Chapter 3-

15.8K 216 149
                                    

"Mrs. Dickson, ngayong matanda na kayo, anong gusto niyo or kahilingan niyo sa kaisa-isa niyong unico hijo niyo na si Hades ngayong taon na ito?" tanong ng reporter sa may katandaang babae.

Ngumiti ito na kahit sa katandaan na ay kitang-kita pa rin ang kagandahan nito. "I want a grandchild. Sana mapadali ang pagkakaroon ko ng apo kay Hades sa kasintahan niyang si Lyka. I'm really praying for that blessing." sagot ni Mrs Dickson. Kitang-kita dito ang kagandahan noong dalaga pa lang ito.

Ngumiti si Hades ganoon din si Lyka tsaka hinapit ni Hades ang bewang ng kasintahan. Kitang-kita na mahal ng mga ito ang isa't-isa.

"Soon, I will fullfill your wish, mom." sagot ni Hades sa ina. Ngumiti si Hades, labas ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. "Hindi ba, hon?" biro ni Hades sa fiancee na si Lyka. Hinapit pa lalo nito ang bewang tsaka hinalikan sa pisngi. Ngumiti lamang si Lyka at gumanti ng halik sa labi.

"Putok na putok ang balita na isang  engrandeng engagement party na ang kasunod nito? Totoo ba Mr. Hades Dickson?" sa ngayon, kay Hades naman nakatutok ang mga tanong ng reporter.

Ngumiti si Hades. Ngiting masayang masaya at inlove na inlove sa kasintahan nito. "Yeah, hindi ko na patatagalin pa, pakakasalan ko na ang pangalawang babaeng mahal na mahal ko." Hinapit ni Hades si Lyka tsaka hinalikan na naman ito sa noo.

Kinilig naman ang mga reporter sa sagot ni Hades. "So, kailan ang engagement?" usyusong tanong ng reporter.

"Next week." tipid na sagot ni Hades.

Athena

"Manang, sino po ang lalaking 'yon? Saan nakatira?" sunod-sunod na tanong ko sa may-ari ng canteen na kinaroroonan ko. Gusto kong malaman dahil siya ang ama ng pinagbubuntis ko.

Kanina pa nakatitig ang mga mata ko sa screen. Ang gwapo niya. Hindi ko akalaing siya pala ay nag-iisang anak ng mayamang pamilya. 

"Hay, naku, na bata ka! Hindi mo ba narinig? Hades Dickson ang pangalan niyan. . . nakatira 'yan sa Maynila. Sikat 'yan hindi mo kilala? Napaka-gwapong lalalaki. Napakaswerte ng kaniyang fiancee. Sabagay pareho naman silang pogi at maganda kaya pareho silang swerte sa isa't-isa. Pareho pang mayaman. Hays! Fairytale ang buhay ng dalawang 'yan. Commercial model 'yan si Lyka. Idol ko nga 'yan eh!" mahabang sinabi ni Manang. Ang may-ari ng karinderya na kinaroroonan ko.

"Maraming salamat, Manang. Pwede ko naman siguro siyang puntahan sa Maynila." nakangiti kong sabi sa may-ari ng canteen.

Tumaas ang kilay nito. "At bakit naman? Bakit mo pupuntahan 'yan Ineng?" tanong sa akin ng ale.

Napalunok ako.

Sasabihin ko ba sa kaniya na nabuntis ako ni Hades Dickson? Sa huli naisipan kong sabihin dito ang totoo. Huminga ako ng malalim tsaka sinagot ang tanong ng ale. "Buntis po ako at ang lalaking 'yan ang ama." masayang sagot ko. Nanlaki ang mga mata ng ale.

"Diyos ko na bata ka! Nangangarap ka ng gising. Paano ka mabubuntis ng isang negosyanteng iyan. Diyos ko, baliw ka na, kumain ka na ba?" hindi makapaniwalang sabi ng ale. Hindi ito naniniwala sa sinasabi ko. Totoo naman eh! Siya ang ama nitong dinadala ko. At ngayon alam ko na, at kilala ko na siya, pupunta akong Maynila para ipaalam ito sa kaniya.

Pupuntahan ko siya at hihingi ng sustento sa magiging anak namin dalawa. Wala na akong ibang choice. Kailangan ko siya para mabuhay kaming dalawa ng magiging anak ko.

"Manang, pwede ko bang makuha ang address ng lalaking nasa TV?"

Iiling-iling na kumuha ng papel at ballpen ang ale tsaka may isinulat siya doon. "Nababaliw ka ng bata ka. Dapat kumakain ka sa wastong oras. Diyos ko." Iiling-iling pa rin ito na ibinigay sa akin ang papel. "Oh, ayan ang address. Sa ngayon, makikisakay ako sa trip mo. Goodluck na lang." sabi nito sa akin tsaka umalis sa aking harapan. Inasikaso ang bagong dating na customer.

