Chapter 46

18.6K 403 99
                                    

a/n: again this isn't proofread kaya pasensya na po sa mga mali, tamad lang :*

-----

"ANO magandang pasyalan dito Ninong?" Tanong ni DJ habang nagaagahan kami, nasa garden kami ngayon dahil sabi ni Lola Nila mas maganda raw dito mag breakfast para fresh air kaya naman nag-set sila ng table sa gazebo.

"May ilog hindi kalayuan dito maganda doon, may itinayong pahingahan doon para sa mga nagta-trabaho sa bukid."

"Really? Bal you want to go there?"

Napakibit balikat ako, "Alright, gusto ko din makita yung place mukhang maganda nga."

"Doon na tayo mag-lunch."

"That sounds great!"

Napatingin kami pareho ni DJ kay Jamie.

"Ha? Bakit?" Tanong ni DJ.

"Na doon mag-lunch." Sabi niya.

Pasimple kong siniko si DJ nang mukha siyang magrereklamo, napakamot na lang sa ulo si DJ at ngumuso.

"Bakit hindi kayo magpasama kay Karen para mamili sa bayan ng mga babaunin ninyo sa batis? Kabisado rin niya daan papunta ng ilog para hindi kayo maligaw." Suggest ni Lola Nila at nilingon si Karen na nakatayo sa isang gilid para magsilbi.

Napayuko siya at tumango kay Lola Nila. "Sige po Ma'am Nila."

Lumapit si DJ sa tenga ko at bumulong, "Laging nakayuko si Karen no? Ano kaya meron sa sapatos niya?"

Napakagat labi ako para magpigil ng tawa, mahina ko rin siya sinampal. "Bad ka! Baka nahihiya lang." Ganting bulong ko.

Napatingin siya sa labi ko, he smirk at pinunasan ang gilid niyon gamit ang daliri niya. "Messy eater."

Napanguso ako, nagsalita eh mas messy eater nga siya sa akin.

"Ninong why don't you just go with us too? Para mas masaya tutal lahat yata sasama na sa amin."

Siniko ko ulit si DJ. "Sshh just eat Bally."

Siya naman ang napanguso ngayon at nagyuko ng ulo para ituloy ang pagkain.

"BAL! Come try this." Hinila ako ni DJ papunta sa mga street vendors, nasa bayan kami ngayon market day nila ngayon kaya ang daming mga booth and stalls para sa mga pagkain at iba pang mabibili. "Ang tawag dito isaw." Inabutan niya ako ng isang stick ng bituka ng manok.

Hinablot ko mula sa kanya ang stick, "Baliw! Alam ko naman nakakain na ako nito."

"Talaga? Pinayagan ka ni Tita Angel?"

"Hindi niya alam." I grinned at him.

"Sige hindi rin natin ipapaalam sa kanya na kumain tayo nito."

Kung ano-ano pa ang gusto subukan kainin ni DJ, nakalimutan na yata niya bakit kami nandito. "Let's go na, mamili na tayo ng lulutuin para sa lunch nakakahiya naman kay Karen kanina pa sunod ng sunod sa atin." Nilingon ko si Karen na nasa likod namin na nagtitingin tingin rin sa paligid.

DJ sigh, "Kasi naman gusto nga kita i-solo tapos sasama pa sila."

"DJ! Kailangan din naman natin si Karen dahil hindi natin alam itong lugar."

"Whatever." Hinawakan na niya ako sa kamay at naglakad kami pabalik kay Karen. "Ano ba mga kailangan natin bilhin?"

Habang namimili ay nakausap at nakakwentuhan ko si Karen, mabait naman siya mahiyain lang talaga at napagalaman ko rin na mas bata pala siya sa akin ng halos dalawang taon.

Four Letter WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon