CHAPTER 12: SEARCH IS OVER

Magsimula sa umpisa
                                    

''Naalala ko nga ng nilusob niyo sina Jobim. Ang tatapang niyo no?'' ako naman yung tumawa lang ako..

''Ganyan pag tatak L.A, dapat batas. Tsaka grabe kase yung ginawa sa akin nun ni Zia.. Tama bang ipahiya ako nung birthday party niya.''

''Oo nakita din kita nun, Pool party pero naka gown ka.''

''Pwede ba huwag mo ng ipaalala, nag iinit lang dugo ko!''

''Ahahahaha, okay fine..''

Sa bahay ng mga Ocampo

''Ate Twaylem ano yang nasa legs mo?? Bat may red spots ka??'' napatingin naman ako sa legs ko.

''Oo nga no?? Ahh, baka siguro kagat lang ng mga lamok yan. Hayaan mo na, mawawala din yan.. Tara na kumain na tayo.''

''Sige... Halika na ate Twaylem.. Kain na tayo.'' hindi ko alam kung bakit medyo mabait na sila sa akin.

Nang maupo ako, ewan ko ba bat pakiramdam ko pagod na pagod ako.. Kanina naman napaka energetic ko, tas ngayon.. Parang konti nalang babagsak na yung katawan ko. Siguro naninibago pa lang yung katawan ko trabaho ko..

Pagkatapos naming kumain dumeretso na ako sa kwarto. Dahil feeling ko lalagnatin ulit ako. Ano bang nangyayare sa akin??

''Twaylem may mga bisita ka...''

''Fifi! Hello!''

''Bakla anong ginagawa mo dito??'' tumingin ako dun sa wall clock ko at mag e-11:30'oclock na.

''Excuse me lang ha Danger? Pero pwedeng lumayas-layas ka lang, may pag uusapan kami ng fifi ko.'' pagkatapos nun sinara na ni Danger yung pintuan.

''Fifi, why you're so tamlay?? Okay ka lang ba??'' hinipo nito ang noo ko.. ''You're sick. You better lay down Fifi kung ayaw mong ma jombag kita.''

Nahiga nalang ako at hindi na kumontra pa. Pagod na pagod talaga yung katawan ko.. Pakiramdam ko nabagsakan ako ng building.

''Anyway, bago ko pala makalimutan..'' may inabot itong brown envelope sa akin.. ''May nag papabigay niyan sayo kanina, kung hindi ako nag kakamali, nasa 40 to 45 yung nagbigay sa akin niyan. Pero Gwapo siya.''

''Sino daw??'' nag shurg lang ito.

''Hindi mo binuksan??'' umiling ito..

''Fifi alam mo ako chismosa ako, pero kase naman Fifi naka tape. E baka naman pag binuksan ko yan, jombagin mo nanaman ako.''

''Nag iisip ka rin pala..'' matawa-tawang sabi ko..

''I kneeeer.. Gora na! Opening sesame mo na yan!''

Pagkabukas ko ng envelope, puro picture ang laman nun.

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon