Natawa si Kurt sa sinabi ko kaya hinampas ko siya sa dibdib niya. Nangunot ang noo ni Ina sa sinabi ko kaya tumingin siya kay Kurt habang nakaturo sa akin.
"Ano ba yang girlfriend mo Kurt! Ang hangin!" Ani Ina at hinawi ang buhok na nasa balikat niya na.
"Huwag ka nga, Ina! Mahal ko 'to." Sagot ni Kurt saka siya humalik sa pisngi ko.
Napatili ako sa gulat at nagtawanan silang dalawa. Bumalik kami sa sala habang si Ina ay pinupulot ang throw pillow na binato niya sa amin ni Kurt.
Habang naglalakad naman kami ni Kurt ay nakayakap pa rin siya sa baywang ko. Ganito kami sa araw-araw sa apartment niya. Maingay, magulo, punong puno ng tawanan.
Bumibisita si Ina dito dahil hindi niya kayang magtagal sa bahay namin gawa ni Zane. Next year, may isa na naman silang competition. Pair skating ulit at nakaka-excite! Minsan ko na ring tinanong si Zane kung may balak ba siyang linisin ang tumatagal na pagsisinungaling niya kay Ina. Not that Ina is finally falling for somebody, sa taong ayaw niya pa.
Umupo si Kurt kasama ako sa may sofa. Nakapulupot pa rin sa baywang ko ang mga bisig niya. I leaned on his chest at saka namang entrada ni Ina. Namato ulit ng throw pillow si Ina. Natamaan ako sa mukha ko kaya napalayo ako kay Kurt at namato pa ulit ng isa si Ina na sinangga ni Kurt. Hindi siya handa nung una.
"Aray, Ina!" Sigaw ko at napahilamos sa mukha.
"Oh! Kayong kambal kayo ah! Walang mag-aaway." Ani Kurt saka niya ko hinila ulit papalapit sa kanya dahil napa-ayos ako ng upo ko.
"Sa'yo dapat yun Kurt eh!" Ani Ina kay Kurt.
Napatingin si Kurt kay Ina na parang hindi siya makapaniwala. Tinuro niya pa ang sarili niya kaya natawa ako. "Ako ba ang kumanta? Si Irina nauna ah?" Tanong ni Kurt kaya habang natawa ako ay nahampas ko siya sa dibdib.
"Hey! Kanina ka pa ah!" Reklamo ni Kurt.
"Bakit? Anong gagawin mo, ha?" May tapang na tanong ko sa kanya.
Napahiga ako sa hita niya habang nakatingin sa kanya. Tinaasan ko ng kilay si Kurt saka siya sumagot. "Bubugbugin kita." Seryosong sagot niya.
"Sige nga! Gawa!" Paghahamon ko.
Ngumisi si Kurt at lumapit ng kaunti. "Bubugbugin kita ng...halik!" Sagot ni Kurt at kiniliti ako.
Sumigaw naman si Ina na huwag raw sa harap niya dahil nakakabitter at PDA raw kami masyado. Yung unan na nasa may hita ko na ibinato ni Ina kanina ay iniabot ko. Siya naman ang binatuhan ko ng throw pillow at nagtawanan kami kahit na panay tili ako dahil sa pangingiliti ni Kurt. I begged him to stop and he did.
Maya maya ay tumingin siya sa relo niya at inilapag ang ulo ko sa may throw pillow na nasa likod niya kanina. Tumayo siya at humalik sa noo ko kaya napangiti ako because of his simple gestures.
ESTÁS LEYENDO
Nothing But Strings
Novela JuvenilBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 27
Comenzar desde el principio