"Salamat po, Manang." pahabol kong pasalamat dito. Ngiting -ngiti ako dahil sa wakas alam ko na kung sino ang nakabuntis sa akin. At kung sino ang ama ng dinadala ko. Pero nalungkot ako bigla dahil ikakasal na pala ito.

Anong gagawin ko? Bahala na, ang mahalaga masabi ko ito sa kaniya. Ang mahalaga ay malaman niyang magkakaroon siya ng anak sa akin.

-----

Nagising akong puting kisame ang tumambad sa akin. Dahan-dahan kong ginalaw ang mga kamay ko. Nilingon ko ang buong paligid. Kung hindi ako nagkakamali, nasa hospital ako ngayon. Naalala kong nasa party ako kanina at bigla na lang nandilim ang paningin ko pagkatapos kong sabihin sa lahat na buntis ako at si Mr. Dickson ang ama.

Sa pag-iisip ko bumukas ang pintuan ng room na kinaroroonan ko ngayon. Tumambad sa aking harapan ang medyo katandaang babae pero napakaganda pa rin nito. Naalala kong nakita ko na siya sa TV. Siya ang ina ni Hades.

Napatitig ako sa kaniya. Humakbang pa siya palapit sa kinaroroonan ko tsaka huminga ng malalim. "Kamusta ang nararamdaman mo? Nawalan ka ng malay dahil gutom na gutom ka. Mabuti na lang ayos lang ang bata sa sinapupunan mo." sabi nito sa akin.

Napalunok ako. Naalala kong halos wala akong kain ng isang araw dahil inilaan ko ang pera ko paramahanap lang ang bahay nila. Kahit gutom na gutom na ako ay tiniis ko para sa anak ko. Dahil pinangako ko sa kaniyang hahanapin ko ang ama niya kahit ano pa ang mangyari.

Napayuko ako dahil sa ginawa ko baka Magalit ito sa akin ng sobra dahil sa sinabi ko? Dahil nagulo ko ang party? At dahil nasira ko ang engagement party ng kanilang nag-iisang anak. Hindi ko naman intensyon iyon. Bigla na lang kasi bumuka ang bibig ko at naisigaw ko sa lahat na buntis ako at si Mr. Hades ang ama.

"Sigurado ka bang ang anak ko ang ama niyang dinadala mo?" dagdag pa na tanong ng Ginang.

Tumango na lamang ako. Sigurado naman kasi akong si Hades ang ama ng dinadala ko. Bago ako umalis ng hotel ng gabing naisuko ko ang aking pagkababae ay tinitigan ko pa ang kaniyang mukha at hindi ako maaaring magkakamali. Maliwanag pa sa isipan ko ang napakagwapong mukha nito.

Ang kasalanan ko lang ay sinabi ko sa lahat na buntis ako kahit nandiyan ang fiancee niya.

Sa aking pananahimik ay biglang  kumalabog na lang ang pinto. Napatingin ako rito. Maging ang Ginang ay napatingin din.

"Where is that fvcking woman?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakikita ko. Nanlilisik na mga mata, galit na galit at nakakuyom ang mga kamao ngunit gwapo pa rin ito. Siya ang ama ng dinadala ko.

"Hades?" kaagad na pinigilan ng Ginang ang paglapit nito sa akin.

Ako naman ay takot na takot na baka bigla na lang niya akong suntukin dahil sa ginawa kong pagsira sa kaniyang engagement party.

Gusto niyang lumapit sa akin pero mahigpit siyang pinipigilan ng Ginang. "Let me go, mom! I want to teach that woman a lesson! She ruined my party and even Lyka was mad at me and didn't want to see me anymore! Hindi ko mapapalampas ang ginawa ng babaeng 'yan!" galit na galit na sigaw niya habang gustong kumawala sa pagkakayakap sa kaniya ng kaniyang ina.

Meron pang pumasok na lalaking hindi ko naman kilala.

"Hon, tulungan mo 'kong awatin ang anak natin. Baka suntukin niya ang babae." paghingi ng tulong ng Ginang. Lumapit kaagad ang medyo katandaan na rin nalalaki at sumali na rin ito sa pagpigil kay Hades.

"Hades, she's pregnant. Baka kung ano ang magawa mo sa kaniya." ramdam ko ang kaba ng Ginang nang sabihin niya ito. Ako naman ay nanginginig na sa takot dahil sa nanlilisik niyang mga mata na nakatingin sa akin.

"Siguraduhin mo lang na anak ko 'yang dinadala mo dahil kung hindi...may kalalagyan ka sa akin! --- at kahit pa anak ko 'yang dinadala mo! I'll NEVER ACCEPT that child!" umalingangaw ang boses niya at nanlilisik na mga mata habang tinuro -turo niya ako.

Napayuko ako at may butil na luhang bumagsak mula sa aking mga mata. Napatingala na lang ako at tanaw ang paglabas niya ng pinto ng room na kinaroroonan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. Dickson's Hidden Wife [SPG]Where stories live. Discover now