"No, we're fine. Pumasok ka na. Baka malate ka lang." Sagot ko rito.


"You sure? Okay. I'll see you some other time. Ingat kayo ni Ina." Paalala niya.


"Mhm. Sige na. Bye." Ani ko at pinatay ang tawag.


Nilagay ko ulit sa bulsa ko ang cellphone ko at umupo sa inuupuan ko kanina. Nagsimula akong kumain sa tabi ni Ina na half way na there na siya sa pagtapos ng pagkain. While eating, tinanong ko siya kung kailan makakalipat sila appa rito. She told me the next day after tomorrow. Tinanguan ko na lang siya. I kinda miss our brother, Zion. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya dahil masyado akong lutang sa mga natirang araw ko sa Pilipinas.


Pagkatapos kumain ay naghugas muna kami ng pinggan ni Ina saka kami lumabas ng bahay. Hindi pa kami marunong magdrive. May kotse kasi sa tabi ng bahay namin. I guess we own it pero wala sa amin ni Ina ang nakakaalam kung paano magmaneho ng kotse. Medyo malayo lang naman dito ang school na papasukan namin. Walking distance siya kung titignan.


Pumasok kami ni Ina sa lahat ng classes namin. We met people pero kami lang talaga ni Ina ang magkasama. Malapit na graduation nila actually at hindi ko masyado naintindihan kung kasama kami or not. Matapos ang klase ay nagpaalam ako kay Ina na saglit lang gawa't gagamit ako ng cr. Binilisan ko na lang para hindi mainip si Ina. Saktong paglapit ko kay Ina ay natigilan ako dahil may kausap si Ina sa cellphone. Lumapit ako ng kaunti yung hindi niya mahahalatang naroroon ako.


"I'm sorry, Nathalie. Look, I can't tell you where we are right now. I just want whats best for my twin sister." Ani Ina na nagpakunot ng noo ko.


Tumahimik siya saglit at nagsalita ulit. "I don't care if he came back just for my sister, Nathalie. He damaged her enough. Just listen to me." Pagmamakaawa pa ni Ina.


Tinapik ko siya dahil naguguluhan ako sa sinasabi niya kay Nathalie. Nilingon ako ni Ina na medyo nagulat kaya ngumiti ako sa kanya.


"Thank you, Nat. I appreciate that. Bye." Ani Ina habang nakatingin sa akin at pinatay niya na ang tawag.


"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ko.


Umirap si Ina sakin. "I knew it. Nakikinig ka. It's nothing. She wants to know kung nasaan tayo." Aniya at kinindatan ako.


Tumango ako habang nakanga-nga. Sinakbit ni Ina ang bisig niya sa braso ko saka kami nagsimulang maglakad papauwi. Nagulat pa kami nang bumungad sa amin si Zane at ang coach ni Ina. Humiwalay sa akin si Ina sa gulat niya kaya napatingin ako. Kahit si Ina na lang ang masaya sa ngayon, okay na sakin. Ang makitang masaya ang pamilya ko na lang nagpapasaya sa akin.


Lumapit si Ina sa coach niya at nakipag-kamay. Dama ko ang pagkatense ni Ina nang makipagtitigan siya kay Zane at may parte sa akin ang nanakit. Naiinggit ako sa kambal ko. Dati ako yung may katitigan. Ako dati yung natutunaw kapag tinititigan ng ganyan.


Naglakad rin ako papalapit sa kanila kaya sakin lumipat ang tingin ni Zane. Nakipag-usap naman si Ina sa coach niya at nagsabi ng plano niya rito. Nagsalita si Zane kay Ina kaya natigilan ito.


"Ina, pwedeng kausapin ko saglit si Irina?" Paalam ni Zane sa kambal ko.


Napatingin sa akin si Ina at tumingin kay Zane pagkatapos ay tumango. Nag-usap sila ulit ng coach niya kaya tinanguan ko si Zane at umalis kami doon. Pumunta kami sa may gilid ng bahay. Mahalaman dito pero sakto lang dahil mukhang naaalagaan.


"I heard what happened, Irina." Aniya sakin.


Nangunot ang noo ko kasabay ng pagbabadya ng luha ko ulit. "P-paano mo n-nalaman?" Tanong ko rito.


"Zach called me. Alam niyang ako na lang ang natatanging nakakaabot sa inyo. Nathalie is limited dahil pinutol na ni Ina ang tungkol sa kung na saan kayo." Pabulong na paliwanag ni Zane.


"I-I'm sorry, Zane. Ina just wants the best for me kaya niya nagawa yun." Sagot ko.


"You don't want any further explanation from Chase? He came back yesterday according to Jake, looking for you. Walang nakakaalam kung nasaan ka kaya wala siyang nakuhang sagot. Nung isang araw ko lang nalaman, Irina. Don't worry." Aniya ulit.


"Please don't tell him, Zane. Ayaw ko na ng kahit anong paliwanag mula sa kanya o kahit kanino. That damaged me, Zane. Nasaktan niya ko by not saying a thing or two about that. So please, don't tell him anything." Pagmamakaawa ko.


Niyakap ako ni Zane at hinagod sa likod. "I won't, Irina. Your secret's safe with me." Sagotniya at bumitaw rin.


Nagpalaam si Zane sakin na mauuna na raw siyang pumasok ng bahay. Pinaglaruan ko muna ang bulaklak dito sa may gilid hanggang sa napaupo ako sa kinatatayuan ko at napaiyak. Nangungulila ako kay Chase. Kahit saan ako bumaling, kahit sino kausapin ko, ang laman ng topic si Chase. How could I avoid him? How could I set myself free kung laging si Chase ang laman ng usapan?


Tumayo ako at pinunasan ang pisngi ko. Pumasok ako sa bahay at nagkakape sila sa may dining room. Nginitian ako ni Ina and I gave her a faint smile. Pumanhik ako ng hagdan at pumasok sa kwarto namin ni Ina. Binaba ko sa may bay window ang bag ko katabi ng mga throw pillows.


Dumapa ako sa kama at binuksan ang e-mail ko sa cellphone. Most are Facebook and Twitter notifications pero may limang emails akong narecieve mula sa isang hindi ko kilalang email address. May message siya at doon bumagsak ang mga luha kong napigilan ko kanina.


You're not letting me go this easy are you? Babe, I'm sorry. Where are you?


Napatakip ako ng bibig at parang gripo na sunud-sunod ang pagpatak ng luha ko. It was Chase. No, Irina. You talked to yourself already. Stop being hardheaded. Tama na. You're already damaged. Durog-durog ka na at wala nang iba pang bahagi sa'yo ang madudurog pa ulit. Tama na.

Nothing But StringsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant