"Saan ka Irina?" Tanong sakin ni Ina.


"Pwedeng doon ako malapit sa bintana?" Tanong ko rito.


"Sure. Sa attic ka rin naman matutulog soon. Ipapaayos lang pagkarating nila eomma." Sagot ni Ina sa akin habang nag-aayos siya ng damit.


"Ako na diyan. Ligo ka na lang muna." Utos ko at tinuro ang banyo.


Nagkibit balikat sa akin si Ina saka siya pumasok sa banyo dala ang pamalit niyang damit at tuwalya. Umupo ako sa kama na tinuro ko kay Ina at hinaplos ang kumot nito. It's all white and our room is pink with dirty white carpet.


Carpeted kasi ang floor kaya ang sarap magpaa. Unlike sa Pilipinas, tiles ang sa may living room to kitchen pero ang second floor, wooden floors. Dito, almost lahat carpeted except for the bathroom and the kitchen of course.


Inayos ko ang damit namin ni Ina sa cabinet namin at nang matapos siya maligo siya na ang nagpatuloy at ako ang sumunod na naligo. Binilisan ko na lang ang pagligo. Hindi ko na binasa ang buhok ko para diretso tulog. Paglabas ko ng cr ay nakita ko na si Ina na nagbabasa mula sa iPad niya habang nakaupo sa kama at nakasandal sa pader.


"Matutulog na ko kambal." Ani ko at pumunta sa kama ko.


"Sure. Good night!" Aniya.


"Good night din. Matulog ka na mamaya." Paalala ko.


Humiga ako sa kama ko at nagtalukbong kumot sa buong katawan ko. Malamig kasi ng kaunti at giniginaw ako dahil bagong ligo. Si Ina nga nakakumot na ang hita habang nagbabasa eh. Nang ipikit ko ang mata ko ay saka naman ako dinalaw agad ng antok at pagod kahit na sampung oras na ko natutulog sa biyahe.



Kinabukasan ay napaaga ang gising namin ni Ina. Sa baba na siya naligo at umakyat ng nakatapis dito sa kwarto. Nagkukusot ako ng buhok at tumingin sa malaking salamin namin pagkatapos. I looked at my outfit firmly. Simpleng polkadot sweater, black pants at sneakers.


Tumingin ako sa kinatatayuan ni Ina. Nagbibihis na siya ngayon at katulad ko simple lang siya manamit ngayon. Button-down shirt na hindi nakatuck-in at itim na pants rin. She's wearing low-cut shoes saka siya nagponytail. Inabot niya sakin ang shoulder bag ko saka kami bumaba at kaya pala natagalan siya dito sa baba dahil nagluto na siya ng agahan.


Umupo ako sa mesa at inilagay muna sa katabi kong upuan ang bag ko. Akmang kakain na ko nang tumunog ang cellphone ko kaya natigilan rin si Ina.


"Saglit lang kambal." Ani ko kaya tumango sakin si Ina.


Tumayo ako at pumunta 'di kalayuan sa hapag kainan at doon ko sinagot ang tawag.


"Hello?" Bungad ko sa tumawag. Hindi ko na kasi tinignan yung caller.


"Irina, I'm off to school. Baka gusto niyong daanan ko na kayo ni Ina?" Tanong niya. It's Kurt.

Nothing But StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon