11:11, 𝚆𝚑𝚎𝚗 𝚏𝚒𝚗𝚊𝚕𝚕𝚢 𝚘𝚏𝚏𝚒𝚌𝚒𝚊𝚕

2 0 0
                                    


Nandito ako sa room namin ngayon. Nagawa ako ng project para sa Physics namin bukas, kailangan ko na 'to matapos para may maipasa ako bukas. Nakauwi na ang mga classmates ko kaya ako nalang ang nandito sa room. Habang nagawa ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko kaya agad akong napatingin sa may bintana.

"Hindi ka 'pa uuwi?" Tanong nito sa akin.

"After that, I'll go home na rin," sabi ko at sinimulan muli ang project na ginagawa ko.

"Okay, wait na kita,"  sabi nya at naupo sa may upuan sa labas, napailing nalang talaga ako sakanya kasi naman lagi nya itong ginagawa hindi sya nag sasawa.

Binilisan ko ng gawin ang project ko para matapos ko na agad at makauwi na ako, nakakahiya narin doon sa nag aantay sa 'kin kahit wala naman akong sinabing antayin ako.
Ng matapos ako agad kong iniligpit ang mga gamit ko at inilagay isa-isa sa bag ko. Pag labas ko nakita ko si Kairo na nag lalaro sa phone nya kaya agad akong lumapit.

"Let's go," tinignan nya lang ako saglit at bumalik na sa paglalaro kaya napairap nalang ako. "Hinintay mo lang yata ako para makapag laro ka nyan," iritadong sabi ko sa kanya.

" Hala hindi, titigil na nga,ohh. Uuwi na tayo," tarantang sabi nito tyaka ibinulsa ang phone nya sabay tayo, kaya palihim akong natawa sa reaction nya. " Akin nayang bag mo ako na ang mag dadala, madam."  Kinuha nya ang bag ko tyaka sinukbit sa harap nya.

Habang nag lalakad kaming dalawa pauwi may naisip akong itanong sa kanya. "Hanggang kailan ka ganto sakin?" Tanong ko ng hindi natingin sa kanya.

"Until my last breath, I'll never stop courting you, keia. Kahit maging tayo," siryosong sagot nito.

" Pa'no kung sinasabi mo lang 'yan ngayon kasi nanliligaw ka palang,"

" Of course not, alam kong sinasabi na 'to ng ibang lalaki pero sasabihin ko pa rin, I'm not like other guy, I'll prove it to you ," sincere na sabi nya sa akin.

" Okay, by the way wala yung parents ko mamaya gusto mo bang mag stargazing? maganda ang panahon, sure akong maraming stars mamaya,"

" Sure, tinapos ko na naman yung mga assignments and project ko so I'm free to night,"  natuwa naman ako dahil sa sinabi nya.

Nakaalis na sila mommy kaya inayos ko na ang mga gagamitin namin mamaya ni, Kairo. Nag latag ako ng kumot tyaka nilagyan ng mga pabigat sa bawat gilid para hindi hanginin, mahangin kasi dito sa may rooftop. Nag lagay narin ako ng mga snacks and drinks para may makain kami mamaya. Habang inaantay ko si Kairo dito sa guest room namin nanood muna ako ng lesson video para sa lesson namin bukas. Habang nanonood ako ng biglang may mag doorbell kaya agad kong pinatay ang video at binuksan ang pinto.

" Sorry na late ako," nahihiyang sabi nito ng buksan ko ang pinto.

"Okay lang maaga pa naman," pinapasok ko na sya at pinaupo muna sa sufa saglit. Iniligpit ko muna ang pinag kainan ko bago kami umakyat sa rooftop.

"Halatang pinag handaan,ahh." Nakangiting sabi nito sa akin.

" Nakakahiya naman kasi sayo ba'ka mag reklamo pa ,"

Naupo na kami sa nilatag kong kumot kanina, kinain narin namin yung mga snacks habang nakatingin sa mga stars, sobrang ganda talaga ng gabi kapag madaming stars. Tumingin ako sa orasan 11:09pm na tumingin ako kay Kairo saglit bago ko kunin yung coke sa tabi nya.

" Mag wish ka," sabi ko sa kanya, napatingin naman ito sa akin na parang nag tataka.

" Wish whatever you want ," sabi kong muli sa kanya, nakita ko naman syang pumikit at pinag dikit ang dalawang kamay nito. Nung iminulat nya na ang kanya mga mata  tumingin sya sa akin.

"Anong hiniling mo? " Tanong ko sa kanya.

"Secret, ba'ka hindi matupad," natatawang sabi nito.

" Tignan mo yung oras,"

Agad naman nya iyong tignan sa phone nya.
"11:11pm, bakit?"  Takang tanong nito sa akin.

"Mark this day for anniversary ," seryosong sabi ko dito, halata naman sa muka nya ang pag tataka.

"Huh? What do you mean? " Kamot ulong sabi nito kaya natawa ako.

" Tshh slow, I mean it's time to bring our fantasy into reality in short let's make it official, " mataray na sabi ko sa kanya. Tinignan ko sya pero wala syang reaction at tulalang tulala lang, kaya napairap nalang ako. Tatayo na sana ako ng bigla nya akong yakapin.

" Wait ngayon lang nag-sink in sa utak ko, gaig ka. Legit? Totoo? " Mangiyak ngiyak na sabi nya.

" Oo, bakit ayaw mo? Edi don't madali ako kausap, "

" Luhhhh. Hindi, gusto ko syempre, " masayang sabi nito.

_____

Pagkatapos ng gabing sinagot ko sya and now is our five years anniversary. Graduate narin kami ng college ni, Kiel. I’m glad we got to this point. Sa two years na panliligaw nya sa'kin and now we are celebrating our five years of relationship.

BOOKS FOR POEM/STORIES Where stories live. Discover now