"Problema?" Nagtatakang tanong ni Montereal. Pa-suspense pa ang p*ta!

"Problema na ba ngayon ang magpustahan?" Segunda naman ni Gibson.

"Ano bang pinagpupustahan n'yo? At para bang napaka-importante?" Tanong ko naman.

"Ah nagpupustahan kami kung sino manlilibre ng fish ball!" Sagot ni Montereal. Hindi ko napigilan ang sarili ko at binatukan ko silang dalawa. Tang*na akala ko naman kung ano na pinagpupustahan nila kasi kung umasta sila kala mo buhay ang nakataya.

NATAPOS ang practice game at nagkanya kanya na ng uwi ang bawat isa. Ilang buwan na lang at ga-graduate na kami ng High School. At isang magandang balita dahil kinukuha kami ng Montereal University. 

Palabas na ako ng gate nang mapansin ko si Howard at Jane na nagtatalo sa tabi ng daan. Nag-aaway na naman sila, tinalo pa nila ang aso't pusa. Lalapitan ko sana sila kaya lang naalala ko hindi nga pala ako si Dela Cruz kaya di bale nalang. 

----

Mnemosyne's POV 

"PANGET ano ba talagang problema mo?" tiningnan ko ng masama si Elvin. At ang lakas pa talaga ng loob n'ya na tanungin ako kung anong problema ko. Wala sa sariling inihampas ko sa kanya ang bag n'ya. 

"Ikaw ang problema ko!" bulyaw ko sa kanya at tinalikuran na ito ng tuluyan. Makauwi na nga, kainis!

Mas naiinis ako sa sarili ko. Bakit nagagalit ako ng ganito? Bakit apektado ako?  Dati naman kahit may kausap s'yang ibang babae, wala lang sa'kin pero bakit ngayon parang abot langit ang inis ko sa kanya. 

Nababaliw na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano itong inaasal ko na 'to. Mabilis akong sumakay ng jeep at hindi na lumingon pa kay Elvin. 

Pagbaba ko ng jeep, sumalubong sa akin ang amoy ng mga pagkain dito sa kanto. Pero higit na nakakuha ng pansin ko ay ang kwek kwek na niluluto ni manong. Agad akong lumapit sa cart nya at masayang kumuha ng stick at tumusok ng kwek kwek.

Nasa kalagitnaan ako ng masayang pagkain nang biglang sumulpot si insan sa gilid ko.

"Bakit di mo ako hinintay?" Reklamo nya habang tumutusok ng fish ball.

"Akala ko kasi may gagawin ka pa." Palusot ko na di naman niya pinansin at matamang nakatingin lang sa'kin.

"Bakit ganyan na naman ang buhok mo?" Tanong nya at sumubo na ulit ng fishball. Napahawak naman ako sa buhok ko.

"Bakit? Magulo ba?" Tanong ko dahil maayos naman ito.

"Oo! Mukha ka na namang si Alice Bungisngis sa hilatsa niyang pagmumukha mo." Sagot nya at mataman akong tinitigan.

"Nag away kayo ni Fafa Elvin 'no?" Kunot noong tanong ni insan.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagbayad na kay manong ng mga nakain ko.

"Uy bayaran mo din 'yong sa'kin." Hindi ko na pinansin si insan at nauna na akong umalis sa kanya papasok sa looban ng village.

"Ano ba talagang problema Jane?" Pangungulit ni insan ng maabutan nya ako sa paglalakad.

Huminto ako at hinarap sya.

"Oh! Teka! Wag kang aatungal ng iyak dito sa labas.." pigil niya sa'kin at hinila ako ng mabilis pauwi sa bahay.

Napahinto kami ni insan sa labas ng bahay namin nang mapansin namin ang isang magarang sasakyan.

Nagkatinginan kami ni insan dahil parang may kakaibang kabog akong naramdaman sa dibdib.

Mabilis na pumasok sa loob ng bahay si insan at iniwan akong mag-isa dito sa labas. Nilapitan ko naman ang sasakyan at sinilip silip ang bintana nito pero di ko maaninag ang loob, nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Ngumiti ako ng bahagya saka nagdesisyong pumasok sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Touch, One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon