyadong na-enjoy." Aniya at tumingin sakin saka siya ngumiti. "But I'm happy because time healed you. Tuwang tuwa ako sa'yo kambal." Dagdag ni Ina.
Tumayo ako at ngumiti. Lumapit ako kay Ina at niyakap siya mula sa likod. "You were always there for me. Ako naman ngayon ang tatabi sa'yo. My advice, Ina?" Ani ko at hinarap siya sakin.
"Sabihin mo na kay Zane yan. Deny no more, kambal." Dagdag ko at yumakap na siya sakin.
Tumigil lang kami nang tawagin na kami ni Kurt para maglunch. Tumayo na si Ina saka kami sabay na pumunta sa kusina kung saan nandoon rin ang dining room ni Kurt. Pinaghila ako ng upuan ni Kurt saka ako umupo doon. Nasa gitna si Kurt nakaupo. Kinuha ko ang tinidor at tinidor ang maliit na parte ng manok saka ko tinikman. Nakatingin sa akin si Kurt kaya nag-thumbs up ako sa kanya.
Ngumiti siya at tumango saka kami nagsimulang kumain.
Nag-usap kami tungkol sa kung ano-ano. Hindi ko rin minsan maiwasang mangulila sa kaibigan. Dito sa London ay puro pamilya at si Kurt ang kasama ko. I really spent most of my time with them at mas lalo kaming naging close.
Limited ang connection namin kila Nathalie. They got busy at kami namang tatlo dito ay kagagraduate lang ng college. Kurt is managing their company with the help of tito at naging maayos na rin sila.
Matapos kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan. Tulungan kami ni Ina sa paghuhuhas ng plato at pagkatapos ay pumunta ulit kami sa living room. Nakaupo lang si Kurt na nanonood ng tv. Lumapit ako sa kanya habang si Ina ay umupo sa single-seater na malayo sa pwesto namin ni Kurt. I brushed back Kurt's hair with my hand saka ko siya hinalikan sa noo.
Humawak sa kamay ko si Kurt at pina-upo ako sa tabi niya. Inakbayan niya ko at nanood kaming tatlo habang nagchichismisan ng kung ano-ano ulit. Ina said to appa na pagtapos raw ng huling competition nila next year, she'll take over our company. Siya na raw magmamanage at nangako akong tutulong sa kanya. Our parents are not getting any younger but they still look young though.
BINABASA MO ANG
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 27
Magsimula sa umpisa
